Sunday, December 19, 2010

Justice denied?

John 7:24 - "Do not judge according to appearance, but judge with righteous judgment."


“In our criminal justice system, what is important is, not whether the court entertains doubts about the innocence of the accused since an open mind is willing to explore all possibilities, but whether it entertains a reasonable, lingering doubt as to his guilt. For, it would be a serious mistake to send an innocent man to jail where such kind of doubt hangs on to one’s inner being, like a piece of meat lodged immovable between teeth…” – Supreme Court EN BANC

Ito ang bahagi ng conclusion ng Supreme Court sa kaso ng Vizconde massacre, at ang final verdict ay ang aquital ng mga akusado na nakakulong sa loob ng 15 years.

Sa mga sumubaybay sa kasong ito sa panig ng mga Webb ito ay isang kagalakan at sa panig ng Vizconde ito raw ay pagsira sa justice system ng ating bansa hindi lang dahil ito ay desisyon na nagmula sa RTC o sa Court of Appeals, Ito’y galing mismo sa Supreme Court ang final arbiter kung saan sila ang nagtutuldok sa isang kasong isinampa.

At sa opinion ng mga tao, kanilang sinasabi na kaya nakalaya ang mga akusado dahil sila raw ay mainpluwensiya at meron silang mga pera upang paikutin ang desisyon ng mga Justices sa Supreme Court, samantalang ang biktima ay wala siyang kakayahan na gawin yon, at ang tanging kanyang panlaban ay ang paniniwalang sila nga ang gumawa ng krimen ayon sa kanilang mga testigo.

Majority sa mga tao ang nagsasabing sila ang gumawa dahil sa kanilang isipan ay naglalaro ang paniniwalang “power” at “money” ang kumilos, me katotohanan naman talaga ang ganyang mga speculation PERO di naman din siguro siya absolute ang ganung thinking.

At sa bawat speculation ng mga tao sa nangyari sa kaso ay pinaglabanan yan sa loob ng korte, at bawat abugado ng prosecution at ng depensa ay nagbigay ng mga evidence, testimony at narrative tungkol sa kaso at sa decision ng RTC at ng Court of Appeals ay nag-agree sila na guilty ang mga akusado at ito’y binaliktad naman ng korte suprema na sila ay dapat ma-aquit dahil sa me mga doubt ang mga argument ng prosecution.

Personally binasa ko ang decision ng korte suprema regarding sa kanilang verdict na sila ay mapawalang sala tinignan ko ang argument ng evidence ng prosecution at ang sinasabi ng depensa, syempre di naman ako abugado pero sa context ng presentation ng evidence TANGALIN MUNA NATIN ANG SPECULATION NA ITO BA AY MINANIPULA ay nakita ko na me mga doubt nga ang mga evidence ng prosecution ayon sa aking observation at pagbasa sa desisyon, syempre kung ikaw ay maka – Vizconde dahil siguro sa awa o sa ginawang krimen na barbaric ang pagka-gawa sa kanyang pamilya baka wala pang tatlong ay hindi mo na itutuloy ang pagbasa ay sabihin mo na nabayaran ang ang mga Justices.

Sabi nila sa criminal case dapat daw walang kaunting “doubt” o duda sa taong akusado na siya talaga ang gumawa ng krimen, sa decision ng korte ay nakita nila ang mga yon sa witnesses ng prosecution, yong “doubt” naman baka minanipula nina ang webb ang mga evidences nila ay sinagot naman ng korte suprema punto for punto kung ano ang bigat ng mga iprinisinta ng depensa.

Sa bandang Huli ang boto ay 7 para sa aquital 4 ang sa guilty at 4 ang hindi bomoto, sila ay lumaya sa krimeng ibinibintang sa kanila.

Mayroong tanong na lumalabas kung sakaling sila ay ma-aquit SINO ANG PUMATAY?”

At nagkatotoo na sila ay aquited, back to zero ang kaso at yong paghahanap ni Mr. Vizconde ng katarungan na kanyang pinaghirapan na tuluyang makamit kung sina Hubert ay guilty sa decision ng Korte suprema ay naglahong parang bula.

At aking din natanong at maaring tanong din ng iba ito PAANO KUNG HINDI NAMAN SINA HUBERT ANG PUMATAY?

At ang dalawang katanungan na yan ay confusing sa isipan ng mga tao, isang taong na sa ngayon ay mahirap hanapan ng kasagutan kung sino nga ba ang me sala at biktima ng pangyayari ang only way na mababangit natin ay “DIYOS LANG ANG NAKAKA-ALAM”

Sa mga pabor kay Hubert hindi nila nararamdaman kung ano ang sakit na nadarama ng Vizconde family, sa pabor naman sa Vizconde hindi rin nila nararamdaman kung ano naman ang hinagpis ng pamilya Webb sa pagkakakulong ni Hubert.

At kung SAKALING NAPATUNAYAN talaga na hindi lang sila na-aquit dahil sa mga “DOUBT” sa mga evidence ng prosecution, kundi talagang inosente sila

Ang pamilya ng Webb at Vizconde ba ay napag-laruan ng katarungan?

Hindi sila napag-laruan ng katarungan, dahil ang lahat ng pangyayari ay itinakda (Bagama’t sa mga nasasaktan ay hindi ito basta bastang tinatangap) at sa pagtatakda ay merong din itong layunin o purpose at nagtuturo din sa atin yon ng mga aral at hindi natin agad agad nakikita o kaya kung minsan ay nagiging bulag na tayo dahil tayo ay nasaktan.

Maliwanag ang sinasabi ng Scriptures o ang Bible sa Aklat ng Ecclesiastes 3:1

Ecclesiastes 3:1 - “To everything there is a season, and a time to every purpose under the heaven:”

“To everything...”  kasama na dyan ang sinasabi ng iba na "killing the justice system.” sa deisyon ng Supreme Court regarding the Vizconde case.

Nasasabi rin natin na ang ganda talaga ng purpose ni God pag yong daan o ang tinatahak ng purpose na yon ay maganda at walang aberya e pano kung bako bako o kaya liko liko?

At sa nangyaring pag-aquital kina Webb at ng kanyang mga kasama, masasabi ba natin na “ang ganda”, syempre pag sa Vizconde ka hindi, pag sa Webb ka masasabi mo yon.

Lahat ay nagbigay na ng kani kanilang mga opinion magmula mismo sa mga Justices ng Supreme Court, sa mga newspaper at sa mga barberyahan o sa tambayan ay me mga nagbigay ng kani-kanilang mga saloobin.

At yong mga tanong na “Sino ang pumatay?” at “Paano kung hindi naman sina Hubert ang pumatay?”

Diyos lang naman talaga ang tunay na nakaka-alam, at kung siya ang tunay na nakaka-alam me purpose yon

At sa Justice system naman ng ating bansa AT KUNG SAKALING MAY PAGKAKAMALI nga ang mga Justices ayon sa paningin ng Diyos at hindi sa paninigin nating mga tao, tiyak ay mayroong itong kabayaran at kaparusahan.

Numbers 32:23 - “…you have sinned against the LORD, and be sure your sin will find you out.”

Kaibigan maaring di tayo biktima ng pangyayaring ito o kaya tayo ay nasa isang situation na mahirap ang kalagayan, sabi ng Diyos ayon sa Scriptures lahat ay may layunin maging ito man ay worst na pangyayari sa ating buhay, Muling niya itong bubuuin at ipakita ang kanyang mabuting kalooban sa atin.


God Bless!
.

Friday, December 10, 2010

Me multo!

Pag ang isang batang malikot at mahirap sawayin  ang sinasabi ng kanyang magulang kung minsan upang siya ay tumigil sa kanyang kakulitan ay ang sabihin sa kanya na “Me momo” o kaya “me multo” at pag narinig nya ang ganun ay napapatigil ang bata sa kanyang pagiging makulit.

I remember din nong ako ay bata pa nasasabihan din ako ng ganun na “Me momo” at talaga nga naman na ako ay napapatigil din pag sinasabihan din ako ng ganun.

