Sunday, December 19, 2010

Justice denied?

John 7:24 - "Do not judge according to appearance, but judge with righteous judgment."


“In our criminal justice system, what is important is, not whether the court entertains doubts about the innocence of the accused since an open mind is willing to explore all possibilities, but whether it entertains a reasonable, lingering doubt as to his guilt. For, it would be a serious mistake to send an innocent man to jail where such kind of doubt hangs on to one’s inner being, like a piece of meat lodged immovable between teeth…” – Supreme Court EN BANC

Ito ang bahagi ng conclusion ng Supreme Court sa kaso ng Vizconde massacre, at ang final verdict ay ang aquital ng mga akusado na nakakulong sa loob ng 15 years.

Sa mga sumubaybay sa kasong ito sa panig ng mga Webb ito ay isang kagalakan at sa panig ng Vizconde ito raw ay pagsira sa justice system ng ating bansa hindi lang dahil ito ay desisyon na nagmula sa RTC o sa Court of Appeals, Ito’y galing mismo sa Supreme Court ang final arbiter kung saan sila ang nagtutuldok sa isang kasong isinampa.

At sa opinion ng mga tao, kanilang sinasabi na kaya nakalaya ang mga akusado dahil sila raw ay mainpluwensiya at meron silang mga pera upang paikutin ang desisyon ng mga Justices sa Supreme Court, samantalang ang biktima ay wala siyang kakayahan na gawin yon, at ang tanging kanyang panlaban ay ang paniniwalang sila nga ang gumawa ng krimen ayon sa kanilang mga testigo.

Majority sa mga tao ang nagsasabing sila ang gumawa dahil sa kanilang isipan ay naglalaro ang paniniwalang “power” at “money” ang kumilos, me katotohanan naman talaga ang ganyang mga speculation PERO di naman din siguro siya absolute ang ganung thinking.

At sa bawat speculation ng mga tao sa nangyari sa kaso ay pinaglabanan yan sa loob ng korte, at bawat abugado ng prosecution at ng depensa ay nagbigay ng mga evidence, testimony at narrative tungkol sa kaso at sa decision ng RTC at ng Court of Appeals ay nag-agree sila na guilty ang mga akusado at ito’y binaliktad naman ng korte suprema na sila ay dapat ma-aquit dahil sa me mga doubt ang mga argument ng prosecution.

Personally binasa ko ang decision ng korte suprema regarding sa kanilang verdict na sila ay mapawalang sala tinignan ko ang argument ng evidence ng prosecution at ang sinasabi ng depensa, syempre di naman ako abugado pero sa context ng presentation ng evidence TANGALIN MUNA NATIN ANG SPECULATION NA ITO BA AY MINANIPULA ay nakita ko na me mga doubt nga ang mga evidence ng prosecution ayon sa aking observation at pagbasa sa desisyon, syempre kung ikaw ay maka – Vizconde dahil siguro sa awa o sa ginawang krimen na barbaric ang pagka-gawa sa kanyang pamilya baka wala pang tatlong ay hindi mo na itutuloy ang pagbasa ay sabihin mo na nabayaran ang ang mga Justices.

Sabi nila sa criminal case dapat daw walang kaunting “doubt” o duda sa taong akusado na siya talaga ang gumawa ng krimen, sa decision ng korte ay nakita nila ang mga yon sa witnesses ng prosecution, yong “doubt” naman baka minanipula nina ang webb ang mga evidences nila ay sinagot naman ng korte suprema punto for punto kung ano ang bigat ng mga iprinisinta ng depensa.

Sa bandang Huli ang boto ay 7 para sa aquital 4 ang sa guilty at 4 ang hindi bomoto, sila ay lumaya sa krimeng ibinibintang sa kanila.

Mayroong tanong na lumalabas kung sakaling sila ay ma-aquit SINO ANG PUMATAY?”

At nagkatotoo na sila ay aquited, back to zero ang kaso at yong paghahanap ni Mr. Vizconde ng katarungan na kanyang pinaghirapan na tuluyang makamit kung sina Hubert ay guilty sa decision ng Korte suprema ay naglahong parang bula.

