Saturday, November 6, 2010

B – The signs

Ang mga treasure hunter pag naghahanap sila ng treasure ay mayroong palatandaan o signs na malapit na sila sa kanilang hinahanap, maaring ito’y nasa kanilang mapa o kaya andoon mismo sa lugar ng kanilang pinaghahanapan, Maging sa isang babaeng nag-dadalangtao meron ding tanda na malapit na siyang manganak dahil sinasabi nila kabuwanan na niya, at sa isang taong nagmamahal siya ay nagbibigay ng isang mahalagang bagay sa kanyang iniibig patunay na ito ay tanda ng kanyang pagmamahal.

Sa muling pagbabalik ni Lord Jesus Christ nagpahayag siya ng mga tanda o signs sa kanyang muling pagbabalik ng kanyang sinagot ang tanong ng kanyang mga disciples.

Matthew 24:3
“…As He was sitting on the Mount of Olives, the disciples came to Him privately, saying, "Tell us, …what will be the sign of Your coming...” (NASB)

At nagpahayag si Lord Jesus Christ ng mga signs sa Matthew 24

1. False Christ
2. Wars
3. Rumors of wars
4. Nation against nation
5. Earthquake
6. Killing
7. Flight
8. Pestilences

At merong remarkable na signs na masasabi ko na napakalinaw (although lahat ng mga signs ay lilitaw) na binangit mismo ng Triune God (Father, Son at Holy Spirit)

1. GOD THE FATHER: Yahweh


Ang Prophecy sa Old testament na ang mga Jewish people o ang bansang Israel ay muling mabubuo bilang isang bansa, makikita sa pages of scriptures na ang mga Jewish people ay nag- wander at nagkahiwahiwalay dahil sa hindi nila pag-sunod sa kautusan ni YAHWEH na kanilang Diyos at sila ay sinakop ng iba’t ibang bansa nguni’t sila ay pinapalaya ng Diyos pagka’t sila ang bansang kanyang pinili.

Ezekiel 37:21
“Say to them, 'Thus says the Lord GOD, "Behold, I will take the sons of Israel from among the nations where they have gone, and I will gather them from every side and bring them into their own land” (NASB)

At nangyari ang pagbabalik ng Jewish people at ang pagbuo muli ng kanilang bansa bilang isang independent nation nong May 14, 1948.

2. GOD THE SON: Jesus Christ

Ang Prophecy ni Lord Jesus Christ tungkol sa temple ng Jerusalem na kanyang sinabi na wala ni isang bato ang tatayo lahat ay guguho at walang matititra

Matthew 24:2
“And He said to them, "Do you not see all these things? Truly I say to you, not one stone here will be left upon another, which will not be torn down." (NASB)

At nangyari nong A.D. 70 ng nilusob ng mga Roman soldiers ang Jerusalem at kanilang sinira ito.

3. GOD THE HOLY SPIRIT: The Spirit of truth

Ang prophecy ng Holy Spirit regarding sa faith at sa deception of demons.

1 Timothy 4:1
“But the SPIRIT EXPLICITLY SAYS that in later times some will fall away from the faith, paying attention to deceitful spirits and doctrines of demons” (NASB)

At nangyayari na rin ito dahil marami ng naglitawan at maglilitawan pa na mga teachings upang iligaw ang mga tao sa tunay na faith.

YES! Nakita, Nakikita at mangyayari pa, yong nga lang earthquake sa atin nong 1990 isa iyong patunay, ang mga digmaan sa bansang Israel at sa Lebanon, ang pagsabog ng world trade center sa america, ang mga nangyayaring pagbaha sa atin, ang hurricane katrina, LAHAT AY NANGYAYARI NA AT MALIWANAG PA SA SIKAT NG ARAW!

At maging sa makabago at “hi tech” na panahon natin nakikita rin natin ang epekto sa mga laro sa computer games katulad ng DOTA, COUNTER STRIKE, ang ipinapakita o ang kanilang theme ay puro karahasan.

Matthew 24:33
“so, you too, when you see all these things, recognize that He is near, right at the door.” (NASB)

So malapit na pala at maaaring NGAYON, BUKAS O SA MAKALAWA.

QUESTION:

Bakit nagbigay ng mga signs si Lord Jesus Christ sa kanyang muling pagbabalik?

ANSWER:

Matthew 24:42
“Therefore be ON THE ALERT, for you do not know which day your Lord is coming.”

“Alert”, “keep watch” yang ang gustong iparating sa atin ni Lord Jesus Christ, at siya ay nagbigay ng halimbawa sa mga taong hindi alerto at hindi nagbabantay, itinulad niya ito sa panahon ni Noah na ang mga tao ay walang pakiaalam at hindi nakinig sa mga babala hangang sa dumating ang baha.

At me mga taong ganyan, minsan ako ay nakapanood ng isang programa yong Fashion TV, kung saan ipinapakita nila ang mga usong mga damit at mga lugar na magaganda at ang naka-attract sa akin ay yong pag-papakita nila ng mga bar at parties na kung saan nakikita ang mga tao na nag-sasaya walang pakialam sa mundo na parang wala ng katapusan ang lahat ng bagay at naka-focus sa mga nandirito sa mundo.

MY FRIEND, sana hindi tayo ganun, maging “alert” at “keep watch” tayo imulat natin ang ating mga mata, sapagka’t ang mga “SIGNS” ay nagaganap na, huwag nating iwalang bahala.


NEXT TOPIC : # 2 – THE RAPTURE

.

No comments:

Post a Comment