Sa buhay na nilalagi natin sa mundong ito ay nasubukan na rin nating makatangap ng invitation at ang iba sa atin ay marami ng natangap na mga invitation at kanila na rin itong napuntahan katulad ng mga birthday party, wedding o kaya yon mga malalaking event o ma-invite ng isang kilalang tao.
At siguro din naman na meron ding tayong mga gusto o pangarap na sana ay ma-invite tayo personally ng isang VIP o ma-invite sa isang napakalaking event, halimbawa invite ka ni President Barrack Obama sa white house upang maka-dinner ka niya at sagot pa niya ang pamasahe papuntang america o kaya ikaw ay imbitahan ng isang sikat na celebrity na nagkataong favorite mo siya at gawin ka niyang isa sa mga guest niya sa kanyang show, do you think tatangi ka?
Sa kabaliktaran naman di naman tayo talaga nai-invite personally ng mga ganung tao, dahil kalimitan naman na na-iinvite ay yong nasa sphere din ng kanilang status.
Pero MERONG isang INVITATION ng wala siyang pinipili o kinikilingan, walang racial descrimination, mayaman man o mahirap lahat ay pantay pantay, at ang invitation na ito ay galing mismo kay God thru Jesus Christ.
MATTHEW 11:28,29
V28 - “COME TO ME, all who are weary and heavy-laden, and I WILL GIVE YOU REST.
V29 – “ Take My yoke upon you and learn from Me, for I am gentle and humble in heart, and YOU WILL FIND REST FOR YOUR SOULS.
A) “COME TO ME…”
Ang invitation na ito ay HINDI GALING sa isang VIP o kaya sa isang sikat na celebrity na hinahangaan natin, ito’y galing mismo sa creator of heaven and earth ang lumikha ng lahat ng bagay at siya ay personal na nag-iinvite sa atin despite na tayo ay galing sa alabok lamang, at sa kanyang kalagayan bilang isang Diyos ay PINILI NIYA NA TAYO AY ABUTIN sa pamamagitan ng kanyang incarnation.
John 1:1 - “…the WORD (Jesus Christ) WAS GOD…”
John 1:14 - “And the WORD (Jesus Christ) BECAME FLESH and DWELT AMONG US…”
B) “TAKE MY YOKE UPON YOU AND LEARN FROM ME…”
Sa pag-iinvite sa atin ni God ay meron siyang hangarin, gusto niya na siya ay ating maging katuwang o katulong sa araw araw nating pamumuhay sa mundong ito, at gusto rin niya na sa kanyang mga salita ay matuto tayo alam niya ang lahat sa atin at wala tayong maitatago sa kanya. AT DAPAT LANG NA MAGING KATUWANG NATIN SIYA.
John 15:5 – “…for apart from Me you can do nothing.”
C) “ALL YOU WHO ARE WEARY AND HEAVY LADEN…”
Tulad ng sinabi ko wala itong racial descrimination LAHAT AY IMBITADO, bakit lahat ay imbitado? Dahil lahat naman tayo ay may mga dalang bigatin sa buhay at tayo rin ay napapagod at nahihirapan, at ang kanyan invitation ay upang tayo ay KANYANG TULUNGAN.
Psalm 54:4 – “ Behold, God is my helper; The Lord is the sustainer of my soul.
D) “I WILL GIVE YOU REST… YOU WILL FIND REST FOR YOUR SOULS.”
Lahat naman tayo ay gusto natin ng kapahingahan sa lahat ng bagay sa ating mga trabaho, sa ating mga iniisip, AT LALO NA SA ATING SOULS, kung saan ang ating soul under sa power ng sin dahil sa kasalanan nina adan at eba, kaya’t merong mga struggles sa ating mga buhay pero si God gusto niya na tayo mag-karoon ng REST SA ATING SOUL thru Lord Jesus Christ, at magkaroon ng buhay na abundant in the coming kingdom of God.
DI BA ANG GANDANG INVITATION YAN?...TATANGI KA BA? AT KUNG NAKAPUNTA KA NA SA KANYANG INVITATION PATULOY BANG NASA IYO ANG KANYANG YOKE UPANG MAGKASAMA KAYO NI GOD NA HARAPIN ANG MGA SUSUNOD NA MGA PANAHON AT ARAW?
Kaibigan me time rin na hindi na rin mag-iinvite si God sa atin upang mag-bigay ng kapahingahan ng ating soul, kaya’t habang maaga pa tangapin na natin.
.
.
No comments:
Post a Comment