At aking din natanong at maaring tanong din ng iba ito PAANO KUNG HINDI NAMAN SINA HUBERT ANG PUMATAY?

At ang dalawang katanungan na yan ay confusing sa isipan ng mga tao, isang taong na sa ngayon ay mahirap hanapan ng kasagutan kung sino nga ba ang me sala at biktima ng pangyayari ang only way na mababangit natin ay “DIYOS LANG ANG NAKAKA-ALAM”

Sa mga pabor kay Hubert hindi nila nararamdaman kung ano ang sakit na nadarama ng Vizconde family, sa pabor naman sa Vizconde hindi rin nila nararamdaman kung ano naman ang hinagpis ng pamilya Webb sa pagkakakulong ni Hubert.

At kung SAKALING NAPATUNAYAN talaga na hindi lang sila na-aquit dahil sa mga “DOUBT” sa mga evidence ng prosecution, kundi talagang inosente sila

Ang pamilya ng Webb at Vizconde ba ay napag-laruan ng katarungan?

Hindi sila napag-laruan ng katarungan, dahil ang lahat ng pangyayari ay itinakda (Bagama’t sa mga nasasaktan ay hindi ito basta bastang tinatangap) at sa pagtatakda ay merong din itong layunin o purpose at nagtuturo din sa atin yon ng mga aral at hindi natin agad agad nakikita o kaya kung minsan ay nagiging bulag na tayo dahil tayo ay nasaktan.

Maliwanag ang sinasabi ng Scriptures o ang Bible sa Aklat ng Ecclesiastes 3:1

Ecclesiastes 3:1 - “To everything there is a season, and a time to every purpose under the heaven:”

“To everything...”  kasama na dyan ang sinasabi ng iba na "killing the justice system.” sa deisyon ng Supreme Court regarding the Vizconde case.

Nasasabi rin natin na ang ganda talaga ng purpose ni God pag yong daan o ang tinatahak ng purpose na yon ay maganda at walang aberya e pano kung bako bako o kaya liko liko?

At sa nangyaring pag-aquital kina Webb at ng kanyang mga kasama, masasabi ba natin na “ang ganda”, syempre pag sa Vizconde ka hindi, pag sa Webb ka masasabi mo yon.

Lahat ay nagbigay na ng kani kanilang mga opinion magmula mismo sa mga Justices ng Supreme Court, sa mga newspaper at sa mga barberyahan o sa tambayan ay me mga nagbigay ng kani-kanilang mga saloobin.

At yong mga tanong na “Sino ang pumatay?” at “Paano kung hindi naman sina Hubert ang pumatay?”

Diyos lang naman talaga ang tunay na nakaka-alam, at kung siya ang tunay na nakaka-alam me purpose yon

At sa Justice system naman ng ating bansa AT KUNG SAKALING MAY PAGKAKAMALI nga ang mga Justices ayon sa paningin ng Diyos at hindi sa paninigin nating mga tao, tiyak ay mayroong itong kabayaran at kaparusahan.

Numbers 32:23 - “…you have sinned against the LORD, and be sure your sin will find you out.”

Kaibigan maaring di tayo biktima ng pangyayaring ito o kaya tayo ay nasa isang situation na mahirap ang kalagayan, sabi ng Diyos ayon sa Scriptures lahat ay may layunin maging ito man ay worst na pangyayari sa ating buhay, Muling niya itong bubuuin at ipakita ang kanyang mabuting kalooban sa atin.


God Bless!
.

Friday, December 10, 2010

Me multo!

Pag ang isang batang malikot at mahirap sawayin  ang sinasabi ng kanyang magulang kung minsan upang siya ay tumigil sa kanyang kakulitan ay ang sabihin sa kanya na “Me momo” o kaya “me multo” at pag narinig nya ang ganun ay napapatigil ang bata sa kanyang pagiging makulit.

