Monday, November 1, 2010

How do I live

CON AIR isang movie nong taong 1997 na pinabidahan ni Nicholas Cage, isang magandang movie kung action ang pag-uusapan.

Ang isa sa naka-attract sa akin ay yong soundtrack nya na “HOW DO I LIVE” na kinanta ni Trisha Yearwood, gusto ko yong song na yon kasi everytime na naririnig ko siya ngayon ay meron akong mga na-aalala. Pero sa panahon na yon I would say ako’y nasa isang emotional stage.

Maski sino naman siguro ngayon pag narinig ang song na yon at sabihin na natin na siya ay “IN LOVE” at may something happened na hindi maganda ay talaga naman maaantig din ang kanyang puso.

Nguni’t kung titignan ang song at ating susuriin ang kanyang nilalaman, ito,y naglalaman ng mga negative things (maski minsan ay nag-papaalala ng mga magandang nakaraan)

“If I had to live without you what kind of life would that be?”

“Your my world my heart my soul”

“Baby you'd take away everything good in my Life.”

“How do I breathe without you”

“How do I ever, ever survive?”

“There'd be no sun in my sky”

“There would be no love in my life”

“There would be no world left for me”

“I would be lost if I lost you”

“Baby you would take away everything real in My life”

“How do I breathe without you”

“How do I ever ever survive?”

“O how do I live?...”

Kung ating e -summarize parang sinabing “WALA NG BUKAS, KASI WALA NA ANG NAGMAMAHAL SAYO”


Syempre primarily ang song ay tungkol sa love story, pero sa malawak na pananaw hindi lang siya tungkol sa love story, itoy tungkol din kung ano ba yong mga napagdaanan at pinagdadaanan natin na mga struggles sa buhay.

Isa siguro sa magandang halimbawa na pwede nating sabihin ay ang buhay ni Joseph na nakalagay sa Bible na siya ay ibenenta ng kanyang mga kapatid sa egipto, siya ay nawalay sa kanyang pamilya siya ay nasa dayuhan na bayan walang kamag-anak o kakilala man lang.

Siya ay naging alipin nang isang kapitan, pinagbintangan siya sa panggagahasa ng asawa ng kanyang amo, siya ay nakulong at wala man lang pwedeng magtangol sa kanya, pero sa kabila ng kanyang hirap na pinagdadaanan ay sinabi ng Bible sa Genesis 39:2,3 & 21 “AND THE LORD WAS WITH JOSEPH…” “THE LORD WAS WITH HIM…” “BUT THE LORD WAS WITH JOSEPH…“

At alam natin ang story siya ay naging pangalawa sa pinakamakapangyarihan na tao sa bansang Egipto, at nabuo muli ang kanilang pamilya.

Sa mga struggles na kanyang dinaanan at naranasan ay kaniyang sinabi sa kanyang mga kapatid na nagbenta sa kanya “YOU INTENDED TO HARM ME, BUT GOD INTENDED IT FOR GOOD” - Genesis 50:20 (NIV)


Kung ating babalikan ulit ang soundtrack ng CON AIR na “How do I live” we can say na yong kanyang mga lyrics ay hindi lamang parang nagsasabing “WALA NG BUKAS, KASI WALA NA ANG NAGMAMAHAL SAYO” kundi nagpapakita rin na meron “HARM” na nangyari.

We have hope; we always hope kasi di naman katapusan ng lahat ng bagay tulad ng sinasabi ng kantang “How do I live” at kung nangyari na ang bagay na sa tingin natin ay we don’t deserve accept natin dahil yan ang takbo ng buhay, minsan panalo, minsan talo, at parang daan yan na merong sementado at merong lubak lubak.

Beyond those things na mga situation, relationship or things na nag-haharm sa atin LAHAT NG IYAN AY MAY DAHILAN katulad ng nangyari sa buhay ni Joseph.

ROMANS 8:28 “…all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.” (NIV)

Sabi nga ng isang palabas dati sa telebisyon “MAY BUKAS PA” kaya tuloy lang ang takbo ng buhay, if ever na me harm ulit at nawawala ang mga gusto natin o ang ating mga pangarap ating tandaan “At the end of broken dreams, He's (GOD) the open door."

.
.

No comments:

Post a Comment