Monday, November 1, 2010

Where is God when people hurt?

Masaya ang buhay pero gaano man kasaya ang buhay natin andyan palagi ang threat o panganib na tayo ay masaktan maging ito’y sa physical, financial or emotional na bagay.

Kung minsan ang taong ang kanilang buhay ay hindi gaanong kasing-saya ng iba at kung sila ay masaktan ay hindi sila gaanong apektado kumpara don sa iba na ang kanilang buhay ay punong-puno ng saya at pag sila ay nasaktan ay talagang parang katapusan na ng lahat.

Ang point is tayo ay nasasaktan at darating talaga sa buhay natin na tayo ay masasaktan.

Sa panahon na tayo ay nasasaktan nasaan ang Diyos? At maaaring sa pagdaranas natin ng sakit ay ating naiisip na “matatapos ba ito?”, “me pag-asa pa bang mawala ito?” or “mamumuhay na lang ba akong ganito?”.

Me mga tinatakbuhan tayo upang maalis o maski mabawasan man lang ang sakit na ating nararamdaman.

Hindi yon masamang gawin sabi nga nila “Focus ka sa ibang bagay” at nakakatangap din tayo ng mga words of encouragement sa ating mga kaibigan na tumutulong din sa ating pain.

Pero pag tayo ay nag-iisa na ay bumabalik at andon din pala yong sakit.

Sa sakit na ating nararamdaman, ang Diyos ay nandyan at nakikita at nauunawaan nya ang sakit na ating nararamdaman sabi ng BIBLE sa PSALMS 139 alam ng Diyos ang lahat lahat sa atin.

Kung tayo ay nasa panahon ng kasiyahan o prosperity nasasabi natin na “God is good”.

Ecclesiates 7:14

“…But in the day of adversity…God has appointed”.

Nakikita natin sa Ecclesiates 7:14 na even adversity, pain & hardship ay itinakda ng Diyos.

So we can say na “God is good” sa ating mga dinaranas na sakit in the context na ang Diyos ay laging andyan to help us & heal our pain.

Kaya kung nasaan si God kung mayroong tayong sakit na dinaranas, andyan siya katulad ng panahon ng pagsama nya sa panahon ng kasayahan sa ating buhay.

Bagama’t di agad nararamdaman ang kagalingan ng sakit na ating nararamdaman pero sigurado na God will not forsake or leave us dahil hindi siya sinungaling at tinutupad niya ang kanyang pangako to help us.

Si Apostle Paul ay mayroong bagay na ipinag-pray kay God na gusto niyang ma-alis pero sinabi ni God sa kanya “my grace is sufficient for you…” at kung meron man tayong sakit na dinaranas ang grace ni God ay sapat para esustain tayo to endure & heal the pain at the same time nagtuturo din sya ng lesson sa ating ang mga pain.

THE SCRIPTURES ASSURED US THAT IF WE ARE HURT, GOD CARES FOR US


Psalms 55:22
“Cast your burden on the LORD and He shall sustain you…” (Old testament)

1 Peter 5:7

“Casting all your care upon Him, for He cares for you” (New Testament)

HOLD TO HIS PROMISE!

.
.

No comments:

Post a Comment