I remember din nong ako ay bata pa nasasabihan din ako ng ganun na “Me momo” at talaga nga naman na ako ay napapatigil din pag sinasabihan din ako ng ganun.

Meron pa ring mga tao na maski matanda na ay takot na takot pa rin sa momo o multo, at majority sa ating mga pilipno na ang “momo” o multo ay pinaniniwalaang yon yong mga kaluluwa ng mga namatay na hindi pa DAW naka-akyat sa langit kaya’t andito pa sila sa lupa na gumagala, o kaya iyon DAW yong mga taong namatay sa isang malagim na pangyayari at humihingi ng hustisya kaya’t siya ay nagpapakita DAW sa mga tao.

At me mga kwento rin na ang isang kaluluwa DAW ng isang namatay at nagpakita ay naresolba ang isang case na hindi ma solve ng mga nasa authority, at nagkaron ng solusyon nong nagpakita daw yong kaluluwa ng taong namatay at kanyang itinuro ang lugar o yong taong me kasalanan kaya siya ay nahuli.

At ang ganyang term na me “Me momo” o may multo ay hindi lang diyan nagtatapos ang kanyang meaning ito’y nae-extend din sa paniniwalang me mga spirits o multo na nagbabantay sa isang lugar lalo na sa mga probinsiya, andyan yong mga tinatawag na “White lady”, “Kapre”, “Tikbalang”, Dwende”, Nuno sa punso” o “engkanto” o kaya maski Hapones ay nababangit dahil nagbabantay daw sa isang malaking kayamanan, maski mga santo at mga santa ay nadadawit kasi sila DAW ang nagbabantay sa lugar na yon.

At ang mga ganyang ay lalong sumisidhi ang paniniwala dahil nag-kakaroon ng mga advertisement sa pamamagitan ng mga movie sa Pilipinas ay merong mga “Shake, Rattle & Roll”, “sigaw” “Ouija” at “Sukob” sa foreign movies naman ay “Fright night” at “Poltergeist”.

At kung ako ang tatanungin, kung meron nga bang “Momo” o “Multo” at yong mga tinatawag nilang white lady, tikbalang kapre, dwende atbp, I believed na meron mga ganun dahil maraming nakakakita at nagpapatotoo at di lang naman iisa o dadalawa ang nagbibigay ng kanilang nga testimony at hindi lang naman sa mga modern times nangyayari kundi ito’y sa lumang panahon na rin ng ating mga lolo’t lola di naman natin pwedeng e- deny.

PERO HINDI AKO NANINIWALA na yong MGA GANUN ay yon yong mga kaluluwang gumagala sa lupa na hindi pa naka-akyat sa langit o kaya may hinihintay pa sila kaya hindi pa sila uma-akyat sa langit at sila ay nag-gagala pa dito sa lupa.

At kinakailangan nating kumawala sa ganung paniniwala upang hindi tayo maging bondage at tayo ay makalaya sa maling paniniwala na nakatanim na sa ating kultura, tradisyon o paniniwala na HINDI base sa Bible.

KNOW THE TRUTH!

John 8:32 – “And you shall know the truth, and the truth shall make you free.”

Question:
Pwede bang bumalik ang kaluluwa ng isang taong namatay na?

Answer:
Kung e base natin siya sa Bible we have to be fair kung ano ang kanyang sinasabi, at dapat hindi tayo bias, at sa tanong na pwede pang bumalik ang kaluluwa o espiritu ng isang taong namatay na

Tignan muna natin sa context ng Old Testament ng Bible, at ang pinaka strong evidence na ang isang kaluluwa o spirit ng isang taong namatay na bumalik ay nakalagay sa Aklat ng 1 Samuel 28:7-20.

Na ang isang Propeta ay bumalik ang kaluluwa o spirit at nakipag-usap sa isang tao at muli niyang binangit ang kanyang sinabi nong nabubuhay pa siya.

Pero hindi natin pwedeng gawing doctrine na ang kaluluwa o spirit ay bumabalik balik at nag-gagagala sa lupa, bumalik lang ang kaluluwa o spirit ng Propeta dahil pinayagan ng Diyos.

