Sharam sharam shararam
Aaaahhhhhhhh...
kapag TUMIBOK ang PUSO
Wala ka nang magagawa kundi SUNDIN ITO
Kapag tumibok ang puso LAGOT KA NA
Siguradong HULI KA”
Parang Eeeow! Baduy! Korni! at barriotic para lang sa mga teenager ang mga ganitong mga lyrics na galing sa kantang “KAPAG TUMIBOK ANG PUSO” na kanta na kinanta ng dating artista at singer na si Donna Cruz at kinanta rin ni Toni Gonzaga na isa ring singer at artista.
Pero may katotohanan ang ganitong lyrics sa kanilang kanta at itoy naipakita sa panahon ng mga Hukom (Judges) sa aklat ng Bible na isinulat between 1375 t0 1220 B.C.
At TUMIBOK ANG PUSO ng isang tao na ISANG servant of God na si Samson, siya ay isang “NAZIRITE” isang taong set apart from God mula sa pagkasilang niya, siya ay nagkagusto sa isang Philistine woman isang uri ng lahi na kalaban ng kanilang lahi at tutol ang kanyang mga magulang na ito’y kanyang mapangasawa.
Sinunod ni Samson ang tibok ng kanyang puso at naging asawa niya ang Philistine woman which is a violation of God’s law about intemarriage with pagans.
At sa ikalawang pagkakataon ay MULING TUMIBOK ANG PUSO ni Samson sa isang babaeng nag-ngangalang Delilah at muli niyang SINUNOD ang tibok ng kanyang puso, at sa pagkakataon ito ay kanyang isiniwalat ang lihim ng kanyang pambihirang lakas at iyon ang naging mitsa ng kanyang kamatayan.
Nakita natin sa buhay ni Samson na napakahalaga ang itinitibok ng ating puso, sapagka’t ito’y maaring mag-dulot ng kapahamakan sa atin, kayat NAPAKAHALAGA NA ITO AY ATING BANTAYAN.
Proverbs 4:23
“Above all else, GUARD YOUR HEART for it is the wellspring of life”
WHY?
Jeremiah 17:9
“The HEART IS DECEITFUL ABOVE ALL THINGS and beyond cure. Who can understand it?
Ang PAGTIBOK ng ating puso ay hindi lamang ito tumutukoy sa context ng kinakanta nina Donna Cruz at ni Toni Gonzaga at sa context din ni Samson na tumutukoy sa pag-ibig o romantic love, ito rin ay sumasalamin KUNG ANO ANG ATING MGA DESIRE, NAIS O GUSTO ng ating puso maliban sa romantic love.
At maraming desire, nais o gusto ang ating puso, lalong lalo na kung ikaw ay NASA IYONG KABATAAN pa, at napakadali na tayo ay ma-deceive at maging sa mga taong masasabi nating marami ng karanasan sa buhay ay sila pa rin ay nade-deceive at maging ang pinakamatalinong hari ng Israel na si Solomon ay nadaya ng kanyang puso tayo pa kaya.
HINDI NAMAN MASAMA ang mga magkaroon ng desire, nais o gusto sa buhay at kung yon naman talaga ang itinitibok ng ating puso, PERO HUWAG NAMAN SANA AGAD AGAD SUSUNGABAN o tatalon at baka sa pag-sungab o pagtalon natin ay kapahamakan o hindi maganda ang kanyang kahihinatnan at magsisi sa bandang huli.
Haggai 1:5
Now therefore, thus says the LORD of hosts, "Consider your ways!
Proverbs 11:14
“Where no counsel is, the people fall: but in the multitude of counselors there is safety”
BINiGYAN TAYO NG ISIP ng Diyos upang itoy ating gamitin at mag-isip isip muna, si Samson at si Haring Solomon ay hindi nila GINAMIT ang kanilang isip mas pinauna nila ang tibok ng kanilang puso kaya sa kanilang isipan kinalimutan o winalang bahala nila kung ano ang iniutos sa kanila ng Diyos kaya sila na “LAGOT” at na “HULI” sila.
Me mga factor kung bakit hindi natin napapairal ang ating isipan at inu-una natin ang tibok ng ating puso lalo na sa ating mga Pilipino na madaling mapatibok ang ating puso o magkaroon agad ng desire o nais o gusto, halimbawa nga lang pag sa babae lalo na pag sa teenager pag naabutan lang ng toblerone o nalibre sa Jollibee nabigyan lang ng konting attention e napapatibok na ang puso, kung sa lalaki naman sinabihan lang ng “take care” o “good morning” agad agad na nahuhulog ang loob naiiba na ang perspective, kung sa mga materyal naman nakita lang natin na bagay at “pang-porma” at “uso” siya kukunin agad natin sa bandang huli hindi rin naman pala masyadong nagagamit sayang.
“Wala ka nang magagawa kundi sundin ito...” “...lagot ka na” “...siguradong huli ka” - Me magagawa tayo, THINK, BE ON GUARD, ASK ADVICE, CONSIDER YOUR WAYS at higit sa lahat MAG-PRAY!
Mark 14:38
“Keep watching and PRAYING that you may not come into temptation; the spirit is willing, but the flesh is weak."
ANO BA ANG TIBOK NANG PUSO MO? ANO ANG MGA DESIRES AT GUSTO NIYA?
MY FRIEND BE CAREFUL
Psalm 37:4
“DELIGHT YOURSELF in the LORD; And HE WILL GIVE YOU the DESIRES of your HEART”
.
.
No comments:
Post a Comment