Meron pa ring mga tao na maski matanda na ay takot na takot pa rin sa momo o multo, at majority sa ating mga pilipno na ang “momo” o multo ay pinaniniwalaang yon yong mga kaluluwa ng mga namatay na hindi pa DAW naka-akyat sa langit kaya’t andito pa sila sa lupa na gumagala, o kaya iyon DAW yong mga taong namatay sa isang malagim na pangyayari at humihingi ng hustisya kaya’t siya ay nagpapakita DAW sa mga tao.

At me mga kwento rin na ang isang kaluluwa DAW ng isang namatay at nagpakita ay naresolba ang isang case na hindi ma solve ng mga nasa authority, at nagkaron ng solusyon nong nagpakita daw yong kaluluwa ng taong namatay at kanyang itinuro ang lugar o yong taong me kasalanan kaya siya ay nahuli.

At ang ganyang term na me “Me momo” o may multo ay hindi lang diyan nagtatapos ang kanyang meaning ito’y nae-extend din sa paniniwalang me mga spirits o multo na nagbabantay sa isang lugar lalo na sa mga probinsiya, andyan yong mga tinatawag na “White lady”, “Kapre”, “Tikbalang”, Dwende”, Nuno sa punso” o “engkanto” o kaya maski Hapones ay nababangit dahil nagbabantay daw sa isang malaking kayamanan, maski mga santo at mga santa ay nadadawit kasi sila DAW ang nagbabantay sa lugar na yon.

At ang mga ganyang ay lalong sumisidhi ang paniniwala dahil nag-kakaroon ng mga advertisement sa pamamagitan ng mga movie sa Pilipinas ay merong mga “Shake, Rattle & Roll”, “sigaw” “Ouija” at “Sukob” sa foreign movies naman ay “Fright night” at “Poltergeist”.

At kung ako ang tatanungin, kung meron nga bang “Momo” o “Multo” at yong mga tinatawag nilang white lady, tikbalang kapre, dwende atbp, I believed na meron mga ganun dahil maraming nakakakita at nagpapatotoo at di lang naman iisa o dadalawa ang nagbibigay ng kanilang nga testimony at hindi lang naman sa mga modern times nangyayari kundi ito’y sa lumang panahon na rin ng ating mga lolo’t lola di naman natin pwedeng e- deny.

PERO HINDI AKO NANINIWALA na yong MGA GANUN ay yon yong mga kaluluwang gumagala sa lupa na hindi pa naka-akyat sa langit o kaya may hinihintay pa sila kaya hindi pa sila uma-akyat sa langit at sila ay nag-gagala pa dito sa lupa.

At kinakailangan nating kumawala sa ganung paniniwala upang hindi tayo maging bondage at tayo ay makalaya sa maling paniniwala na nakatanim na sa ating kultura, tradisyon o paniniwala na HINDI base sa Bible.

KNOW THE TRUTH!

John 8:32 – “And you shall know the truth, and the truth shall make you free.”

Question:
Pwede bang bumalik ang kaluluwa ng isang taong namatay na?

Answer:
Kung e base natin siya sa Bible we have to be fair kung ano ang kanyang sinasabi, at dapat hindi tayo bias, at sa tanong na pwede pang bumalik ang kaluluwa o espiritu ng isang taong namatay na

Tignan muna natin sa context ng Old Testament ng Bible, at ang pinaka strong evidence na ang isang kaluluwa o spirit ng isang taong namatay na bumalik ay nakalagay sa Aklat ng 1 Samuel 28:7-20.

Na ang isang Propeta ay bumalik ang kaluluwa o spirit at nakipag-usap sa isang tao at muli niyang binangit ang kanyang sinabi nong nabubuhay pa siya.

Pero hindi natin pwedeng gawing doctrine na ang kaluluwa o spirit ay bumabalik balik at nag-gagagala sa lupa, bumalik lang ang kaluluwa o spirit ng Propeta dahil pinayagan ng Diyos.

At kung titignan natin ang whole context ng Bible lalo na sa New Testament ay walang doctrine o katuruan ni Christ o ang mga sulat ng mga Apostle na nag- affirm at nagco-confirm na ang kaluluwa o spirit ng isang namatay ay bumabalik at gumagala gala.

At kung titignan naman natin siya mismo sa New Testament ng Bible ang Luke 16: 19-31 ang Parable about Lazarus at yong Rich Man, ay mababasa natin doon na ang kaluluwa o spiritu ng isang tao ay HINDI NA PWEDENG BUMALIK, unless na payagan ng Diyos, pero sa teaching ni Christ at sa epistle ng mga Apostle at sa whole context ng New Testament ang final doctrine ay hindi talaga bumabalik ang kaluluwa ng mga taong patay na, DOON lang sa Aklat ng 1 Samuel 28:7-20 nangyari yon.

Question:
Yong mga “kapre”, “Dwende” o “White lady” at iba pa hindi ba mga kaluluwang gumagala yon?

Answer:
Hindi mga Kaluluwang gumagala yong dahil nga hindi na pwedeng bumalik ang kaluluwa o spirit ng taong namatay ayon sa Bible.

Iyon ay ang mga evil spirits o yong mga fallen angels na sumama kay satanas nang sila ay nagrebelde sa Diyos, mayroong mga fallen angels na nakakulong at sila ay nakare-served sa judgment, pero meron ding mga fallen angels na hindi nakakulong, at yon ang mga gumagala at sila ay nag-aanyong Kapre, Tikbalang, Dwende, White lady at yong mga iba pa na sinasabing nilang multo.

Sila ay nag-pre-pretend din na mga kaluluwa o spirit ng mga taong namatay upang ang mga taong hindi alam kung ano ang sinasabi ng Bible ay kanilang dadayain upang tuluyang maniwala sa kanilang pandaraya at mailigaw nila ang mga tao sa truth ng Bible.

Satan at ang mga fallen angels ay master deceiver, they appeared “angel of lights” pero they will lead you to falsehood, at sa mga paniniwalang ang kaluluwa o spirit ay bumabalik at gumagala ay yan ang isa sa kanilang naitanim na paniniwala sa tao, at sa ating mga pinoy we embraced that falsehood because many of us don’t know what the Bible say.

At sa ating mga Pilipino we value our family relationship, at kung me nawala sa member ng ating family lungkot na lungkot tayo na dapat lang na tayo ay malungkot, at sa kalungkutan na ating nadarama ay tinatake advantage yan ni satan at ng mga fallen angels, kaya’t sabi nila pag Three days daw ay babalik ang kaluluwa ng taong namatay at magparamdam o kaya magpapakita, YAN AY WALANG KATOTOHAN ito’y deception ng evil one.

Maaring ikaw ay napapagpaniwala sa mga paniniwala sa bagay na ito o kaya ikaw ay bondage na ng katuruan na ito, read your bible at pag-aralan mo siya, kung ang katuruan at tradition na ito ay naaayon ba sa salita ng Diyos.

Hindi magagalit ang Diyos kung iyong susuriin ang kanyang salita, mas tuwang tuwa si satanas at ang mga fallen angels kung hindi mo malalaman ang teaching ng Bible, dahil alam nila na sa hindi sa pagbabasa ng Bible ay lalo pa nilang naibabaon at naitatanim ang maling katuruan na nanggagaling sa kanilang pandaraya at ikaw ay nagiging bondage nito.


YOU WANT TO BE FREE?

John 8:32 - “…know the truth, and the truth shall make you free.”


God Bless!




Saturday, December 4, 2010

I got the power!

Isang taong nagsuot ng kwintas at siya ay biglang nagkaroon ng kakaibang lakas hindi siya matalo ng kanyang mga kalaban, isang taong hindi nahuhuli ng mga pulis dahil may sa pusa daw kung siya ay tumakas, isang taong naglalahong parang bula o kaya isang taong hindi tinatablan daw ng kahit na anong patalim kung siya ay sasaksakin o tatagain.

Ilan lamang iyan sa mga kwento o mga naririnig nating kwento o kaya napanood natin sa TV, at sa ating kultura bilang isang pinoy ay hindi nawawala ang “anting anting” “agimat” o kaya “bertud” at ang mga yan ay pinasikat ng artistang si Ramon Revilla Sr.