At kung titignan natin ang whole context ng Bible lalo na sa New Testament ay walang doctrine o katuruan ni Christ o ang mga sulat ng mga Apostle na nag- affirm at nagco-confirm na ang kaluluwa o spirit ng isang namatay ay bumabalik at gumagala gala.

At kung titignan naman natin siya mismo sa New Testament ng Bible ang Luke 16: 19-31 ang Parable about Lazarus at yong Rich Man, ay mababasa natin doon na ang kaluluwa o spiritu ng isang tao ay HINDI NA PWEDENG BUMALIK, unless na payagan ng Diyos, pero sa teaching ni Christ at sa epistle ng mga Apostle at sa whole context ng New Testament ang final doctrine ay hindi talaga bumabalik ang kaluluwa ng mga taong patay na, DOON lang sa Aklat ng 1 Samuel 28:7-20 nangyari yon.

Question:
Yong mga “kapre”, “Dwende” o “White lady” at iba pa hindi ba mga kaluluwang gumagala yon?

Answer:
Hindi mga Kaluluwang gumagala yong dahil nga hindi na pwedeng bumalik ang kaluluwa o spirit ng taong namatay ayon sa Bible.

Iyon ay ang mga evil spirits o yong mga fallen angels na sumama kay satanas nang sila ay nagrebelde sa Diyos, mayroong mga fallen angels na nakakulong at sila ay nakare-served sa judgment, pero meron ding mga fallen angels na hindi nakakulong, at yon ang mga gumagala at sila ay nag-aanyong Kapre, Tikbalang, Dwende, White lady at yong mga iba pa na sinasabing nilang multo.

Sila ay nag-pre-pretend din na mga kaluluwa o spirit ng mga taong namatay upang ang mga taong hindi alam kung ano ang sinasabi ng Bible ay kanilang dadayain upang tuluyang maniwala sa kanilang pandaraya at mailigaw nila ang mga tao sa truth ng Bible.

Satan at ang mga fallen angels ay master deceiver, they appeared “angel of lights” pero they will lead you to falsehood, at sa mga paniniwalang ang kaluluwa o spirit ay bumabalik at gumagala ay yan ang isa sa kanilang naitanim na paniniwala sa tao, at sa ating mga pinoy we embraced that falsehood because many of us don’t know what the Bible say.

At sa ating mga Pilipino we value our family relationship, at kung me nawala sa member ng ating family lungkot na lungkot tayo na dapat lang na tayo ay malungkot, at sa kalungkutan na ating nadarama ay tinatake advantage yan ni satan at ng mga fallen angels, kaya’t sabi nila pag Three days daw ay babalik ang kaluluwa ng taong namatay at magparamdam o kaya magpapakita, YAN AY WALANG KATOTOHAN ito’y deception ng evil one.

Maaring ikaw ay napapagpaniwala sa mga paniniwala sa bagay na ito o kaya ikaw ay bondage na ng katuruan na ito, read your bible at pag-aralan mo siya, kung ang katuruan at tradition na ito ay naaayon ba sa salita ng Diyos.

Hindi magagalit ang Diyos kung iyong susuriin ang kanyang salita, mas tuwang tuwa si satanas at ang mga fallen angels kung hindi mo malalaman ang teaching ng Bible, dahil alam nila na sa hindi sa pagbabasa ng Bible ay lalo pa nilang naibabaon at naitatanim ang maling katuruan na nanggagaling sa kanilang pandaraya at ikaw ay nagiging bondage nito.


YOU WANT TO BE FREE?

John 8:32 - “…know the truth, and the truth shall make you free.”


God Bless!




Saturday, December 4, 2010

I got the power!

Isang taong nagsuot ng kwintas at siya ay biglang nagkaroon ng kakaibang lakas hindi siya matalo ng kanyang mga kalaban, isang taong hindi nahuhuli ng mga pulis dahil may sa pusa daw kung siya ay tumakas, isang taong naglalahong parang bula o kaya isang taong hindi tinatablan daw ng kahit na anong patalim kung siya ay sasaksakin o tatagain.

