Monday, November 1, 2010

Mag-antay ka lang

“How long,O LORD? Will you forget me forever? How long will you hide your face from me? How long must I wrestle with my thoughts and every day have sorrow in my heart?...” - PSALM 13:1,2

Nasubukan mo na ba na maghintay ng matagal? at sa iyong paghihintay ay hindi ka nakakasiguro kung yong hinihintay mo ay darating pa ba dahil wala man lang siyang tawag o text man lang sa iyong cellphone.

Wala naman sigurong tao na matutuwa na pag siya ay nakipag- deal at me usapan sila na magkikita sila sa takdang oras tapos yong kanyang kausap ay hindi tumupad sa kanilang usapan ay wala siya at “Namuti lang ang kanyang mata sa kakahintay”.

At ang higit na masakit ay yong ikaw ay nasa gitna ng isang situation na kung saan kailangang kailangan mo ang tulong dahil sa hindi mo na halos makayanan ang bigat ng iyong dinadala at ikaw ay uma-asa sa isang tao na alam mong makakatulong sayo ay wala siya ni paramdam ay wala rin siya.

“How long, O LORD?...” (Psalm 13:1) Ito ang tanong ni haring David nang siya ay nasa gitna ng isang situation na kung saang siya ay nagtatago dahil gusto siyang patayin ni haring Saul dahil sa selos sa kanya.

Nagtanong ulit si haring David “Will you forget me forever?” Alam ni haring David na siya ay nakalulugod sa puso ng Diyos, at alam din niya na siya na ang susunod na hari ng bansang Israel, at MAARING siya ay nagtataka bakit nangyayari ang mga ganitong mga pangyayari samantalang wala naman siyang ginawang masama kay haring Saul, at sa tagal na rin ng paghihingi niya ng tulong sa Diyos ay parang wala namang kasagutan o mga senyales na nagaganap upang matugunan ang kanyang katanungan.

“How long will you hide your face from me?” (Psalm 13:2) lalong lumalim ang katanungan ni haring David pagka’t sa kanyang tanong ay tumutukoy na ito sa presensya ng Diyos sa kanyang buhay at sa kanyang pagiging sovereign sa lahat ng bagay at nilikha.

How long must I wrestle with my thoughts and every day have sorrow in my heart?... sumentro si haring David sa kanyang kaisipan at bigat ng kanyang kalooban sa mga nangyayari sa kanya, at MAAARING siya ay gulong gulo at MAARING siya ay manlupaypay na at ang kanyang kalooban ay guguho dahil sa hirap.

“Look on me and ANSWER, O LORD my God. Give light to my eyes…” (Psalm 13:3) humihingi ngayon si haring David ng mabilisan at agarang kasagutan sa kanyang kinalalagyan.

Si Haring David ay naeekwento sa atin sa ating elementary days kung paano niya pinatumba si Goliath ang mandirigma ng mga Palestine sa pamamagitan ng tirador at sa kanyang faith sa Diyos, at kung pano rin siya naging hari ng bansang Israel sa tulong ng Diyos,siya PUNONG PUNO NG FAITH.

Pero siya rin ay tao, me damdaming nasasaktan at naghahanap din ng mga kasagutan sa Diyos sa mga nangyayari sa kanya.

Sa kanyang mga tanong ito rin ay sumasalamin sa ating buhay kung saan tayo rin ay me mga tanong sa Diyos sinasadya man natin o hindi sa panahon na tayo ay nasa difficult times.

Aminin man natin o hindi minsan ang Diyos ay nagiging tahimik sa ating buhay, hindi dahil sa me ginawa tayong kasalanan although yon ang primary na dahilan kung bakit nagiging tahimik at nagtatago siya sa atin, kundi HE CHOOSE TO BE SILENT.


He choose to be silent at yan ay pinatunayan ng Scriptures, sa buhay ni Job during his difficult times, sa buhay ni Joseph na naging slave sa egipto, kay Moses 40 yrs bago siya tinawag sa ministry to deliver the people Israel at syempre si Haring David.

Alam natin ang mga pangako ng Diyos, pero ang mga yon future pa o di naman agad agad na nangyayari, pano yong times na tayo ay nasa kalagitnaan pa para sa makamit ang pangako na yon at sa kalagitnaan ay parang walang sense at nababalotan tayo ng mga usok at di natin makita at kung hihingi tayo ng guidance o tulong sa Diyos ay walang kasagutan o maski paramdam man lang?

At ang ating reaction ay confused at medyo me kaguluhan ang atin isipan, walang makapagsasabi na ang kanyang faith ay matibay at di matitinag, pero tandaan din natin ang Scriptures mismo ay nagsabi na etetest ang faith natin.

1 Peter 1:6,7

“you may have had to suffer grief in all kinds of trials. These have come so that your faith—of greater worth than gold, which perishes even though refined by fire—may be proved genuine…”

I believed na ang pinaka-matinding trials o test ng faith natin na ibibigay ng Diyos ay yong HE CHOOSE TO BE SILENT DURING OUR DIFFICULT TIMES.


I Don’t know why He choose to be silent, ang mga Bible scholars & theologians ay may mga ibat ibang kasagutan at paliwanag na based din sa scriptures, PERO yong ultimate answer ay ang DIYOS LANG ANG NAKAKAALAM.

Remember Apostle Paul, Apostol ng mga Hentil, isa ring punong puno ng faith, at siya ay humingi na alisin ang kanyang “thorn in my flesh” na nasa kanya, at nagpapahirap sa kanya at nagiging tahimik ang Diyos at bakit hindi ito naalis alis at kanyang idinulog ng tatlong beses “Three times I pleaded with the Lord to take it away from me.” nakikita natin na si Paul mismo sa kanyang pananalita ay naghahanap ng sagot, ang sagot na ibinigay ni God ay “But he said to me, "My grace is sufficient for you…”

GOD CHOOSE TO BE SILENT, BUT HIS GRACE IS SUFFICIENT FOR US, at pag nagiging tahimik si God at wala tayong makita puro usok at malabo ang ating nakikita, TULOY LANG PAGKA’T PARTE YAN NG MGA PANGAKONG INILAAN NIYA SA ATIN. Di man natin makuha ang pangako na yon sa mundong ito ang tiyak don sa NEW HEAVEN & EARTH na kanyang inihanda ay magkakaroon lahat ng katuparan.

Psalm 46:10
“BE STILL AND KNOW THAT I AM GOD”

ISAIAH 40:31
“YET THOSE WHO WAIT FOR THE LORD WILL GAIN NEW STRENGHT…” (NASB)

.

.

No comments:

Post a Comment