Kung ikaw ay pupunta ng simbahan ng Quiapo ay makikita mo din ang mga nagbebenta ng mga anting ating, agimat o kaya bertud, me pang-paswerte sa buhay, pang-akit sa negosyo at maging pang-akit sa mga babae.

At me mga kasabihan nga daw na si Manny Pacquiao ay hindi natatalo sa kanyang mga laban sa boxing dahil meron daw siyang anting anting.

So ang pagkakaroon ng anting anting, agimat o bertud ay nagpapakita na ang mga taong gustong magkaroon non ay gusto nila maging angat sila sa ibang tao at gusto nila na sila ay may kapangyarihan, hindi na nila ito iniisip kung saan nangagaling ito ba ay galing sa Diyos o galing sa Demonyo.

At ang kapangyarihan o power na yan na galing sa anting anting, agimat o bertud ay kanila pa nga itong ipinagyayabang at hindi nila ito ikinakahiya, kaya nga pag sumapit ang Byernes santo ng semana santa ay kanilang ipinapakita kung hangang saan ang kaya ng mga anting anting, agimat at bertud sa pamamagitan ng pagsubok sa kanyang bisa.

Pero gaano man kabisa kaepektibo ay mayroon ding hanganan ang power ng mga yan at isa pa ito ay isang deception sa tunay na kapangyarihan na nangagaling mismo sa Diyos

Merong kapangyarihan o power ang Diyos na dapat ay mapasaatin, kapangyangrihan o power na ibang ibang sa bisa ng mga anting anting, agimat o bertud, at ito ay hindi dapat ikahiya.

Romans 1:16 - “For I am not ashamed of the gospel, for it is the power of God for salvation to everyone who believes, to the Jew first and also to the Greek.”

Let us examine the text of Romans 1:16

“For I am not ashamed of the gospel…” - Sabi ni Apostle Paul siya raw hindi nahihiya sa gospel, pero maraming tao ay nahihiya na pag-usapan ang tungkol sa gospel, dahil pag ito ay napag-uusapan ay maaring baduy ang dating sa iba hindi na siya napapanahon o kaya talagang di nila alam kung ano talaga ang gospel, pero si Apostle ay hindi nahihiya at ito ay kanyang ipinapangaral.

“…for it is the power of God…” - Kaya siya (Apostle Paul) hindi nahihiya dahil ito ay power ng Diyos, hindi ito galing sa power ng anting anting, agimat o bertud (at sa aking paniwala na ayon sa standard ng Bible ay demonic power) kaya hindi siya nahihiya dahil ito ay katotohanan, at sa mga tao rin kung merong konting authority o power sa kanilang position ay ginagamit nila ito to show na meron silang power na hawak.

At sa mundong ginagalawan natin ay marami tayong mga bagay na ikinikwento o ibinibida sa ating mga kakilala mga bagay na nabili natin, lugar na napuntantahan, mga taong matataas na ating nakasalamuha o nakilala kung minsan nga e nahagip ka lang ng camera o nagpapicture ka sa isang sikat na celebrity ay tuwang tuwa tayo at proud tayo at bidang bida tayo na kasama natin sila, mas dapat na hindi natin ikahiya ang power ng gospel ni God.

“…for salvation…” - Ito ang pinaka-main reason ng text ng Romans 1:16, hindi mo dapat ikahiya ang kapangyarihan o power ng gospel dahil ang kanyang effectiveness ay ang salvation, salvation ng soul ng tao na subject sa eternal separation sa Diyos pagdating ng judgment, sabihin na natin na yong mga nagagawa ng anting anting, agimat o bertud ay may nagagawang kakaiba, pero kailanman ang bisa ng mga yon will not lead you sa salvation ng soul, deception pa nga ang mga iyon, pero ang gospel is the ultimate way to lead us to salvation.

1 Corinthians 15:1, 2 - “I want to remind you of the gospel I preached to you, which you received and on which you have taken your stand. By this gospel you are saved,”

Question:
Meron bang discrimination o pagtatangi sa gospel of salvation na yan?

Answer:
Wala siyang discrimination pero ito ay may kundisyon.

“…to everyone who believes…” - Iyan ang kundisyon ng gospel, we have to believe upang maranasan natin ang power at salvation ng gospel, at kailangan panghawakan natin ito.

1 Corinthians 15:2 - “By this gospel you are saved, IF YOU HOLD FIRMLY to the word I preached to you”

“…to the Jew first and also to the Greek.” – This is not limited sa mga Jews o sa mga Greek, dahil ang mga Greek people ay kasali sa gentile world, at pag sinabi mong gentile ito’y tumutukoy sa mga taong hindi mga Jews, in other words ang sinasabi ni Apostle Paul din dito it is not only to the Jews but also to all the people in the world, so walang racial discrimination basta’t people will believe & hold firmly the gospel they will experience the power and salvation of the gospel.

Teka, alam mo po ba natin kung ano yong gospel na pine-preach ni Apostle Paul para maranasan natin ang power at maibahagi natin din sa iba ang kanyang power that lead to salvation?

Kung sa tingin mo na yong mga naririnig mo na mga sermons tungkol sa maging “mabuti ka o mabait ka” mga sermons tungkol sa mga “Morality” or “Financial matters” hindi po yon ang gospel na sinasabi ni Apostle Paul.

Una ano nga ba ang Gospel? Basically ang ibig sabihin ay “Good News” o “Mabuting Balita” at sa Bible tinatawag ang “Gospel” na the gospel of the kingdom of God at ito ang aking belief na may mabuting balita na mangyayari sa kingdom of God at lahat ng mga kasamaang nangyayari sa mundong ito ay mawawala na pag dumating na ang Kingdom of God na magta-take over sa mundong ito.

Ang Gospel din ay tinatawag na synoptic gospels na kasama yong aklat ng Matthew, Mark at Luke na ang kanilang pag-kakasulat ay halos pare-parehas, at minsan ay ito na nga halos ang nababasa at naririnig sa mga sermons ng Roman Catholic Church.

At HIGIT SA LAHAT ang GOSPEL ay natatawag na THE GOSPEL OF CHRIST, ito ay ang MABUTING BALITA ng PAGLILIGTAS ng Diyos thru Jesus Christ.

At kung ito’y ating esummarized at gamitin ko rin ang text ng 1 Cor. 15:3b

“…that Christ died for our sins according to the Scriptures,”

Christ died for our sins, dahil tayo ay makasalanan, at hindi natin kailangan gumawa ng kasalanan para masabi natin na tayo ay nagkasala o makasalanan, talagang ang kasalanan ay nakakabit na sa atin mula pa ng tayo ay nasa sinapupunan pa.

Psalm 51:5 – “surely I was sinful at birth, sinful from the time my mother conceived me”

At wala tayong magagawa upang mabura ang mantsa ng kasalanan sa ating buhay at “…Christ died for our sins according to the Scriptures,” at ang pumalit sa atin upang pagdusahan ang kasalanan natin ay si Jesus Christ, siya ang nagdanas ng full wrath of God.

At hindi lang siya nagdanas kundi He obeyed the law of God magmula sa pinakamaliit na letra ng law ay kanyang sinunod at siya ay righteous before God.

He deserved to be the Savior ng ating buhay ng ating kaluluwa at ng lahat ng nagkasala, and we should put our trust in Him sa pamamagitan ng pag-repent at faith sa kanya at maliligtas tayo dahil sa kanyang merit hindi sa ating sariling merit, at yan ang ipinapangaral ni Apostle Paul at hindi niya ito ikinakahiya.

Do you have that POWER?

Do you have that GOSPEL?

Do you share that GOSPEL?

Remember, Romans 1:16 - “it is the power of God for salvation to everyone who believes, to the Jew first and also to the Greek.”

God bless!


Thursday, December 2, 2010

Christmas: Behind the curtain

"The only blind person at Christmas time is he who has not Christmas in his heart." – Helen Keller


Nang sumapit ang buwan ng “ber” me nagtext sa akin at ang nakalagay ay “Merry Christmas” hindi ko nagets kong ano ang gusto niyang mensahe, yon pala ay magkri-christmas na o malapit na ang pasko at sa TV ay nagbibigay sila ng countdown kung ilang araw pa bago dumating pasko.

