Wednesday, January 5, 2011

Talino, diskarte at swerte

Ang buhay ay puno ng adventure o pakikipagsapalaran, at sa pakikipagsapalaran ay merong nagtatagumpay at merong ding nabibigo.

At me mga taong masasabi natin na nagmula sa mahirap at naging mayaman dahil sa kanyang galing o kaya ma-diskarte sa buhay kaya’t naabot nila ang ganung kalagayan.

Meron nga naman mga taong ipinanganak na matalino na at me kaya sa buhay kaya nagagawa nila ang gusto nila sa buhay, meron din naman mahirap pero madiskarte kaya uma-angat ang kalagayan, at kung wala kang yaman o talino me nagsasabi naman na nagkaroon ng “swerte” kaya nabago ang buhay.

Matalino, mahirap pero madiskarte o kaya may swerte sa buhay ay merong pa ring bahagi o participation ang pagiging responsible upang maging mabuti ang kalagayan ng isang tao.

Good decision, good connection sa mga matataas na tao sa lipunan, tamang timing sa buhay yan siguro ang factor ng isang matalino, mahirap pero madiskarte at me swerte sa buhay.

At sa mga naging successful sa buhay sila ay nagbabahagi ng kanilang mga karanasan kung paano sila naging successful, nagsusulat sila ng mga libro, sila ay nabibigyan ng mga parangal sa iba’t  ibang okasyon.

Sa kabila ng mga natatamo nilang mga recognition talaga nga bang sa kanilang talino, diskarte at swerte kaya naabot nila ang ganun?

Zechariah 4:6
- “…Not by might nor by power, but by my Spirit,’ says the LORD Almighty.”

Kaya sila nagiging successful o maging sa ating personal na buhay kaya natin nararating yong mga bagay na meron tayo dahil mismo sa tulong ng Diyos PERO SA TOTOO LANG DI NATIN NARERECOGNIZE dahil kung minsan tayo ay nadadala sa mga papuri ng mga tao o kaya we accept na we truly deserve those good things na nangyayari sa ating buhay.

“…but my Spirit,’ says the LORD Almighty.” Ang Spirit ng Diyos ang kumikilos sa ating buhay kaya nagkakaroon ng mga pag-angat sa ating buhay, at sa mga pag-angat o successful na ating nararating ang Diyos ay karapat-dapat lang na siya ay papurihan o acknowledge siya sa ating buhay.

Kung ating babasahin ang book of Psalms sa Bible, ito’y puno ng papuri at parangal tungkol sa Diyos, pagsasalarawan ng kanyang kabutihan at ito’y nangangahulugan na ang Diyos ay gusto niya na siya ay napupuri.

At ang hindi pag-puri at pagbalik ng karangalan sa Diyos ay isang serious matter, at may mabigat na kaparusahan na pwedeng mangyari.

Sa book of Acts chapter 12 verse 18-21 ay mababasa natin ang pagkamatay ni Herod dahil siya ay kinain ng mga uod hangang sa siya ay mamatay ang reason HINDI SIYA NAGBIGAY NG PAPURI SA DIYOS.

Maaring hindi tayo literal na kakainin ng uod na katulad ng nangyari kay Herod, pero may mga bagay na pwedeng mangyari na maaring magdulot ng kapahamakan o kaya problems na hindi nareresolba sa ating buhay at ang maaring  isa sa dahilan ay sa hindi natin pagbabalik ng papuri o parangal sa Diyos.

Dahil nga sa akala ng maraming tao at maging mismo sa ating sarili ay magaling na tayo, nasa atin ang swerte at ang galing ng mga diskarte natin kaya lahat ng mga achievements, plans natin sa buhay o yong mga like natin ay nasa tamang ayos.

Doon tayo ngakakamali dahil merong higher power na nagkokontrol ng lahat ng bagay o pangyayari at yan nga ay nagmumula sa Diyos, na ang ating buhay at pagkilos ay dahil sa kanya.

ACTS 17:28 - “for in Him we live and move and exist…”

Kaibigan, ano ba meron ka ngayon na masasabi mo na nakuha mo ito dahil sa talino, mabuting diskarte o swerte? Naibabalik ba natin ito sa Diyos sa pag-acknowledge natin sa kanya sa pagbibigay ng papuri o praises sa kanya.

Hebrews 13:15 – “Through Him then, let us continually offer up a sacrifice of praise to God, that is, the fruit of lips that give thanks to His name.”

God Bless!

No comments:

Post a Comment