Monday, November 1, 2010

To die is gain...bakit?

Death may be the greatest of all human blessings. ~Socrates
_________________________________________________

Kapag tayo ay nawalan o nawala ang isang bagay na mahalaga o yong merong “sentimental value” sa atin tayo ay nalulungkot o kaya ay nanghihinayang.

At masasabi natin na ang ating buhay ay napakahalaga at some people treasure it at halos ginagawa nila ang lahat to live to the fullest in this life.

At kung napapag-usapan ang death o kamatayan ay ayaw nila itong napapag-usapan, una nakakatakot nga namang pag-usapan ito, o kaya yong mga bagay na kanilang ini-enjoy ay mawawala kung sakaling sila ay mawala sa buhay na ito.

Pero maging realistic tayo ang “death” o “kamatayan” ay isang pangyayari sa buhay ng isang tao na hindi maiiwasan o matatakasan, ganun pa man may mga tao rin na ito ang kanilang avenue to escape sa kanilang matinding problema kaya’t merong mga nagsu-suicide.

Kung sakaling ang isang tao ay mawalan ng buhay o kaya datnan na siya ng kamatayan sa mundong ito, meron ba itong kapakinabangan o kaya “TO DIE IS GAIN?”.

Tulad ng sinabi ko yong mga bagay na kanilang ini-enjoy ng mga tao sa mundong ito ay mawawala kaya’t hanga’t maari ay huwag pag-usapan ang tungkol sa death o kamatayan at kung ang isang tao ay nasa peak ng kanyang kasikatan o career yon ay mawawala, kung ito naman ay mayaman financially mawawala rin iyon at kung sa family life ay nag-eenjoy sa kanilang relationship yon rin ay mawawala.

Si Apostle Paul ay killala siya sa pag-prepreach ng gospel, at kung sa financial naman ay sapat lamang at ang kanyang relationship sa mga believers ay napakaganda rin.

Pero sinabi niya sa book of Philippians 1:21b “…TO DIE IS GAIN”


Ibig bang sabihin yong mga bagay na kanyang ini-enjoy o kung anong meron siya na bigay ni Lord ay walang halaga?


Merong halaga ang mga yon pagka’t iyon ay biyaya ni Lord sa kanya, pero bakit sinabi niyang “…to die is gain”

Tignan natin siya sa broad context ng gospel na ipinapahayag ni Apostle Paul, at isa sa element ng kanyang ipinapahayag ay ang deliverance sa kapangyarihan ng sin na ating namana kay Adam at Eve.

At sa isang believer in Christ bagama’t siya ay nagkaroon na ng justification kay God the Father thru Jesus Christ, nagmamanifest pa rin ang sin sa kanyang mortal body o sa katawang pang-lupa, pagka’t ang katawang pang-lupa ay hindi pa rin siya totally delivered hanga’t wala pa ang 2nd coming of Jesus Christ.

Maging si Apostle Paul na justified and anointed by God ay nangyayari rin ito sa kanya

Romans 7:14-20

“We know that the law is spiritual; but I am unspiritual, sold as a slave to sin.I do not understand what I do. For what I want to do I do not do, but what I hate I do. And if I do what I do not want to do, I agree that the law is good. As it is, it is no longer I myself who do it, but it is sin living in me. I know that nothing good lives in me, that is, in my sinful nature. For I have the desire to do what is good, but I cannot carry it out. For what I do is not the good I want to do; no, the evil I do not want to do—this I keep on doing. Now if I do what I do not want to do, it is no longer I who do it, but it is sin living in me that does it.”

Kaya pag sinabi ni Apostle Paul na “…TO DIE IS GAIN” (in the broad context of the gospel) ay gain na gain dahil alam niya na siya ay nasa presence na ni Lord after his death in this life.

At ang mapunta sa presence and to be with the Lord ay isang blessed and ultimate goal ng isang believer in Christ, at walang pwedeng makakapantay sa glory and happiness na kanyang mararanasan pag dumating ang time na yon.

Kung ang pag-uusapan naman ay yong mga bagay na maiiwan ng isang taong believer kay Christ sa mundong ito pag siya ay namatay, yong kanyang career, fame, financial status at mga relationship ay walang kwenta o kaya hindi pwedeng ikumpara sa mga bagay na inihanda ni Lord sa kanya doon sa eternity.

1 Corinthians 2:9

“Eye has not seen, nor ear heard, Nor have entered into the heart of man The things which God has prepared for those who love Him.”

Kung titignan ang verse na ito ay nagsasabi rin na merong sorpresa si Lord para sa atin na mga naniniwala at may faith sa kanya.

Kaibigan ito ay sapat na sa atin kung sakaling dumating na ang panahon na tayo ay mawala na sa mundong ito ay mayroon higit na nakalaan sa atin.

In contrast naman kung wala si Jesus Christ sa buhay ng isang tao hindi siya
“…TO DIE IS GAIN”

Kundi ito ay isang “curse” at separated sa blessing ni God sa eternity.

At if you are believer in Christ masasabi mo at masasabi natin in one spirit at confident tayo na katulad ni Apostle Paul na nagsasabing

“…TO DIE IS GAIN”.

.

No comments:

Post a Comment