Mararamdaman ang malamig na simoy ng hangin, makikita na natin ang mga nagkikislapang mga ilaw, pagsasabit ng mga parol o paglalagay ng Christmas tree o kaya belen man lang na gawa sa karton.

Andyan din yong mga kabi kabilang mga okasyon, family reunion, get together ng mga magkakabatch sa high school, college o magkikita kayo ng mga old friends mo.

lalo na pag isang araw na lang marami ang mga namimili sa divisoria (dahil mura daw) o pupunta sa mga malls yong iba nman ay mag-ukay ukay na lang, me mga bibili ng mga bagong damit, sapatos o kanilang mga kagamitan na gusto na siguro matagal nilang pinag-ipunan at mabibili nila pag dumating na ang pasko.

Sa mga nagtratrabaho naman ay tuwang tuwa rin sila pagka’t makukuha na nila ang kanilang 13th at 14th month pay at me mga pangastos na sila sa araw ng pasko.

Hindi nawawala ang mga lechon, hamon, keso de bola o kung walang ganun basta prutas na lang na bilog, sa mga taong di sagana basta’t merong spaghetti, pandesal at juice ok na sa kanila, yong talagang mahirap pa sa daga (although di naman lahat) maski papano sila rin ay nabibiyaan o nabibigyan ng saya pagka’t me mga institution o group naman na nagbibigay maski konti man lang sa mga iyon upang maranasan nila kahit sandali ang diwa ng pasko.

Higit sa lahat hindi nawawala ang pagbibigayan ng regalo sa isa’t isa, maaring tumangap ka ng isang Louis Vuitton o Prada na bag, kung sa teenager baka makatangap siya ng ipod touch, bagong cellphone, Kung wala din ang mga yan, mabigyan ka lang ng isang bar ng kitkat masaya ka na rin at sasabihin mo na “maski papano naalala niya ako” o kaya sa araw ng pasko ay sasagutin o makikiapgdate ka don sa crush mo at sasabihin mo na “sa lahat ng pasko ito pinakamaganda sa akin”.

Lalo na sa ating mga pinoy, maski crisis at hahanap at gagawa ng paraan para mairaos ang ating pasko, maski mangutang basta’t masaya ang lahat sa araw ng pasko.

Sa ibang pananalita generally ang Christmas o Pasko ay puno ng saya, panahon ng pagsasaya, at ito ay na-uugnay sa pagsilang ni Lord Jesus Christ.

Those events na mangyayari at nangyayari sa araw ng Christmas, what is behind the curtain?

Ang behind the curtain sa Christmas is something to do with the soul of humanity, my soul, your soul at sa lahat ng creation ni God.

At ang pinaka main point ng Christmas ay ang sacrifice ni Jesus Christ

It was ordained by God the Father na siya ang ultimate sacrifice for the sins of the whole world and He is the Lamb without blemish before the foundation of the world.

REVELATION 13:8
“…the Lamb slain from the foundation of the world."

Isinilang si Lord Jesus Christ hindi para eenjoy yong kanyang status sa heaven bilang King of kings & Lord of lords, Siya ay pumunta to serve and to save us & destroy the work of the devil at mapalaya tayo sa kapangyarihan ng kasalanan.

MATTHEW 20:28
“just as the Son of Man did not come to be served, but to serve..."

LUKE 19:10
"For the Son of Man has come to seek and to save that which was lost."

1 JOHN 3:8c
“The reason the Son of God appeared was to destroy the devil's work.”

At ginawa niya iyon pamamagitan ng kanyang pagiging meekness kung ano siya, naging masunurin siya sa kalooban ng God the Father.

PHILIPPIANS 2:2-8
“Who, being in very nature God, did not consider equality with God something to be grasped, but made himself nothing, taking the very nature of a servant, being made in human likeness. And being found in appearance as a man, he humbled himself and became obedient to death— even death on a cross!”

Sentrong sentro tayo kay Lord Jesus Christ pag sumapit ang semana santa, andyan yong bisita iglesia wag daw kakain ng karne o kumpletohin ang simbang gabi, manonood ng dvd regarding sa buhay niya at talaga naman babang baba tayo sa ating sarili, maski sampalin ka e sabihin mo pa rin na “God Bless” maalala mo pa yong salitang “Pag sinampal ka sa kabila ibigay mo din yong kabila”

Sa pagsilang ni Lord Jesus sa Pasko, alam niya kung ano ang kanyang kahihitnan ng kanyang buhay sa mundong ito, hindi siya nag-enjoy ng kanyang buhay, hindi siya nagsuot ng mga magagarang damit, siya ay nagsuot ng koronang tinik at maliit na saplot ang kanyang tanging damit ng siya ay ipinako.

At ang truth na yan ay nagsimula “before the foundation of the world”, nasasabi natin tayo ay “magbigayan” dahil pasko, minsan nahahalintulad tayo don sa tatlong wise men na dumalaw Kay Lord Jesus Christ na nagbigay ng kani-kanilang mga regalo sa kanya.

Ok lang naman na magbibigay ng mga regalo sa mga taong may puwang sa ating mga puso o sa mga taong naging bahagi sila ng ating buhay, kaya nga yong mga binibigay natin na mga regalo sa mga yon ay de kalidad hindi basta basta ang value.

Pero sa Bible kung ebabase natin siya doon sa event ng pagsilang ni Lord Jesus Christ, hindi yong pagbibigay ng regalo ang essence ng event, kundi ang kanyang pagiging savior at yon ang sinabi ng angel.

Luke 2:10-11
“…I bring you good news of great joy that will be for all the people. Today in the town of David a SAVIOR has been born to you; he is Christ the Lord”

Savior ang Christ, at sa kanyang pagiging savior hindi siya yong parang bida sa movie na pagdating sa mga action ay siya ay hindi nasasaktan o nahihirapan, kabaliktaran dahil siya ay maghihirap at hirap na dala dala niya ang buong wrath ni God the Father dahil sa sin.

Kaya’t sa simula pa lang ng kanyang pagparito sa lupa ay alam na niya ang kabigatan na yon, at ang lahat ng yan ay para sa buong sangkatauhan, sa aking soul at sa iyong soul.

At sa bawat biyaya na ating matatangap sa pasko, maging ito’y sa material na bagay, relationship o kung ano man yan, yan ay pinaghirapan ni Lord Jesus Christ, at sa loob ng 33 years, He prepared that for us, hindi lang sa material things na makukuha at matatangap natin, kundi sa ating mismong salvation at yan ang napakahalaga sa lahat.

Kaibigan, pag binubuksan natin ang ating natatangap na regalo sa pasko para din natin hinahawi ang curtain doon sa eternity past, when Christ slain without blemish, came to earth to suffer and die, PARA SA ATING KALIGTASAN, at SANA HUWAG NATIN ITONG IWALANG BAHALA.

2 Corinthians 6:2
“for He says, "AT THE ACCEPTABLE TIME I LISTENED TO YOU, AND ON THE DAY OF SALVATION I HELPED YOU." Behold, now is "THE ACCEPTABLE TIME," behold, now is "THE DAY OF SALVATION "


MERRY CHRISTMAS!

.

Thursday, November 11, 2010

Ampon ka lang?

“Ampon ka lang!” o kaya “Adopted lang siya” pag naririnig natin ang salitang ganyan sa isang pamilya, parang second class lang ang katayuan doon sa taong pinag-sasabihan, kaya pag merong mga mana na hahatiin ay laging yong ampon ang lugi pagdating sa hatian, kung minsan nawawalan pa nga siya ng kanyang parte sa mana.

At hindi lang yon ang isang ampon nga e minsan ay naaapi siya at naipapamukha pa sa kanya na siya ay isang ampon, minsan rin ay hangat maari ay ayaw na malaman na siya ay isang ampon dahil masasaktan daw ang kanyang damdamin.

