Monday, November 1, 2010

Mere breath

Anoman ang ating status sa buhay mayaman man o mahirap, edukado o hindi ay mayroong tayong mga bagay na tayo ay magkakapareho

isa na rito ay ang ating buhay ay sandali lamang at maaring ito'y mawala sa panahon na hindi natin inaasahan

Ang mga bagay na naririto sa buhay natin na ating ini-enjoy maging ito man ay sa financial, relationship, fame, prestige etc, ay bigay din ng Diyos pagka't nais nya na tayo rin ay magkaroon ng kaligayahan sa buhay na ito

Ngunit sa pag-eenjoy natin sa mga bagay na yan wag sana nating kalimutan na ang mga bagay na yan ay panandalian lamang, at wag nating e-focus ng buong buo ang ating isipan at puso

Pagka't madaling malasing sa mga bagay na ating tinatamasa at ang ang tendency nya ay nayayarap natin sya ng buong buo at tayo ay kanyang nilalayo kung ano talaga ang dapat nating e-focus

Colossians 3:2

"Set your mind on the things above, not on the things that are on earth"

Marami na tayong nabalitaan at mga narinig na me mga taong sa gitna ng kanilang tagumpay at kasaganaan sa buhay sa isang sandali lamang ang kanilang tagumpay at kasaganaan ay nawala at ang masakit pa sila ay namatay sa paraang hindi pa ina-asahan

Kung anoman ang status natin ngayon, maaring tayo ay nasa gitna ng ating mga tagumpay at kasaganaan or tayo ay dumaranas ng isang pagsubok o pag-didisiplina sa atin , lahat naman ay lilipas maaring may katagalan o sandali lamang

Pero ang tiyak sa atin lahat tayo ay mawawala sa mundong at wala tayong madadala ni isang kusing sa ating mga kayamanan

1 Timothy 6:7

"For we brought nothing into the world, and we can take nothing out of it"

So kung anoman meron tayo ngayon sa ating buhay wag nating kalimutan na ang buhay na ito ay panandalian lamang isa lamang itong hininga at aninong dumadaan

Psalm 144:4

"Man is like a mere breath; His days are like a passing shadow"
.
.

No comments:

Post a Comment