Kung tayo ay nasasaktan God is always there to sustain & help us, kung ang God naman ang nasasaktan nasaan siya? It is a difficult question, maaring speculative tayo, pero mayroong Bible na nagpapakita rin ng mga kasagutan, maaring hindi kumpleto pero may makikita tayong mga sagot.
Ang God ay banal at walang bahid ni kaunting karumihan sa kanya.
Isaiah 6:3 “Holy, holy, holy is the LORD of host”.
God is also hurt when we commit sins pagka’t nais ng God na ang relationship natin sa kanya ay walang bahid ng karumihan.
We displeased Him sa ating mga ginagawang mga sins, kung siya ay ating nakalimutan at nag-focus tayo sa mga bagay na naglalayo ng attention natin sa kanya.
Deuteronomy 6:5 “Love the LORD your God with all your heart with all your soul, and with all your strength”.
In other words siya lang ang sentro dapat ng ating buhay.
Egocentric ba si God? NO! kung egocentric si God hindi na siya magbibigay ng mga bagay na meron tayo ngayon, material things, relationship career at kung ano ano pa na meron tayo.
Kung tutuusin kaya niya na hindi niya tayo bibigyan ng mga ganyan, ganun pa man binigay nya dahil gusto nya na maging happy tayo sa mundong ito, at sa pagbibigay niya siya pa rin dapat ang una sa lahat.
At kung sakaling egocentric si God He has the right, why? DAHIL SIYA LANG NAMAN TALAGA ANG ULTIMATE NA NAGMAMAHAL SA ATIN.
Pero yong “LOVE” na dapat na ibigay kay God ay sa iba napupunta, yong iba love ang kotse, love ang career, love ang aso, love ang pera at marami pang iba na pinagtutuunan ng love to the point na nakalimutan na si God at tira tira na lang sa kanya, lahat naman tayo guilty dyan, at kung siya ay nasasaktan dahil we displeased His holiness nasaan siya?.
Isaiah 59:2 - “But you iniquities have separated you from your God and your sins have hidden His face from you so that He will not hear”
God is separated sa atin sa pamamagitan ng pag-hidden ng face nya. Ang “face” pag tumutukoy kay God ay may Iba’t ibang kahulugan minsan ito’y nagsasabi ng isang pag-uusap ng magkaibigan in intimate way.
Dito sa Isaiah 59:2 ay tumutukoy sa pag-alis ng presence or guidance ni God dahil sa iniquities & sins.
Ang pinakamagandang halimbawa ay yong pag-separate ng God the Father sa God the Son nang dala dala ni Christ ang ating mga kasalanan sa cross,
Matthew 27:46 - “Jesus cried out…”My God, My God why have you forsaken me?...” God the Father hide His face dahil hindi niya kayang tumingin sa sins or evil.
Habakkuk 1:13 - “You are of purer than to behold evil and cannot look to wickedness…”
Kung tayo na mga tao ay halos madurog ang ating puso kung tayo ay nasasaktan how much more kay God na lumikha ng lahat ng bagay at ibinigay niya ang lahat even His only Son.
Hindi tayo PERFECT upang hindi natin siya masaktan because we are fall short to His glory, pero meron naman siguro tayong ability upang mabawasan natin ang pagsaktan sa kanya by asking His grace & mercy, dahil kung magpapatuloy tayo sa pag-saktan sa kanya merong nakalaan na punishment dahil si God is also God of justice.
Hebrews 10:31 – “It is fearful thing to fall into the hands of the living God”
.
.
No comments:
Post a Comment