Sa batas ng gobyernong romano nang panahon ng Bible ang isang “ampon” o “adopted” ay hindi ito ikinakahiya dahil ang karapatan ng isang “ampon” ay katulad din ng karapatan ng isang tunay na anak at matatawag na rin siyang “anak”

At tayong mga tao ay hindi tayo tunay na anak ng Diyos, at kung tinatawag natin ang Diyos na “Ama” ay nangangahulugang sinasabi natin na “anak” niya tayo.

Dahil ang Diyos ay isang BANAL NA DIYOS, so paano siya magiging proud na tawagin niya tayong “anak” dahil tayo ay makasalanan, hindi tayo karapat-dapat na makihalubilo sa kanya maging sa kanyang presence hindi rin tayo nababagay sa kanya.

At ang tanging paraan upang tayo ay matawag niyang “anak” at talagang matatawag nating siyang “ama” ay kinakailangan na merong pag-adopt o pag-ampon sa atin.

Maging sa legal na aspeto ay merong mga papers na dapat ayosin upang matatawag na “anak” yong taong ina-ampon at matatawag na siyang “anak” ng taong uma-ampon, at wala ng pwedeng komontra dahil legal at tangap na siya na siya ay kabilang sa pamilyang nag-ampon sa kanya.

At ang “Ampon’’ o “Pag-ampon”, ”Adopted” ay mahalaga hindi lang sa batas ng gobyerno ng romano, mahalaga rin ito sa redemptive plan ng Diyos, in other words ay ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan.

Ang salitang “Adoption” sa Greek ay huiothesia. galing sa huis = "son," at  tithemi = "to put or place" sa ibang pananalita ay “naging anak” o “itinulad sa isang anak”

Meron pag-huhukom na gagawin ang Diyos, sisingilin niya ang tao sa kanyang mga kasalanan at ang tanging makakaligtas lamang ay ang mga taong kanyang naging “Ampon” o “Adopted niya o kaya yong mga taong nagkaroon ng spirit of adoption na talagang karapat-dapat na tumawag ng Ama sa kanya.

Romans 8:15
"you have received a spirit of adoption as sons by which we cry out, 'Abba! Father!'’

At sa pagkakaroon ng spirit of adoption o ampon na siya, siya rin ay may mga privileges o blessings sa heavenly realm.

Ephesians 1:3
“Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ, who has blessed us in the heavenly realms with every spiritual blessing in Christ.”

Magkakaroon ka lang ng blessings na yon kung ikaw ay na kay Jesus Christ

Sa context ng Ephesians 1:1-14 ay nakasulat ang mga blessing o privileges “he chose us” “predestined us for adoption to sonship” “redemption through his blood” ”the forgiveness of sins” “he made known to us the mystery of his will”  “In him we were also chosen”, at yong  “you were marked in him with a seal, the promised Holy Spirit”.

Pag dumarating ang PMA Alumni sa Baguio City, hindi lang yong mga purong alumni ang member ng kanilang Class, meron silang tinatawag na “adopted member” halimbawa sa PMA Class 1978 ang kanilang adopted member ay ang dating Presidente na si Gloria Arroyo, sa Class 1976 ay si Gilbert Teodoro, sa Class 1977 ay si Senator Villar.

Maaring may advantage sa kanilang political career o position ang Class na kanilang sinalihan, maaring magandang privileges din o kaya may “blessings” din kaya pinili nila na sila ay magpa-adopt.

At sa context ng Politics natin dito sa Pilipinas, pag ikaw ay malakas sa military ay hindi ka basta basta mapapa-alis sa iyong position lalo na pag ikaw ay isang Presidente.

At sa context naman ng ating spiritual condition kung tayo ay “adopted” thru Jesus Christ, walang pwedeng mag- separate sa love ng Diyos sa atin.

Romans 8:38
And I am convinced that nothing can ever separate us from God's love. Neither death nor life, neither angels nor demons, neither our fears for today nor our worries about tomorrow--not even the powers of hell can separate us from God's love.” NLT

Kaibigan, gusto mo bang magpa-ampon o mag-pa adopt sa Diyos? o nahihiya ka dahil ampon ka lang?

Makipag-kasundo na sa Diyos at magpa-ampon na, upang maging anak niya!

John 1:12
“But as many as received Him, to them He gave the right to become children of God, even to those who believe in His name”
.

Tuesday, November 9, 2010

Walang Himala!

“Walang himala!” ito ang binangit ni Nora Aunor sa kanyang movie na HIMALA nong taong 1982. Hindi rin lingid sa ating kaalaman ang mga balitang meron daw “himala” na nangyayari sa isang lugar, isa na dyan ang tinatawag na “Miracle of Agoo” sa Agoo La union na pinangunahan ng isang nagngangalang Judiel Nieva also known as Angel dela Vega. Dinayo iyon ng ating mga kababayan upang makita ang “himala” na nangyayari sa lugar na yon.

Maging sa ating panahon ngayon maski tayo ay nasa hi-tech o nasa “Modern age” na ay di pa nawawala ang mga sinasabi nilang “himala” at ang “himalang iyan ay hindi lang yong himala na nagpakita ang isang Santo sa isang tao, kundi maging yong mga tao na me malubhang karamdaman ay gumaling na walang tulong ng anomang gamot ay kanilang kinokonsider na isang “himala”, at meron pang nagsasabi na merong “mapag-himalang tubig” o kaya “mapag-himalang panyo” o kaya kwintas at kung ano ano Pa.

In my personal experience nong ako ay bago palang sa aking “faith” sa protestant group, ako rin mismo ay nakakita ng mga sinasabi nilang mga “himala” or in biblical terms ay “signs, miracles & wonders”.

Ako ay nabigyan ng pagkakataon na maka – attend sa isang gathering na tinatawag nilang “Miracle Crusade” ng isang sikat na evangelist na galing pa sa ibang bansa & honestly I was also expecting miracles sa aking buhay na sana yong aking paningin (pagka’t mataas ang grado ng aking salamin) ay magamot.

Walang nangyaring “himala” sa bagay na gusto kung mangyari sa aking paningin, pero nakakita ako ng mga taong gumaling daw sa kanilang karamdaman at sila ay nag-bigay pa ng mga patotoo sa kanilang mga naranasan na himala, ako’y masayang masaya sa aking experience na yon, at aking pang ipinag-sabi sa aking mga ka-boardmate at kanilang sinasabi na “baka di naman totoo yong mga ganung himala ” pero ang reason ko sa kanila “kung sakaling di totoo yon sa susunod di na ako pupunta, at kung totoo naman yon ay hindi ko na-miss ang pag-papala ng Diyos”

Meron nga bang himala at ito ba talaga ay galing sa Diyos? Hindi tayo talaga nakakatiyak kung talagang yong mga nangyayaring himala ngayon ay tunay at galing sa Diyos maliban kung ating titignan at pag-aaralan kung ano ang sinasabi ng Bible pagka’t ang Bible ay sapat upang malaman natin kung ano ang totoo.

2 Timothy 3:16 - “All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness”.

Sineryoso ko yong sinabi nila na “baka di naman totoo yong mga ganung himala” I begin to study deeply kung ano ang sinasabi ng Bible regarding sa “himala” or yong“signs & wonders” wala akong time na pumasok sa isang Bible school kaya kailangan kung bumili ng mga theology books at makinig ng mga sermons regarding sa ganung topic at pag-aralan siya in proper exegesis & hermeneutics higit sa lahat yong prayer for guidance.

OLD TESTAMENT

A – Merong himala o kaya yong “signs & wonders na nangyayari at ito’y ginagawa mismo ng Panginoong Diyos, katulad ng paghati sa dagat nong hinahabol ng mga egipto ang mga Istraelita sa wilderness.

B – Merong himala na ginawa ang mga Propeta ng Diyos, katulad ng ginawa nina Propeta Elijah & Elisha, pinagaling sa sakit na ketong ang isang heneral, binuhay ang isang bata, nag-pababa ng apoy mula sa langit at marami pang iba.

C – Hindi lahat ng Propeta ng Diyos ay gumawa ng himala, pero hindi ito nangangahulugan na sila ay hindi isinugo, ang kanilang mensahe na kanilang ipinapahayag ang siyang nag-papatotoo sa kanilang sinasabi pagka’t lahat ng kanilang sinabi ay nag-katotoo.

