Monday, November 1, 2010

Stand still and see

"...Do not be afraid stand still and see the salvation of the LORD"

Nang pinalaya ni God ang mga judio sa kamay at kapangyarihan ng mga egipto sa pamamagitan ni Moses, sila ay kanyang pinadaan sa wilderness (Exodus 13:18)

Nang malaman ng faraon na ang mga judio ay umalis sila ay naghanda upang tugisin ang mga judio.

At nang malaman ng mga judio na sila ay tinutugis ng mga egipto sa pangunguna ni faraon sila ay natakot pagka't wala na silang ibang mapupuntahan at kanilang nasabi kay Moses na mas mabuti pa sa egipto kaysa mamatay sa wilderness.

Sa ating buhay na ating kinalalagyan tayo ay lumalakad at namumuhay sa mga bagay na nagbibigay sa atin ng pagkabalisa, pagkatakot at tayo ay nagiging alipin o tayo ay naka-focus na lang don at wala na tayong magagawa at manatili na lang sa ganung situation na ating nasasabi sa ating sarili "bahala na kung ano ang mangyari" "mahirap takasan ang bagay na ito" or "wala na tayong magagawa di ganito na lang"

Merong katotohanan ang ganung mga saloobin at pananalita sa ating buhay TAYO AY SUKOL NA WALA NA TAYONG IBANG MAGAGAWA AT ITO'Y DI NA KAYA NG ATING KAPASIDAD BILANG ISANG TAO.

Tulad din ng mga judio sila ay sukol na ng mga egipto at ilang sandali na lamang ay pwede na silang bihagin at maaring sila rin ay papatayin o gawing alipin muli sa egipto.

Pero sa kabila ng kanilang pagkasukol sa wilderness, nagsalita si Moses at kanyang sinabi "...Do not be afraid stand still and see the salvation of the LORD" we know the story, hinati ni God ang dagat at kanyang pinadaan ang mga judio upang makatakas sa faraon at sa kanyang mga tauhan.

YES! sukol, corner na tayo ng mga bagay o situation na nagpapabalisa sa atin , wala na tayong magagawa maski humingi na tayo ng mga advice sa mga taong malalapit sa atin.

God in His grace & mercy sa atin sya ay gagawa ng paraan upang tayo ay kanyang iligtas katulad ng kanyang pagliligtas sa mga Judio.

Maybe we are in the wilderness sa ating buhay kung saan wala na tayong ibang tatakbuhan o papatunguhan tanging "red sea" na lamang ang pwedeng tawirin o kaya ay manatili at sabihin natin na "bahala na".

There is no exemption sa ganyang yugto ng ating buhay at meron mga pangyayaring tayo ay iiyak na lang at lalapit kay God.

God is a covenant God, He will do His promise to help to those who are weak, brokenhearted, desperate & hurt.

Ihayag natin ang ating nararamdam maging honest tayo kay God, kung tayo ay nasasaktan, nahihirapan o kung ano meron tayo na parang wala ng katapusan o solusyon, pagka't siya lang talaga ang ultimate na nakaka-alam kung sino tayo, at siya lang ang pwedeng makatulong sa atin na walang pag-aalinlangan at nagtutupad sa kanyang mga pangako para sa ating ikabubuti.

Sabi Joshua sa mga judio matapos nilang ma-conquer at matirhan ang land of Cana

Joshua 23:14"...You know in all your hearts and in your souls that not ONE THINGs HAS FAILED of all good things which the LORD your God spoke...all have come to pass for you; NOT ONE word of them has failed"
.
.

No comments:

Post a Comment