Ilan lamang iyan sa mga kwento o mga naririnig nating kwento o kaya napanood natin sa TV, at sa ating kultura bilang isang pinoy ay hindi nawawala ang “anting anting” “agimat” o kaya “bertud” at ang mga yan ay pinasikat ng artistang si Ramon Revilla Sr.

Kung ikaw ay pupunta ng simbahan ng Quiapo ay makikita mo din ang mga nagbebenta ng mga anting ating, agimat o kaya bertud, me pang-paswerte sa buhay, pang-akit sa negosyo at maging pang-akit sa mga babae.

At me mga kasabihan nga daw na si Manny Pacquiao ay hindi natatalo sa kanyang mga laban sa boxing dahil meron daw siyang anting anting.

So ang pagkakaroon ng anting anting, agimat o bertud ay nagpapakita na ang mga taong gustong magkaroon non ay gusto nila maging angat sila sa ibang tao at gusto nila na sila ay may kapangyarihan, hindi na nila ito iniisip kung saan nangagaling ito ba ay galing sa Diyos o galing sa Demonyo.

At ang kapangyarihan o power na yan na galing sa anting anting, agimat o bertud ay kanila pa nga itong ipinagyayabang at hindi nila ito ikinakahiya, kaya nga pag sumapit ang Byernes santo ng semana santa ay kanilang ipinapakita kung hangang saan ang kaya ng mga anting anting, agimat at bertud sa pamamagitan ng pagsubok sa kanyang bisa.

Pero gaano man kabisa kaepektibo ay mayroon ding hanganan ang power ng mga yan at isa pa ito ay isang deception sa tunay na kapangyarihan na nangagaling mismo sa Diyos

Merong kapangyarihan o power ang Diyos na dapat ay mapasaatin, kapangyangrihan o power na ibang ibang sa bisa ng mga anting anting, agimat o bertud, at ito ay hindi dapat ikahiya.

Romans 1:16 - “For I am not ashamed of the gospel, for it is the power of God for salvation to everyone who believes, to the Jew first and also to the Greek.”

Let us examine the text of Romans 1:16

“For I am not ashamed of the gospel…” - Sabi ni Apostle Paul siya raw hindi nahihiya sa gospel, pero maraming tao ay nahihiya na pag-usapan ang tungkol sa gospel, dahil pag ito ay napag-uusapan ay maaring baduy ang dating sa iba hindi na siya napapanahon o kaya talagang di nila alam kung ano talaga ang gospel, pero si Apostle ay hindi nahihiya at ito ay kanyang ipinapangaral.

“…for it is the power of God…” - Kaya siya (Apostle Paul) hindi nahihiya dahil ito ay power ng Diyos, hindi ito galing sa power ng anting anting, agimat o bertud (at sa aking paniwala na ayon sa standard ng Bible ay demonic power) kaya hindi siya nahihiya dahil ito ay katotohanan, at sa mga tao rin kung merong konting authority o power sa kanilang position ay ginagamit nila ito to show na meron silang power na hawak.

At sa mundong ginagalawan natin ay marami tayong mga bagay na ikinikwento o ibinibida sa ating mga kakilala mga bagay na nabili natin, lugar na napuntantahan, mga taong matataas na ating nakasalamuha o nakilala kung minsan nga e nahagip ka lang ng camera o nagpapicture ka sa isang sikat na celebrity ay tuwang tuwa tayo at proud tayo at bidang bida tayo na kasama natin sila, mas dapat na hindi natin ikahiya ang power ng gospel ni God.

“…for salvation…” - Ito ang pinaka-main reason ng text ng Romans 1:16, hindi mo dapat ikahiya ang kapangyarihan o power ng gospel dahil ang kanyang effectiveness ay ang salvation, salvation ng soul ng tao na subject sa eternal separation sa Diyos pagdating ng judgment, sabihin na natin na yong mga nagagawa ng anting anting, agimat o bertud ay may nagagawang kakaiba, pero kailanman ang bisa ng mga yon will not lead you sa salvation ng soul, deception pa nga ang mga iyon, pero ang gospel is the ultimate way to lead us to salvation.

