Sabi ng isa sa mga driver namin sa office “mabuti ka pa sir at may panahon ka pa para magbasa ng bible, sa mga katulad naming ay wala ng oras at panahon pagka’t para sa paghahanapbuhay ng aming pamilya para may maipakain sa kanila, at pagdating din sa bahay ay pagod na rin kami kaya di na namin nagagawa yang ganyan”.
Kahanga hanga ang kanyang sinabi bilang isang padre de pamilya ay kanyan iniisip ang kapakanan ng kanyang pamilya sa araw araw nilang pamumuhay. At sa mata ng Diyos iyon ay nakalulugod sa kanya.
At aking sinabi sa kanya “bilib din ako sayo dahil talagang di mo pinababayaan ang iyong pamilya at ikaw ay talagang kumakayod para lang may mauwi sa pamilya mo”.
At tinanong ko din siya at sinabing “sa tingin mo ba yong kawalan mo ng oras o panahon na hindi magbasa ng bible o magkaroon man lang ng maski konting panahon sa Diyos ay magkakaroon ba ng kahalagahan yong mga pagpapagod at pagkakayod mo kung sakaling tayo ay mawala sa buhay na ito?” at siya ay napag-isip.
Hindi masama na kumayod tayo sa ating mga pamilya, pagsumikapan ang ating mga pangarap at pagbuhusan ito ng panahon at oras, pero merong mga reality na dapat sana ito’y ating isa-isip at huwag iwalang bahala, at isang reality nito ay tayo ay mawawala sa buhay na ito at one day we will face God at accountable tayo sa kanya.
Merong bang posibilidad na ang Diyos ay maaring hindi na rin siya magkaroon ng panahon sa atin?
YES! Merong posibilidad na hindi na rin nya tayo pagtutuunan ng pansin at kanyang e-hold ang grace na ibinibigay sa atin at tayo ay kanyang e forsake.
2 Chronicles 15:2 “…but if you forsake Him, He will forsake you.”
Maaring itanong mo “bakit naman ako e-foforsake ng Diyos, diba mahal niya tayo, at me pangako siya sa atin na He will not forsake or leave us?. Tama, God will not forsake or leave us pero siya ay nasa context na tayo ay nasa kanya.
2 Chronicles 15:2 “…the LORD is with you when you are with Him”
Dahil ang Diyos ay pag-ibig (1 John 4:8) at siya ay longsuffering hangga’t maari ay ayaw niya na tayo ay kanyang iwanan pagka’t na-aalala nya na tayo ay galing sa alabok lamang.
Habang tayo ay mayroong pang panahon at oras para sa Diyos, hanapin na natin siya, bigyan na natin siya quality time, pagka’t siya naman ay madaling hanapin.
Jeremiah 29:13 “You will seek me and find me when you seek me with all your heart”
Maari mong sabihin na “Saka na siguro kasi naiintindihan naman ng Diyos ang aking situation sa hirap ba naman ng buhay e” o kaya’y “pag natapos na siguro tong mga plano ko sa buhay dahil para rin sa kabutihan ko at balang araw ako rin ang mag-benefit nito” isa lang yan sa mga kadahilanan natin para di tayo nakakalapit sa Diyos upang siya bigyan natin ng panahon.
Ang Diyos ay nagbigay ng warning sa Bible kung ano talaga ang mangyayari sa susunod na mga araw o panahon.
Proverbs 27:1 “Do not boast about tomorrow, for you do not know what a day may bring forth”
Ang tiyak o sigurado ay baka mawala na tayo sa buhay na ito, maaring ito’y nakakatakot at sasabihin mo na “grabeh naman ang bata ko pa para mawala sa buhay na ito”, “ di pa nga ako sinasagot ng nililigawan ko mawawala na ako” o kaya “ ang sarap sarap ng buhay ko tapos matatapos sya ng maaga ano ka hilo?”
The sad thing ay maski anong pag- deny natin o magbigay tayo ng mga excuse sa ating mga sarili para ma-avoid yong reality niya ay hindi siya maaalis.
James 4:13 “Come now, you who say, "Today or tomorrow we will go to such and such a city, and spend a year there and engage in business and make a profit."
James 4:14 “Yet you do not know what your life will be like tomorrow. You are just a vapor that appears for a little while and then vanishes away.”
Maliwanag na sinasabi ng James 4:13,14 na yong buhay natin ay di natin alam kung mananatili pa siya bukas.
Ecclesiastes 12:1 “Remember your Creator…”
Syempre meron siyang context sa book of Ecclesiastes, pero makikita natin ang katotohanan na siya ay nagsasabi at nag-uutos na alalahanin natin ang Diyos.
Ang aking iiwan na tanong – MERON KA BANG QUALITY TIME KAY LORD?.
.
No comments:
Post a Comment