NEW TESTAMENT

A – Gumawa ng himala si Lord Jesus Christ, nag-pagaling siya ng ibat ibang uri ng sakit at mga iba pang himala, katulad ng pag-lakad sa ibabaw ng tubig, mag-pakain ng napakaming tao sa pamamagitan ng kaunting tinapay at isda, pag-bubuhay ng patay atbp.

B – Gumawa rin ng himala ang mga Disciples, nag-pagaling din ng mga may sakit.

C – Sa Aklat ng ACTS makikita rin natin ang himala na ginawa ni Apostle Peter na madaanan lang ng kanyang anino ang mga me sakit ay gumagaling na sila, ang pag-buhay niya ng patay, a
t si Apostle Paul na bumuhay din ng patay, at maski mag-padala siya ng panyo ay gumagaling ang mga me sakit.

Nangyari ang mga ibat ibang tunay na himala para ipakita


(1) Na yong gumagawa ng himala ay tunay at talagang isinugo ng Panginoong Diyos.
(2) Ito’y tanda ng isang tunay na Propeta o Apostol na isinugo ng Panginoong Diyos.
(3) Para ipakita kung ano ang uri ng Kingdom meron si Lord Jesus Christ.
(4) Para ipakita ang Deity ni Lord Jesus Christ.

Ang mga “himalang” nangyayari ngayon ito ba’y galing sa Diyos? isinulat na sa Bible ang purpose ng “himala” o ang “signs & wonders” , HINDI na natin kailangan ang mga “himala” upang tayo ay maniwala o manampalataya sa Diyos, sapat na mismo ang kanyang salita upang siya ay ating paniwalaan, God can still performs signs, miracles & wonders, pero sa aking conviction hindi na yon ang kanyang normal way na katulad ng naka-record sa Bible, mas gusto pa niya na sa KANYANG SALITA tayo humawak.


PSALMS 119:105 - “Thy word is a lamp unto my feet, and a light unto my path.”

NAGBIGAY NG WARNING ANG BIBLE sa mga “Miracles, Signs & Wonders” na ito ay gagamitin ng evil one (satan)


2 Thessalonians 2:9 - “The coming of the lawless one will be in accordance with the work of Satan displayed in all kinds of counterfeit miracles, signs and wonders”

At baka sa mga pag-papaniwala natin sa mga “himala” tayo na ay nadadaya at ang ating FAITH ay nakasandal sa mga “himala” at hindi sa Salita ng Panginoong Diyos.

SA KABILANG BANDA ako’y naniniwala na ang pinakadakilang himala na ginawa ng Diyos at sa aking conviction na ito’y mag-papatuloy hanggang sa dumating na ang ganap na pag-hahari ng Diyos, AY ANG PATULOY NA PAGLILIGTAS NG PANGINOONG DIYOS SA SANGKATAUHAN.

Gusto mo bang mag-karoon ng “himala” sa iyong buhay?


Romans 10:9 – “That if you confess with your mouth, "Jesus is Lord," and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved”

2 Corinthians 5:17 – “Therefore, IF ANYONE IS IN CHRIST, he is a NEW CREATION; the old has gone, the new has come!”

Saturday, November 6, 2010

H - The final judgment & new world

Pag may simula ang isang bagay o isang pangyayari ito’y mayroong hanganan o dulo, sa ating mga struggles as buhay ito rin ay natapos, at kung meron pa ring mga struggles na nangyayari at dinaranas tiyak din na ito ay lilipas dahil lahat ay mayroong hanganan.

Nang itinatag ni Lord Jesus Christ ang kanyang kingdom dito sa earth siya ay naghari ng isanglibong taon (Millennial Kingdom) na ang kanyang pamamahala ay tapat, meroong hustiya, katuwiran, kapayapaan at pag-ibig at sa pagtatapos ng kanyang paghahari ay muling pakakawalam si Lucifer ang Diablo upang mandaya at humimok ng mga taong magrebelde kay Lord Jesus Christ, ngunit sila ay matatalo at itatapon sa dagat dagatang apoy at makakasama nila ang antichrist at ang false prophet at sila ay pahihirapan forever and ever (REVELATION 20:7-10)

At magkakaroon ng FINAL JUDGMENT (REVELATION 20:11-15) at ito rin ay tinatawag na great white throne judgment

Ito ay paghatol o pag-judge sa mga taong unbelievers o hindi naniwala kay Lord Jesus Christ magmula sa old testament days, church age, tribulation period at sa millennial kingdom at nakasulat sa book of life ang kanilang mga bagay na ginawa.

Kung tutuusin ang FINAL JUDGMENT ay isa lamang formality, dahil ang isang tao na hindi naniwala o hindi nanampalataya kay Lord Jesus Christ ay hindi na ligtas at siya ay already condemned at tiyak na siyang papunta sa hell o sa dagat dagatang apoy .

Sa REVELATION CHAPTER 21 & 22 ay nakasulat doon ang mga mababago kung ang millennial kingdom ay may pagbabagong naganap MAS HIGIT na mayroong pagbaba sa NEW WORLD na gagawin ng Diyos at ito ang ULTIMATE NA PAGBABAGO!

Umiyak tayo dahil nabigo sa isang relationship o dahil tayo ay kanilang sinaktan, nalungkot tayo dahil merong binawian na ng buhay sa ating pamilya, hirap na hirap ang ating kalooban dahil sa mga struggles o difficulties na dinaranas natin sa mundong ito.

Sabi ng Diyos “Behold, I make all things new” (REVELATION 21:5) at kung dati tayo ay umiiyak, nalulungkot, hirap na hirap, nasasaktan at ang bigat ng kalooban natin HINDI NA NATIN MARARANASAN YAN.


REVELATION 21: 4

“And God will WIPE away every TEAR from their eyes, there shall be no more DEATH, nor SORROW, nor CRYING, there shall be no more PAIN for the former things have passed away”

At kung sakaling magkakaroon man ng tears sa ating mga mata ito ay ang
TEARS OF JOY!
Kung ano yong original na intention ng Diyos sa garden of eden ay kanyang ibabalik dito sa NEW WORLD.

REVELATION 22:4
“They shall see His (God) face and and his name will be on their foreheads”

Nang gustong makita ni Moses ang face ng Diyos ay hindi siya pinayagan, dahil sabi ng Diyos ang sinumang makakita sa kanyang face ay mamatay, pero dito sa REVELATION 22:4 ay makikita na ang kanyang face, maaring makikita ng tuwiran o direct o kaya isang pagpapakita lamang na kaya ng ating kapasidad bilang isang tao, at nakatatak ang pangalan ng Diyos sa kanilang noo.

Ito’y nagsasabing meron ng perfect harmony & relationship ang tao sa Diyos wala ng sagabal, wala ng kasalanan na maaring makasira sa relationship tulad ng nangyari sa garden of eden.

AT ANG LAST MESSAGE NG BIBLE na binangit mismo ni Lord Jesus Christ ay ang salitang


“SURELY I AM COMING QUICKLY…” - Revelation 22:20


MY FRIEND, lahat ay may hanganan, lahat ay may paghahatol, lahat ay itutuwid at higit sa lahat may mababago,

kaya’t sabi ko nga sa unang series Christ 2ND coming ay isang BLESSED HOPE!

G – Millennial kingdom

“PAGBABAGO” ito ang sigaw ng bansang lubog sa katiwalian, at ito ang naging tema ng isang Presidential candidate nong nakaraang eleksyon, at sa bawat pagpapalit ng isang liderato ay mayroong nagaganap na pagbabago maging ito man ay maliit o malaki.

Kailan kaya talaga magkakaroon ng tunay na pagbabago, isang pagbabago na kung saang ang pamamalakad ng sistema ay LOVE, JUSTICE , RIGHTEOUSNESS & PEACE, meron pa kaya?

YES! Meron pa when the Lord Jesus Christ will govern & set up the Kingdom of God dito sa earth at ito yong tinatawag na MILLENNIAL KINGDOM, na maghahari si Lord ng isang libong taon.

