Saturday, November 6, 2010

H - The final judgment & new world

Pag may simula ang isang bagay o isang pangyayari ito’y mayroong hanganan o dulo, sa ating mga struggles as buhay ito rin ay natapos, at kung meron pa ring mga struggles na nangyayari at dinaranas tiyak din na ito ay lilipas dahil lahat ay mayroong hanganan.

Nang itinatag ni Lord Jesus Christ ang kanyang kingdom dito sa earth siya ay naghari ng isanglibong taon (Millennial Kingdom) na ang kanyang pamamahala ay tapat, meroong hustiya, katuwiran, kapayapaan at pag-ibig at sa pagtatapos ng kanyang paghahari ay muling pakakawalam si Lucifer ang Diablo upang mandaya at humimok ng mga taong magrebelde kay Lord Jesus Christ, ngunit sila ay matatalo at itatapon sa dagat dagatang apoy at makakasama nila ang antichrist at ang false prophet at sila ay pahihirapan forever and ever (REVELATION 20:7-10)

At magkakaroon ng FINAL JUDGMENT (REVELATION 20:11-15) at ito rin ay tinatawag na great white throne judgment

Ito ay paghatol o pag-judge sa mga taong unbelievers o hindi naniwala kay Lord Jesus Christ magmula sa old testament days, church age, tribulation period at sa millennial kingdom at nakasulat sa book of life ang kanilang mga bagay na ginawa.

Kung tutuusin ang FINAL JUDGMENT ay isa lamang formality, dahil ang isang tao na hindi naniwala o hindi nanampalataya kay Lord Jesus Christ ay hindi na ligtas at siya ay already condemned at tiyak na siyang papunta sa hell o sa dagat dagatang apoy .

Sa REVELATION CHAPTER 21 & 22 ay nakasulat doon ang mga mababago kung ang millennial kingdom ay may pagbabagong naganap MAS HIGIT na mayroong pagbaba sa NEW WORLD na gagawin ng Diyos at ito ang ULTIMATE NA PAGBABAGO!

Umiyak tayo dahil nabigo sa isang relationship o dahil tayo ay kanilang sinaktan, nalungkot tayo dahil merong binawian na ng buhay sa ating pamilya, hirap na hirap ang ating kalooban dahil sa mga struggles o difficulties na dinaranas natin sa mundong ito.

Sabi ng Diyos “Behold, I make all things new” (REVELATION 21:5) at kung dati tayo ay umiiyak, nalulungkot, hirap na hirap, nasasaktan at ang bigat ng kalooban natin HINDI NA NATIN MARARANASAN YAN.


REVELATION 21: 4

“And God will WIPE away every TEAR from their eyes, there shall be no more DEATH, nor SORROW, nor CRYING, there shall be no more PAIN for the former things have passed away”

At kung sakaling magkakaroon man ng tears sa ating mga mata ito ay ang
TEARS OF JOY!
Kung ano yong original na intention ng Diyos sa garden of eden ay kanyang ibabalik dito sa NEW WORLD.

REVELATION 22:4
“They shall see His (God) face and and his name will be on their foreheads”

Nang gustong makita ni Moses ang face ng Diyos ay hindi siya pinayagan, dahil sabi ng Diyos ang sinumang makakita sa kanyang face ay mamatay, pero dito sa REVELATION 22:4 ay makikita na ang kanyang face, maaring makikita ng tuwiran o direct o kaya isang pagpapakita lamang na kaya ng ating kapasidad bilang isang tao, at nakatatak ang pangalan ng Diyos sa kanilang noo.

Ito’y nagsasabing meron ng perfect harmony & relationship ang tao sa Diyos wala ng sagabal, wala ng kasalanan na maaring makasira sa relationship tulad ng nangyari sa garden of eden.

AT ANG LAST MESSAGE NG BIBLE na binangit mismo ni Lord Jesus Christ ay ang salitang


“SURELY I AM COMING QUICKLY…” - Revelation 22:20


MY FRIEND, lahat ay may hanganan, lahat ay may paghahatol, lahat ay itutuwid at higit sa lahat may mababago,

kaya’t sabi ko nga sa unang series Christ 2ND coming ay isang BLESSED HOPE!

No comments:

Post a Comment