Monday, November 1, 2010

Coming soon!

“Life is beautiful” hindi natin maikakaila na ang buhay nga naman ay punong puno ng kasiyahan, lalo na pag tayo ay nagiging successful sa buhay, at nagiging masaya tayo in terms of family, relationship, friends at sa ating mga dreams sa buhay.

Pero isang irony naman na yong “life” na sinasabi nating “beautiful” ay siya ring pinagmumulan ng tinatawag nating pag-hihirap kaya nasasabi rin ang “life is hard” at hindi rin yon maikakaila ng mga ibang tao, mahirap nga naman ang pamumuhay ngayon its really “life is hard” at hindi lang sa financial matter, kundi sa buong system na nangyayari sa buong mundo na kung saan ang lawlessness ay laganap parang wala ng safe na lugar para hindi ka abutan ng krimen.

The Bible said in 2 Timothy 3:1 “…that in the last days DIFFICULT TIMES WILL COME”.

This will be the TREND na mangyayari bago dumating ang muling pag-babalik ni Lord Jesus Christ at kung tayo ay aware ay nakikita na natin ito at ramdam na ramdam na ang epekto ng sinasabi ng bible na “difficult times”.

Pero sa kabila ng lahat maaring hindi natin ito napapansin pagka’t ang ating isipan at panahon ay pre-occupied ng mga bagay na nandirito maging ito’y sa panahon ng kasayahan o kahirapan.

Kung tayo ay nag-eenjoy sige lang mag-pakasaya at huwag sayangin ang pagkakataon na sumaya o kaya me kahirapan ang ating pinagdadaanan magtiis tayo, masaya man o mahirap may limitation din ang mga yan, sapagka’t ang mundong ito kung saan tayo nabubuhay ay subject for judgment, maging ang ating mga ginagawa o desire ng puso natin.

Ecclesiastes 11:9 - “Be happy, young man, while you are young, and let your heart give you joy in the days of your youth. Follow the ways of your heart and whatever your eyes see, BUT KNOW that for all these things God will bring you to judgment”

We don’t know kung kailan ang exact day at hour ng pagdating ni Lord Jesus Christ, pero nag-bigay naman siya ng mga signs at isa na nga dyan yong sinasabi ng 2 Timothy 3:1 na “difficult times”

At sabi rin ng Bible ang pagdating ni Lord Jesus Christ din ay parang sa panahon ni Noah na ang mga tao ay puro kasiyahan pero sa gitna naman ng kanilang kasiyahan sa buhay ay saka dumating ang judgment ng Diyos.

Luke 17:26, 27- “Just as it was in the days of Noah, so also will it be in the days of the Son of Man. People were eating, drinking, marrying and being given in marriage up to the day Noah entered the ark. Then the flood came and destroyed them all”.

Hindi na masyadong naipapahayag ang tungkol sa Eschatology (Doctrine of Last Things) sa Church, pagka’t sabi ng iba ay nakakatakot at parang mahirap intindihan, talagang mahirap intindihin, pero yong kanyang significance lalo na sa panahon natin ay unti unting na siyang nakikita.

Lord Jesus Christ said “…for one’s life DOES NOT consist in the abundance of the things he possesses.”


Ano ba meron tayo sa buhay na masasabi o kaya nasasabi natin na “life is beautiful”? kung ano man yan at gaano man siya ka-“beautiful” ay may limitation siya at hindi yan ang buong kabuuan ng buhay at higit sa lahat merong paghahatol sa buhay na ito.


Revelation 22:7 - “BEHOLD, I AM COMING SOON! …”

.
.

No comments:

Post a Comment