Sa 2nd coming ni Lord Jesus Christ (2nd Phase) the visble manifestation niya dito sa earth, pag tapos na niyang sugpuin ang antichrist at ang kanyang mga cohorts at talunin sila sa battle of armageddon don na papasok ang Millennial kingdom.

Bago ang pagsisimula ng Millennial Kingdom ay merong munang judgment o paghahatol kung sino ang magiging citizen sa Millennial Kingdom (REVELATION 20:6) at si Satan ay ikukulong sa buttomless pit and shut him up and set a seal on him para di siya makapandaya.


WHAT ARE THE NATURE OF THE MILLENNIAL KINGDOM?

1. CHRIST WILL BE KING

*The branch of David will rule – Jer. 23:5
*Christ will fullfill his prophised role – Luke 1:32,33

2. ISRAEL WILL BE PROMINENT

*Israel will be favored nation – Isa. 2:1-3
*Jerusalem will be the capital city – Isa. 60:10-14


3. CHRIST WILL REFLECT HIS CHARACTER

*Justice for everyone – Isa. 2:4
*He will reign in righteousness – Jer. 23:5
*The earth will be at peace – Zech.8:4.5
*People will be safe – Jer. 23:5,6

4. THE NATURAL WORLD WILL BE TRANSFORMED

*Climate will be ideal – Isa. 30:23-26
*Wild animals will be tame – Isa. 11:6-8
*Fishing will be great – Ezek. 47:9,10
*People will have good health – Isa. 65:19, 20, 22
*Trees will provide food and medicine – Ezek. 47:12

5. GOD WILL BE WORSHIPED

*His name will be known througout the world – Mal. 1:11
*The temple of Jerusalem will be the center of worship – Ezek. 40,48
*Representative will come every from everywhere – Zech. 14:16
*All mankind will come – Isa. 66:25
*The Jews will lead in worship – Isa. 60:10-14

Sa ibang pananalita ang MILLENNIAL KINGDOM ni Lord Jesus Christ ay higit pa sa panahon ng paghahari ni king solomon ng siya ay maghari sa bansang Israel.

Huwag na tayong lumayo, makinig ka sa radio, manood ng tv at magbasa ng mga dyaryo ang sistemang ating ginagalawan ay sirang sira at halos lahat ay negatibo, PERO sa MILLENNIAL KINGDOM lahat ay kabaliktaran ng ating sistema ngayon, walang naaapi, walng nang-aapi, lahat ay pantay pantay.

Kung ikaw ang tatanungin, siguradong HINDI KA TATANGI at GUSTO MO ang ganung uri ng sistema ng pamamalakad.

Isang napakahalagang tanong sa ating sarili ‘karapat-dapat ba akong maging bahagi ng Millenial Kingdm ni Lord Jesus Christ?”

MY FRIEND, sana pag naganap na ang Kingdom na yan SANA AY KASALI TAYO


NEXT TOPIC # 8 – FINAL JUDGMENT & NEW WORLD

F – Christ 2nd coming & Armageddon

“I shall return” ito ang sinabi ni General Douglas MacArthur at nangyari ito nong 1942 nang siya ay dumaong sa Leyte, at ito ang hudyat ng liberation o pagpapalaya sa ating bansa sa kamay ng mga hapones na sumakop sa ating bansa, at ang ating bansa ay nagalak dahil tayo ay mapapalaya na.

Ganun din tayo pag tayo ay pinangakuan ng isang bagay tayo ay umaasa na ito ay tutuparin ng taong nag-pangako sa atin, at pag natupad tayo rin ay tuwang tuwang, di ba’t nong bata pa tayo pag tayo ay pinangakuan ng ating magulang na tayo ay ibibili ng damit o kaya laruan at pag yon ay natupad tayo ay tuwang tuwa abot tenga ang ating mga ngiti.

Aking sinabi sa topic na RAPTURE na ang pagbabalik ni Lord Jesus Christ ay may dalawang uri

Ang RAPTURE ng mga belivers o church people ay eme-meet ni Lord sa air at magkakaroon ng “transportation” at “transformation” at maiiwan ang iba rito to meet & face the antichrist & experience the great tribulation.

At ang isang uri o 2nd phase ay ang kanyang pagbabalik sa earth na visible na makikita siya ng lahat ng tao na andito sa earth.

Acts 1:11
“They also said, "Men of Galilee, why do you stand looking into the sky? This Jesus, who has been taken up from you into heaven, will come in just the same way as you have watched Him go into heaven."

Dalawang (2) interpretation ang pwede nating Makita sa text ng Acts 1:11 (1) pumunta siya sa heaven ay visible siya nakita at sa kanyang muling pagbabalik (2nd phase) ay visible din siyang makikita. (2) nang glorified siyang umakyat sa heaven ay glorified din siyang babalik sa earth.

SA KANYANG PAGBABALIK SA EARTH (2nd phase)

(1) although He is punishing the nation Israel thru great tribulation, He will also save Israel at ang kanyang ese-save ay ang REMNANT ng Israel people.

Romans 11:1
“I say then, God has not rejected His people, has He? May it never be! For I too am an Israelite, a descendant of Abraham, of the tribe of Benjamin.

Verse 5 – “In the same way then, there has also come to be at the present time a REMNANT according to God's gracious choice

Verse 26 – “and so ALL Israel will be saved; just as it is written, "THE DELIVERER WILL COME FROM ZION, HE WILL REMOVE UNGODLINESS FROM JACOB."

(2) He will save the believing Gentiles/Non Jews na mga naniwala sa Gospel at nanindigan at hindi nagpasakop sa Antichrist.

(3) He will destroy the Antichrist at ang kanyang mga cohorts.

ANO ANG MANGYAYARI BAGO MAG-APPEAR SI LORD JESUS CHRIST SA EARTH?

Matthew 24:29
“"But immediately after the tribulation of those days THE SUN WILL BE DARKENED, AND THE MOON WILL NOT GIVE ITS LIGHT, AND THE STARS WILL FALL from the sky, and the powers of the heavens will be shaken”

Verse 30 – “…they will see the SON OF MAN COMING ON THE CLOUDS OF THE SKY with power and great glory.”

ANO ANG REACTION NG MGA TAO?

Verse 30 – “…then all the tribes of the earth will mourn…”

The heavenly bodies will not function, sign will appear, people mourn, then Lord Jesus Christ coming of clouds (Shekinah Glory) of heaven with power and great glory!


AT SA KANYANG PAGBABALIK SA EARTH AY MERONG BATTLE OF ARMAGEDDON

May mga ibang pananaw pagdating sa tinatawag na ARMAGEDDON, ang iba ay nag-sasabi na mag-wawakas ang mundo sa pamamagitan ng isang nuclear war o kaya atomic bomb o sa isang pagbagsak ng isang napakalaking meteor dito sa mundo kaya siguro nabuo ang movie na “Armageddon” na pinagbidahan ni Bruce willis at yong “deep impact” pero ang mga yan ay puro haka haka lamang o kwentong barbero. MAG-WAWAKAS ANG LAHAT NG BAGAY DITO SA MUNDO SA PAGDATING NI LORD JESUS CHRIST TO SET UP THE KINGDOM OF GOD.

ANO NGA BA ANG ARMAGEDDON?

Ito’y isang lugar na maglalaban ang forces of evil na pinamumunuhan ng antichrist at ang kanyang mga cohorts (evil spirits & demons) at ang mga pinuno ng bansa upang labanan si Lord Jesus Christ and His armies at sila ay matatalo (Revelation 16:12-16 at Revelation 19:11-21) di ko na siya edi-detail & I think yan ang basic scenario na mangyayari ayon sa Bible sa pagbabalik ni Lord ni Lord Jesus Christ dito sa earth.

E ANO NGAYON?

