“There are always uncertainties ahead, but there is always one certainty--God's will is good.” –Vernon Paterson
New year, bagong pag-asa na naman sa buhay, yan ang kalimitan na sinasabi pag nagpalit ang taon, tayo ay umaasa na sa New year na dumating ay higit na mas maganda ang kahihitnatnan kaysa sa nakaraang taon.
At sa pag-papalit ng taon ay may mga iba’t ibang predictions o hula na sinasabi kung ano ang mga pwedeng mangyari sa susunod, kaya’t andyan ang mga funsui expert, astrologers o yong mga self proclaimed prophet na nagbibigay ng kani kanilang mga expectations na pwedeng mangyari sa loob ng isang taon.
Nagsasabi sila na ito dapat ang ayos ng iyong bahay, ang kulay na gagamitin mga usong damit o fashion mga signs na dapat ilagay sa loob ng bahay para ikaw ay swertehin sa iyong buhay, at sa mga astrologers naman ay gumagawa sila ng horoscope na inihuhula ang mangyayari sa loob ng isang taon, at maraming mga tao ang nagpapaniwala sa ganun (at maaring isa ka rin sa mga naniniwala).
Me mga pagkakataon na kung minsan ang sinasabi ng mga funsui expert, astrologers at mga self proclaimed prophet ay nagkakatotoo.
Pero tama ba na tayo ay nakadepende, nakasandal o pagbasehan man lang maski konti ang kanilang mga sinasabi?
Nagbigay ng warning o babala ang Bible regarding sa bagay na yan, funsui expert at astrologers ay pasok sa category ng Deutronomy 13:1-2
Deutronomy 13: 1-2 - “If there arises among you a prophet or a dreamer of dreams, and he gives you a sign or a wonder, and the sign or the wonder comes to pass… you shall not listen to the words of that prophet or that dreamer of dreams…”
Bakit di tayo dapat maniwala?
Deutronomy 13:2 – “of which he spoke to you, saying, ‘Let us go after other gods’—which you have not known—‘and let us serve them,"
Dahil tayo ay kanilang ililigaw sa tunay na Diyos na siyang me control at sandigan ng lahat ng bagay, at kung tayo ay nagpapaniwala sa kanilang mga sinasabi at yon na ang nagdidikta sa mga bagay na ating ginagawa tayo ay considered serving “other gods”.
Talaga nga naman na we are hoping for better new year, at di natin alam kung ano ang mga bagay na pwedeng mangyari pero ang Diyos ay nauna na upang tayo ay tulungan at gabayan sa ating mga daily activities sa mga plano at mga pangarap na gusto natin sa new year.
Don’t trust sa mga sinasabi ng mga funsui, astrologers at self proclaimed prophet, TRUST IN THE LORD!
Proverbs 3:5-6 – “Trust in the LORD with all your heart, And lean not on your own understanding; In all your ways acknowledge Him, And He shall direct your paths”
TRUSTING THE LORD ay giving our heart, surrendering our understanding at gawin natin siyang counselor by acknowledging Him sa mga bagay na ating gagawin.
Pag ginawa natin yon, siguradong ang ating mga gagawin at ang ating mga tatahakin na landas sa taon na ito ay may kabuluhan dahil “…He shall direct your/our path”
At kung sakaling ang mga ginagawa natin at ang landas na atin tinatahak ay parang hindi siya kaaya-aya o hindi ayon sa ating kagustuhan at tayo ay nadidismaya ay TRUST IN THE LORD pa rin, sapagka’t sa ating limitadong kaisipan ay hindi naman talaga natin lubusan mauunawaan ang kilos ng Diyos sa ating buhay sapagka’t ang kanyang karunungan ay unsearchable.
Romans 11:33 – “Oh, the depth of the riches both of the wisdom and knowledge of God! How unsearchable are His judgments and unfathomable His ways!”
We pray and we hope that God will bless us this year, bumaba man ang economy magkaroon man ng recession sa iba’t ibang agency ng government o kaya global financial problem or some problems sa ating personal na buhay, IF WE TRUST IN THE LORD kaya niya tayong iligtas sa mga circumtances na yan.
365 days maraming pwedeng mangyari at magbago at kung tayo ay nag-tra - TRUST kay LORD hindi tayo basta basta matitinag, susuko o babagsak at kung sakaling tayo ay natinag, sumuko at bumagsak TAYO AY KANYANG IBABANGON BECAUSE WE TRUST IN HIM.
Proverbs 3:5-6 – “Trust in the LORD with all your heart, And lean not on your own understanding; In all your ways acknowledge Him, And He shall direct your paths”
Proverbs 3:5-6 – “Trust in the LORD with all your heart, And lean not on your own understanding; In all your ways acknowledge Him, And He shall direct your paths”
God Bless!
No comments:
Post a Comment