1 Corinthians 15:1, 2 - “I want to remind you of the gospel I preached to you, which you received and on which you have taken your stand. By this gospel you are saved,”

Question:
Meron bang discrimination o pagtatangi sa gospel of salvation na yan?

Answer:
Wala siyang discrimination pero ito ay may kundisyon.

“…to everyone who believes…” - Iyan ang kundisyon ng gospel, we have to believe upang maranasan natin ang power at salvation ng gospel, at kailangan panghawakan natin ito.

1 Corinthians 15:2 - “By this gospel you are saved, IF YOU HOLD FIRMLY to the word I preached to you”

“…to the Jew first and also to the Greek.” – This is not limited sa mga Jews o sa mga Greek, dahil ang mga Greek people ay kasali sa gentile world, at pag sinabi mong gentile ito’y tumutukoy sa mga taong hindi mga Jews, in other words ang sinasabi ni Apostle Paul din dito it is not only to the Jews but also to all the people in the world, so walang racial discrimination basta’t people will believe & hold firmly the gospel they will experience the power and salvation of the gospel.

Teka, alam mo po ba natin kung ano yong gospel na pine-preach ni Apostle Paul para maranasan natin ang power at maibahagi natin din sa iba ang kanyang power that lead to salvation?

Kung sa tingin mo na yong mga naririnig mo na mga sermons tungkol sa maging “mabuti ka o mabait ka” mga sermons tungkol sa mga “Morality” or “Financial matters” hindi po yon ang gospel na sinasabi ni Apostle Paul.

Una ano nga ba ang Gospel? Basically ang ibig sabihin ay “Good News” o “Mabuting Balita” at sa Bible tinatawag ang “Gospel” na the gospel of the kingdom of God at ito ang aking belief na may mabuting balita na mangyayari sa kingdom of God at lahat ng mga kasamaang nangyayari sa mundong ito ay mawawala na pag dumating na ang Kingdom of God na magta-take over sa mundong ito.

Ang Gospel din ay tinatawag na synoptic gospels na kasama yong aklat ng Matthew, Mark at Luke na ang kanilang pag-kakasulat ay halos pare-parehas, at minsan ay ito na nga halos ang nababasa at naririnig sa mga sermons ng Roman Catholic Church.

At HIGIT SA LAHAT ang GOSPEL ay natatawag na THE GOSPEL OF CHRIST, ito ay ang MABUTING BALITA ng PAGLILIGTAS ng Diyos thru Jesus Christ.

At kung ito’y ating esummarized at gamitin ko rin ang text ng 1 Cor. 15:3b

“…that Christ died for our sins according to the Scriptures,”

Christ died for our sins, dahil tayo ay makasalanan, at hindi natin kailangan gumawa ng kasalanan para masabi natin na tayo ay nagkasala o makasalanan, talagang ang kasalanan ay nakakabit na sa atin mula pa ng tayo ay nasa sinapupunan pa.

Psalm 51:5 – “surely I was sinful at birth, sinful from the time my mother conceived me”

At wala tayong magagawa upang mabura ang mantsa ng kasalanan sa ating buhay at “…Christ died for our sins according to the Scriptures,” at ang pumalit sa atin upang pagdusahan ang kasalanan natin ay si Jesus Christ, siya ang nagdanas ng full wrath of God.

At hindi lang siya nagdanas kundi He obeyed the law of God magmula sa pinakamaliit na letra ng law ay kanyang sinunod at siya ay righteous before God.

He deserved to be the Savior ng ating buhay ng ating kaluluwa at ng lahat ng nagkasala, and we should put our trust in Him sa pamamagitan ng pag-repent at faith sa kanya at maliligtas tayo dahil sa kanyang merit hindi sa ating sariling merit, at yan ang ipinapangaral ni Apostle Paul at hindi niya ito ikinakahiya.