Sa Matthew 24, merong Parable of the FIG TREE na nagsasabing “Heaven & earth will pass away but my words will no means pass away” sa Parable of FAITHFUL & EVIL SERVANT ay nagsasabing “the master of that servant will come a day when he is not looking for him and at an hour that he is not aware” at sa Parable ng WISE & FOOLISH VIRGINS ay nagsasabing “…Lord, Lord open to us!” :But he answered and said assuredly I say to you , I do not know you”

Parable of the fig tree = Christ coming is sure
Parable of the faithful & evil servant = Christ coming is unexpected
Parable of wise & foolish virgins = Maybe Christ don’t know you

Galing mismo sa mga pangungusap ni Lord Jesus Christ na talagang siya ay darating sa araw at panahon na di natin inaasahan, alin kaya tayo sa parable of the virgins, tayo kaya ay wise o foolish? Na sinasabing “I don’t know you” sa parable of the faithful & evil servants, saan kaya tayo don?

MY FRIEND, Sana nabasa mo siya mula sa umpisa (BLESED HOPE, THE SIGNS, RAPTURE, ANTICHRIST & TRIBULATIONS/GREAT TRIBULATION) hangang sa dumating sa part na ito, my intention ay hindi para takutin ka o magbigay ng isang kwento na sinulat ng mga magagaling na writer o isang kwentong pang-movie at lalong hindi ko intention na ipakita ang aking theological knowledge sa bagay na ito,

I’m praying na sana si Lord Jesus Christ thru the power ng Holy Spirit at sa kanyang Inspired Word (Bible) ay hindi mo maranasan ang mga bagay na mangyayari sa last day.

THE TIME IS NEAR…PERHAPS TODAY

NEXT TOPIC # 6 – MILLENNIAL KINGDOM

E – The great tribulation

Tayong mga tao ay mayroon tayong tinatawag na “Special Day” para sa ating sarili o kaya para sa ating pamilya at pag dumating ang araw na yon ay talagang pinaghahandaan, katulad na lang kung ikaw ay makikipag-date o merong kang e me-meet na importanteng tao ito’y ating pinaghahandaan, magmula sa porma ng damit at sa pananalita tayo ay ingat na ingat o kaya sa isang Family Reunion ay talagang pinaghahadaan ng husto.

Merong tinatawag na ‘’Day of the LORD” sa Bible ito’y tumutukoy sa paghatol ng ating mga ginawa at it will be revealed by fire.

1 Cor. 3:13
“each man's work will become evident; for the day will show it because it is to be revealed with fire, and the fire itself will test the quality of each man's work”

Ito'y tumutukoy sa VISIBLE APPEARANCE of Lord Jesus Christ sa earth (2nd phase of His 2nd coming).

Matthew 24:30
"And then the sign of the Son of Man will appear in the sky, and then all the tribes of the earth will mourn, and they will see the SON OF MAN COMING ON THE CLOUDS OF THE SKY with power and great glory”

Ito’y tumutukoy bilang isang “Thief”

2 Peter 3:10
“But the day of the Lord will come like a thief…”

At ito rin ay tumutukoy sa JUDGMENT & WRATH OF GOD dito sa earth at ito ay tinatawag na Tribulations o GREAT TRIBULATION, ito at binangit ni Lord Jesus Christ sa Matthew 24:30

Matthew 24:30

“For then there will be a GREAT TRIBULATION, such as has not occurred since the beginning of the world until now, nor ever will.”

HINDI si Nostradamus o sinomang Psychic na tao ang pinagmulan na merong Tribulations o Great Tribulation, ito’y galing mismo kay Lord Jesus Christ, so it is sure & certain na mangyayari ito.

ANO ANG LAYUNIN O PURPOSE NG TRIBULATIONS O ANG GREAT TRIBULATION?

1. JUDGMENT TO THE JEWS


Jeremiah 30:7 - “Alas! for that day is great, There is none like it; And it is the time of Jacob's (Israel) distress,

BAKIT MERONG JUDGMENT SA MGA JEWS?

Mula sa simula at sa pagkapili sa kanila bilang isang bansa sila ay laging sumusuway kay Yahweh, ganun pa man patuloy silang kinakalinga ni Yahweh, at ng dumating si Lord Jesus Christ hindi nila ito kinilala bilang Bugtong na Anak ng Diyos, at kanila pa nilang ipinapako sa krus sa kamay ng mga romano, at iyon ang napakalaking kalapastanganan kaya sila ay hahatulan.
2. JUDGMENT TO THE UNBELIEVING WORLD/GENTILE NATIONS

Isaiah 13:11-13 - “Thus I WILL PUNISH THE WORLD for its evil And the wicked for their iniquity; I will also put an end to the arrogance of the proud And abase the haughtiness of the ruthless, will make mortal man scarcer than pure gold And mankind than the gold of Ophir. Therefore I will make the heavens tremble, And the earth will be shaken from its place At the fury of the LORD of hosts In the day of His burning anger”

BAKIT ME JUDGMENT SA GENTILE WORLD?

Katulad din ng mga Jewish people o ang bansang Israel, ang Gentile world ay guilty rin hindi lang sa kasalanan na namana kay Adan at Eba, kundi sa hindi pag-tangap o pag-believe sa Gospel about kay Lord Jesus Christ, na siya lang ang tanging tagapagligtas.

3. JUDGMENT TO ANTICHRIST & HIS COHORTS

2 Thessalonians 2:8 - “Then that lawless one will be revealed whom the Lord will slay with the breath of His mouth and bring to an end by the appearance of His coming;”

Revelation 19:20 – “And the beast (ANTICHRIST) was seized, and with him the false prophet who performed the signs in his presence, by which he deceived those who had received the mark of the beast and those who worshiped his image; these two were thrown alive into the lake of fire which burns with brimstone

ANO ANG MGA BAGAY NA MANGYAYARI SA TRIBULATIONS O SA GREAT TRIBULATION?

THE SEALS (Revelation 6) - Antichrist, War, Famine, Death, Martyrdom, Global Destruction.

THE TRUMPETS (Revelation 8-9) – Vegetation Destroyed, Death at Sea, Fresh Water Poisoned, the Heavens struck, Terrible Locust & Death by Demons.

THE BOWLS (Revelation 15-16) – Ugly Sores, Death of Marine Life, Fresh Water Contaminated, Unbearable Heat, Darkness & Pain, Demonic Hordes.

Kung titignan natin ang mga nakalagay sa “THE SEALS” “THE TRUMPETS & “THE BOWLS” parang pang-movie o pang-komiks lang siya lalo na ngayon dahil meron ng mga movie na nagpapalabas tungkol sa mga calamity o destruction ng mundo.

I will share to you my experienced, nong July 16, 1990 nang lumindol sa Dagupan City nandoon ako, sa katunayan ako ay nanonood ng sine (hindi ako pumasok sa class ko non hehehe) sa Rodela Cinema, I’m still remember the title ng pinapanood kung sine “Ayaw matulog ng gabi” at ako ay nasa balcony ng sinehan I don’t know na lumilindol na pala until nag-alisan yong mga katabi ko, kaya ako ay umalis na rin at sa may gitna ng hagdan pababa ako pa nga ay nadulas buti na lang ako ay nakakapit, umuugong, umungol ang lupa habang lumilindol para kang idinuduyan sa lakas niya at ng matapos ay nabiyak ang mga lupa, lumabas ang putik,nagsasara at nagbubuka ang lupa, lahat ng tao ay nasa gitna ng kalsada umiiyak, takot, di alam ang gagawin, me mga namatay, magulo, lahat gusto ng makauwi sa kanilang bahay at kung mag-after shock ay nag-hihiyawan ang mga tao at merong mga nag-dadasal akala nila ay “Judgment day” na o paghuhukom na ng Diyos.

NAKAKATAKOT! MAS HIGIT PA DYAN ANG MARARANASAN NG MUNDO SA PAGDATING NG GALIT NG PANGINOONG DIYOS.

MY FRIEND, hindi pwedeng hindi magkatotoo ang mga bagay na mangyayari sa Tribulations o sa Great Tribulation, Ang nangyari sa July 16, 1990 EARTHQUAKE ay isa lamang itong patikim, ganon din sa nangyari sa ating bansa na bagyong “COSME” “ONDOY” at “PEPENG” at sa mga kalamidad na nangyari sa ibang bansa.

Revelation 6:17
“for the great day of their wrath has come, and WHO IS ABLE TO STAND?"

MY FRIEND, tatagal ka ba?


NEXT TOPIC : # 5 – CHRIST 2ND COMING & ARMAGEDDON