Monday, November 1, 2010

The innocent native: I'm excuse

During my high school days ako ay nae - excuse sa mga sa mga ibang exams ko dahil pag merong mga activity ang school at me mga poster making contest ako ang representative ng class namin sa competition na yon, at maaaring ikaw din ay nasubukan mo na rin sigurong ma-excuse sa iyong mga exams nong time na nag-aaral ka pa.

Ngayon Kung sakaling dumating na ang judgment ni God merong bang mga taong excuse upang hindi sila mahatulan na guilty?

Matthew 24:14
“This gospel of the kingdom shall be preached in the whole world as a testimony to all the nations, and then the end will come”

Revelation 14:6

“And I saw another angel flying in midheaven, having an eternal gospel to preach to those who live on the earth and to every nation and tribe and tongue and people”

Matthew 24:14 & Revelation 14:6 in broad context in relationship sa kanilang chapter ay tungkol sa end of the days & the coming judgment of God, at parehas na binangit ang pag “preach” ng “gospel” sa buong mundo (Revelation 14:6 ay mas detalyado).

Jesus Christ is the center ng preaching sa gospel, para magkaroon ng salvation at hindi mahatulan ng guilty ang isang tao ay kailangan marinig at mae-preach sa kanya si Jesus Christ.

QUESTION:

Papaano yong HINDI NAKARINIG AT WALANG NAG-SHARE regarding kay Jesus Christ, yong mga taong nasa liblib o remote area yong mga katutubo o isang katutubo na nasa parte ng bansang Africa o kaya yong mga katutubong ifugao o aeta na nasa pinakasulok na ng ating bansa DAPAT EXCUSE NA SILA dahil inosente sila dahil di naman sila nakarinig about Jesus Christ at sa salvation na dala niya?

ANSWER:

Mukhang valid na ang mga katutubong nasa remote area ay EXCUSE NA SILA AT HINDI NA HATULAN NG GUILTY sapagka’t ang standard ng salvation ni God the Father ay thru His Son Jesus Christ AT HINDI NGA NAMAN NILA ITO NARINIG O WALANG NAG-SHARE SA KANILA so therefore INNOCENT NA SILA at FREE sa judgment ni God.

IT IS UNFAIR! Mabuti pa na maging katutubo na katulad nila nang sa ganun tayo ay makaiwas at hindi rin hatulan ng guilty ni God pagdating ng Judgment day, right?

LET US EXAMINE WHAT THE BIBLE SAY

Roman 1:19

“Since what may be known about God is plain to them, because God has made it plain to them.” (NIV)

Maliwanag na sinasabi ng Romans 1:19 na yong bagay upang malaman na merong Diyos ay kanyang ipinakita at ipinaalam sa tao, including yong mga katutubong nasa remote area.

HOW?


Romans 1:20
“For since the creation of the world God's invisible qualities--his eternal power and divine nature--have been clearly seen, being understood from what has been made...” (NIV)

Ang gawa ng Kanyang kamay o ang kanyang CREATION ang nagpapakita at nagpapa-alam na merong Diyos, at ipinakita niya ito at ipina-alam HINDI SA MALABONG PAMAMARAAN kundi “clearly seen” & “being understood” at ito ang tinatawag sa Theology na NATURAL REVELATION.

Psalm 19:1
“The heavens declare the glory of God; the skies proclaim the work of his hands.”

Kaya’t gaano ka – ignorant, kainosente ang mga katutubong nasa sulok ng mundo na hindi nakakarinig about Jesus Christ ay ALAM NILA SA KANILANG ISIPAN NA MERONG DIYOS PAGKA’T KANILA ITONG NAKIKITA SA KANYANG MGA GAWA.

QUESTION:
Paano yong BULAG mula sa kanyang pagkabata na hindi niya nakikita ang mga bagay na ginawa ng Diyos, at hindi niya ito ma-imagine at wala siyang idea kung anong ang itsura ng mga nilikha at ginawa ng Diyos, siguro naman ay excuse na yon.

ANSWER:
Maski ang isang taong bulag mula sa pagkabata ay alam din niya na merong Diyos maski hindi niya nakikita ang mga bagay na ginawa ng Diyos, SAPAGKA’T NILAGAY NG DIYOS SA PUSO NG BAWAT TAO ANG KANYANG LAW O KAUTUSAN UPANG MALAMAN DIN NA MERONG DIYOS AT PINAPATUNAYAN ITO NG KANILANG ISIPAN AT NG KONSENSIYA.

Romans 2:15
“They demonstrate that GOD’S LAW IS WRITTEN IN THEIR HEART, for their OWN CONSCIENCE and THOUGHTS either accuse them or tell them they are doing right.

Nalaman natin na ang PAGPAPAKITA NG DIYOS at PAGPAPAKILALA niya sa tao ay sa pamamagitan ng kanyang mga gawa o creation (Natural Revelation) at sa paglalagay niya ng kanyang kautusan sa puso ng tao.

SO SABI NG BIBLE

Romans 1:20
“...SO THAT MEN ARE WITHOUT EXCUSE”

KUNG YONG MGA KATUTUBO NA NASA REMOTE AREA AY WALANG EXCUSE SA COMING JUDGMENT OF GOD, TAYO PA KAYA?

Romans 3:23
“for all have sinned and fall short of the glory of God”

Hebrew 2:3
“how will we escape if we neglect so great a salvation?”
.
.

No comments:

Post a Comment