Do you have that POWER?

Do you have that GOSPEL?

Do you share that GOSPEL?

Remember, Romans 1:16 - “it is the power of God for salvation to everyone who believes, to the Jew first and also to the Greek.”

God bless!


Thursday, December 2, 2010

Christmas: Behind the curtain

"The only blind person at Christmas time is he who has not Christmas in his heart." – Helen Keller


Nang sumapit ang buwan ng “ber” me nagtext sa akin at ang nakalagay ay “Merry Christmas” hindi ko nagets kong ano ang gusto niyang mensahe, yon pala ay magkri-christmas na o malapit na ang pasko at sa TV ay nagbibigay sila ng countdown kung ilang araw pa bago dumating pasko.

Mararamdaman ang malamig na simoy ng hangin, makikita na natin ang mga nagkikislapang mga ilaw, pagsasabit ng mga parol o paglalagay ng Christmas tree o kaya belen man lang na gawa sa karton.

Andyan din yong mga kabi kabilang mga okasyon, family reunion, get together ng mga magkakabatch sa high school, college o magkikita kayo ng mga old friends mo.

lalo na pag isang araw na lang marami ang mga namimili sa divisoria (dahil mura daw) o pupunta sa mga malls yong iba nman ay mag-ukay ukay na lang, me mga bibili ng mga bagong damit, sapatos o kanilang mga kagamitan na gusto na siguro matagal nilang pinag-ipunan at mabibili nila pag dumating na ang pasko.

Sa mga nagtratrabaho naman ay tuwang tuwa rin sila pagka’t makukuha na nila ang kanilang 13th at 14th month pay at me mga pangastos na sila sa araw ng pasko.

Hindi nawawala ang mga lechon, hamon, keso de bola o kung walang ganun basta prutas na lang na bilog, sa mga taong di sagana basta’t merong spaghetti, pandesal at juice ok na sa kanila, yong talagang mahirap pa sa daga (although di naman lahat) maski papano sila rin ay nabibiyaan o nabibigyan ng saya pagka’t me mga institution o group naman na nagbibigay maski konti man lang sa mga iyon upang maranasan nila kahit sandali ang diwa ng pasko.

Higit sa lahat hindi nawawala ang pagbibigayan ng regalo sa isa’t isa, maaring tumangap ka ng isang Louis Vuitton o Prada na bag, kung sa teenager baka makatangap siya ng ipod touch, bagong cellphone, Kung wala din ang mga yan, mabigyan ka lang ng isang bar ng kitkat masaya ka na rin at sasabihin mo na “maski papano naalala niya ako” o kaya sa araw ng pasko ay sasagutin o makikiapgdate ka don sa crush mo at sasabihin mo na “sa lahat ng pasko ito pinakamaganda sa akin”.

Lalo na sa ating mga pinoy, maski crisis at hahanap at gagawa ng paraan para mairaos ang ating pasko, maski mangutang basta’t masaya ang lahat sa araw ng pasko.

Sa ibang pananalita generally ang Christmas o Pasko ay puno ng saya, panahon ng pagsasaya, at ito ay na-uugnay sa pagsilang ni Lord Jesus Christ.

Those events na mangyayari at nangyayari sa araw ng Christmas, what is behind the curtain?

Ang behind the curtain sa Christmas is something to do with the soul of humanity, my soul, your soul at sa lahat ng creation ni God.

At ang pinaka main point ng Christmas ay ang sacrifice ni Jesus Christ

It was ordained by God the Father na siya ang ultimate sacrifice for the sins of the whole world and He is the Lamb without blemish before the foundation of the world.

REVELATION 13:8
“…the Lamb slain from the foundation of the world."

Isinilang si Lord Jesus Christ hindi para eenjoy yong kanyang status sa heaven bilang King of kings & Lord of lords, Siya ay pumunta to serve and to save us & destroy the work of the devil at mapalaya tayo sa kapangyarihan ng kasalanan.

