“Faith is deliberate confidence in the character of God whose ways you may not understand at the time” – Oswald chambers
Sa Kristiyanismong relihiyon ang faith ay napakahalaga at napakalaki ang kanyang ginagampanan sa pakikipag-ugnayan at pagsunod sa Diyos, at maging sa relihiyong paganismo ay may mga sacrifices o pagsunod silang ginagawa sa kanilang diyos o sa kanilang mga anito dahil din sa kanilang faith.
Sinusunod ang mga utos ng Diyos dahil sa faith at meron itong kapalit na pagpapala o blessings na mangyayari dahil naniniwala tayo sa kanyang sinabi sa Bible.
Deuteronomy 28:1,2 – “If you fully obey the LORD your God and carefully follow all his commands I give you today, the LORD your God will set you high above all the nations on earth. All these blessings will come on you and accompany you if you obey the LORD your God”.
At sa mga preachers na nagsasalita o nangangaral sa pulpit ay hindi rin nawawala sa content ng kanilang mga messages na ang faith ay barometer ng Diyos upang siya ay magbigay ng blessings, at inaasahan natin yan dahil nga we have faith at we claimed His promise.
At sa Bible sa book of Hebrews chapter 11 magmula sa verse 4 to 38 ay inilarawan ang mga taong nakipaglaban, sumunod at mga nag-sacrifice dahil sa kanilang faith.
Sa ibang pananalita ang faith motivate us na magpatuloy sa mundong ito, even we experience hardship, struggles & pain we hope na sa dulo non ay mayroong lilitaw na liwanag dahil sa ating faith.
Muli nating balikan ang Hebrews chapter 11 at tignan natin ang verse 39 na conclusion sa faith ng mga taong nakipaglaban, sumunod at nag-sacrifice sa kanilang faith.
Hebrew 11:38a – “These were all commended for their faith…”
It is clear na “…commended…” sila sa kanilang faith at highly praise, aprubado mismo sa standard ng Diyos, pero sa kabila ng kanilang faith na ipinakita ay
Hebrews 11: 38b - “…yet none of them received what had been promised”
Yong pangako na inaasahan sa kanilang faith ay hindi nila nakamit o nakuha pero sinasabi naman ng Deuteronomy 28:1,2 na pag nag-obey sa kanya dahil sa faith ay merong blessing na ibibigay ang Diyos
Pero sa conclusion ng Hebrews chapter 11 verse 38b ay may faith na hindi nakukuha o nakakamit ang promised.
Ito ba ay nangangahulugan na ang Diyos ay hindi nagiging tapat sa kanyang salita at pangako?
Siya ay laging tapat at kanyang sinusunod ang kanyang mga pangako, sa katunayan sa kanyang pagiging Diyos mismo siya nag- oath dahil hindi siya pwedeng mag-sinungaling.
Hebrew 6:13 –“… since there was no one greater for him to swear by, He swore by himself”
At kung sakaling hindi man nakamit ang blessings na ipinangako sa mundong ito, dahil sa ating faith ito pa rin ay nanatiling pangako ng Diyos at kanyang tutuparin in His sovereignty at sa kanyang perfect plan at timing ay mangyayari ang pangakong iyon at higit na mas maganda pa sa inaasahan natin na resulta ng blessing na ibibigay niya sa atin.
Hebrews 11: 40a – “since God had planned something better for us…”
Lagi kung sinasabi at reminder din sa aking sarili na pag meron tayong mga bagay na gagawin lalong lalo na yong mga critical at kailangan natin ng kalakasan ay ating isanguni sa Diyos, at mag faith tayo sa kanya.
Faith na panghawakan natin na kung ano man ang magiging resulta at lalo na pag hindi favorable ang resulta sa ating ginawa, nguni’t pag ito’y ating isinanguni sa Diyos, tayo ay mayroong peace of mind at katiwasayan ng ating kalooban, dahil alam natin na God will take care.
Sabi ng slogan ng Adidas “Impossible is nothing” ang Nike naman ay “Just do it” at sabi ng Bible “Trust in the LORD” at we trust Him sa pamamagitan ng faith natin sa kanya.
Magunaw man ang mundo, magkaroon man tayo ng mga bad experiences at maaring dumating sa point na tayo ay helpless at ang nanatili na lang ay ang ating faith sa Diyos, yon ay sapat na upang mapagtagumpayan natin ang mga yan.
Kaibigan ano ba ang faith mo, faith ba sa Diyos na ang inaasahan lang yong favorable sayo o faith na even in your darkest hour you stand for that faith dahil ang Diyos na ang bahala.
Psalms 46:10a - “He says, “Be still, and know that I am God...”
God bless!
No comments:
Post a Comment