Monday, November 1, 2010

Does prayer influence God?

Sa isang religion o pananampalataya maging ito man ay sa Islam, Hinduism, Buddhism lalong lalo na sa kontexto ng Christianity ay hindi maikakaila ang kahalagahan ng prayer o pananalangin

Sapagka’t sa prayer ay doon natin naipaparating ang ating mga saloobin sa Diyos, ang mga bagay na gusto nating mangyari, mga bagay na hinihiling natin at tayo ay nakikiniig o komokunekta sa kanya in intimate way

James 5:16b – “…The prayer of a righteous man is powerful and effective”

Nakikita natin sa text ng James 5:16b na ang nag-prepray ay isang “righteous man” at ang resulta ng kanyang prayer ay “powerful at “effective” in other words ay mayroong implication na hindi matangihan ang kanyang prayer

Sa aklat ng Exodus chapter 32 gumawa ng rebulto ang mga Israelite at ito ay kanilang sinamba at nagalit si Lord sa kanila at kanyang sinabi kay Moses

Exodus 32:10 “…Now leave me alone so that my anger may burn against them and that I may destroy them.”

At nag-pray si Moses kay Lord sa verse 11-13 “But Moses sought the favor of the LORD his God.”

At sa verse 14 “Then the LORD relented and did not bring on his people the disaster he had threatened.”

Nagkaroon ng katuparan ang prayer ni Moses na hindi lipulin ni Lord ang mga Israelite na nagkasala

Kung ating ebabase sa prayer ni Moses, na influence nga ba ng kanyang panalangin si Lord upang huwag lipulin ni Lord ang mga Israelite na nagkasala?

Sa katunayan si Moses ay righteous before the Lord at kung ebase din natin sa James 5:16b ang kanyang prayer ay effective at powerful din

DOES PRAYER INFLUENCE GOD? lalo na yong righteous na nagpre-pray before the Lord

I think the best way to answer sa tanong na “Does prayer influence God” ay tignan natin sa kontexto ng isa sa character ni God which is ang kanyang pagiging “gracious”

Nong nag-pray si Moses kay Lord at hindi itinuloy ni Lord ang paglipol sa mga nagkasala hindi nangangahulugan na na-influence siya ng panalangin ni Moses, kundi ito’y pag-papakita ni Lord ng kanyang pagiging gracious

At ang graciousness na yan ay according to His good pleasure and divine perfect will at walang sinomang tao na pwedeng mag-divert o mag-influence ng kanyang pagiging gracious

Kaya’t sa ating mga prayers we should always keep in mind na every time we ask something kay Lord hindi dahil sa me nagawa tayong mabuti kaya kailangan ibigay ni Lord kung anoman yong ating mga hinihiling o kaya parang “righteous” tayo sa kanya, we ask Him in prayer because we are seeking His grace

We ask prayer request sa mga taong sabihin na nating mahilig mag-pray o don sa mga taong alam natin na mabuti, kaya kung minsan nasasabi natin na “mag-papapray ako sa kanya dahil malakas siya kay Lord”

To be fair naman meron naman biblical truth sa ganun at base din nga din siya sa James 5:16b, pero ang buttomline pa rin ay ang graciousness ni Lord sa ating mga prayers o prayer request kaya nagkakaroon ng katuparan ang ating mga hiniling

Si Lord ay sovereign, kaya niyang gawin ang lahat ng bagay hindi niya kinakailangan na meron siyang kasama, katuwang o kaagapay sa mga gusto niyang gawin


Pero ganun pa man pinili niya according to His good pleasure & divine perfect will na gumamit ng pamamaraan upang ma-accomplish niya ang kanyang mga gustong gawin, at ang pag-prepray ang isa sa kanyang ginamit

At tayo bilang kanyang nilikha ayon sa kanyang wangis tayo ay binigyan niya rin ng opportunity na makibahagi sa pag-accomplish ng kanyang plano

At sa ating pakikibahagi sa kanyang plano Hindi ito nangangahulugan na meron na tayong maipagmamalaki sa ating mga sarili, WALA TAYONG MAIPAGMAMALAKI!

Kaya’t sa ating mga prayer o pananalangin it is not to influence God, kundi ito ay isang uri ng pagsamba dahil tayo ay dumedepende sa kanyang grace at hinahayaang nating sumagot siya ayon sa kanya pagiging sovereign

At maaring sa ating mga pananalangin kay Lord ay hindi magkaroon ng katuparan ang ating mga prayer request, pero ganun pa man isa pa rin itong pagpapala pagka’t ang mga bagay na hinihiling natin ay ating nailapit kay Lord, at in due time maaring ito rin ay kanyang ibigay

Kaibigan, sa ating paglapit kay Lord sa pamamagitan ng prayer o pananalangin siya ay ating sinasamba at nagpapakita tayo ng napakataas na paggalang sa kanya bilang isang Diyos at higit sa lahat meron tayong submissive heart.
.
.


No comments:

Post a Comment