MATTHEW 20:28
“just as the Son of Man did not come to be served, but to serve..."

LUKE 19:10
"For the Son of Man has come to seek and to save that which was lost."

1 JOHN 3:8c
“The reason the Son of God appeared was to destroy the devil's work.”

At ginawa niya iyon pamamagitan ng kanyang pagiging meekness kung ano siya, naging masunurin siya sa kalooban ng God the Father.

PHILIPPIANS 2:2-8
“Who, being in very nature God, did not consider equality with God something to be grasped, but made himself nothing, taking the very nature of a servant, being made in human likeness. And being found in appearance as a man, he humbled himself and became obedient to death— even death on a cross!”

Sentrong sentro tayo kay Lord Jesus Christ pag sumapit ang semana santa, andyan yong bisita iglesia wag daw kakain ng karne o kumpletohin ang simbang gabi, manonood ng dvd regarding sa buhay niya at talaga naman babang baba tayo sa ating sarili, maski sampalin ka e sabihin mo pa rin na “God Bless” maalala mo pa yong salitang “Pag sinampal ka sa kabila ibigay mo din yong kabila”

Sa pagsilang ni Lord Jesus sa Pasko, alam niya kung ano ang kanyang kahihitnan ng kanyang buhay sa mundong ito, hindi siya nag-enjoy ng kanyang buhay, hindi siya nagsuot ng mga magagarang damit, siya ay nagsuot ng koronang tinik at maliit na saplot ang kanyang tanging damit ng siya ay ipinako.

At ang truth na yan ay nagsimula “before the foundation of the world”, nasasabi natin tayo ay “magbigayan” dahil pasko, minsan nahahalintulad tayo don sa tatlong wise men na dumalaw Kay Lord Jesus Christ na nagbigay ng kani-kanilang mga regalo sa kanya.

Ok lang naman na magbibigay ng mga regalo sa mga taong may puwang sa ating mga puso o sa mga taong naging bahagi sila ng ating buhay, kaya nga yong mga binibigay natin na mga regalo sa mga yon ay de kalidad hindi basta basta ang value.

Pero sa Bible kung ebabase natin siya doon sa event ng pagsilang ni Lord Jesus Christ, hindi yong pagbibigay ng regalo ang essence ng event, kundi ang kanyang pagiging savior at yon ang sinabi ng angel.

Luke 2:10-11
“…I bring you good news of great joy that will be for all the people. Today in the town of David a SAVIOR has been born to you; he is Christ the Lord”

Savior ang Christ, at sa kanyang pagiging savior hindi siya yong parang bida sa movie na pagdating sa mga action ay siya ay hindi nasasaktan o nahihirapan, kabaliktaran dahil siya ay maghihirap at hirap na dala dala niya ang buong wrath ni God the Father dahil sa sin.

Kaya’t sa simula pa lang ng kanyang pagparito sa lupa ay alam na niya ang kabigatan na yon, at ang lahat ng yan ay para sa buong sangkatauhan, sa aking soul at sa iyong soul.

At sa bawat biyaya na ating matatangap sa pasko, maging ito’y sa material na bagay, relationship o kung ano man yan, yan ay pinaghirapan ni Lord Jesus Christ, at sa loob ng 33 years, He prepared that for us, hindi lang sa material things na makukuha at matatangap natin, kundi sa ating mismong salvation at yan ang napakahalaga sa lahat.

Kaibigan, pag binubuksan natin ang ating natatangap na regalo sa pasko para din natin hinahawi ang curtain doon sa eternity past, when Christ slain without blemish, came to earth to suffer and die, PARA SA ATING KALIGTASAN, at SANA HUWAG NATIN ITONG IWALANG BAHALA.

2 Corinthians 6:2
“for He says, "AT THE ACCEPTABLE TIME I LISTENED TO YOU, AND ON THE DAY OF SALVATION I HELPED YOU." Behold, now is "THE ACCEPTABLE TIME," behold, now is "THE DAY OF SALVATION "


MERRY CHRISTMAS!

.