Monday, November 1, 2010

Mapag-biro ang tadhana

"Fate, an unavoidable destination and the journey of your life” – Georgi

Me mga pangyayari sa buhay ng tao na hindi niya ina-asahan na mangyayari ito sa kanya, sabi nga nila “yan ang kanyang tadhana” at ang tadhana ay may dalawang bagay maaring ito’y masaya o malungkot.

Kung yong “tadhana” na masaya ay makikita natin sa buhay ni Manny Pacquiao na isa lamang panaderyo at hirap na hirap sa buhay ngayon ay isa ng sikat na boksingero at hindi lang yon kung financial din lang naman ang pag-uusapan ay hindi na rin siya kukulangin. Andyan din ang ating bagong elect na Presidente na siya mismo ay nabibigla sa mga pangyayari sa kanyang buhay.

At kung “tadhana” naman na malungkot makikita rin natin sa buhay ng dalawang artista si Rico Yan na isa sa mga sikat na teen actor, at sa kalagitnaan ng kanyang tagumpay sa kanyang career ay bigla na lang nagulat ang showbiz industry sa balitang bigla na lang siyang namatay. Katulad din siya nong isang artista na si Marky Cielo halos ganun din ang nangyari sa sa kanya.

At kung ang pag-uusapan naman ay tungkol sa lovelife meron namang mga tao na me mga karelasyon na ng napakatagal na rin na panahon at nang makita nong girl ang kanyang childhood sweetheart hiniwalayan yong boyfriend at nagpakasal sa kanyang childhood sweetheart.

Sa mga ganung tadhana na nangyayari ay parang sa komiks lang natin nababasa at naririnig rin kung minsan sa pelikulang Pilipino yong “MAGPAG-BIRO ANG TADHANA”

TALAGA NGA BANG MAPAG-BIRO ANG TADHANA?

Sa aklat ng Ecclesiates sa Bible at pinaniniwalaan ng mga Bible Scholars na ang sumulat ay si King Solomon ang pinakamatalinong naging hari ng bansang Israel at ito ang isa sa mga naging obsevation niya sa kanyang pamamalagi dito sa mundo.

Ecclesiastes 3:1 “To everything there is a season, a time for every purpose under heaven”

At kung babasahin natin ang mga susunod na mga verses mula sa 2-8 ay makikita natin sa kanyang konteksto na merong maganda at malungkot na mga pangyayari na nagaganap katulad ng “a time to born and a time to die” “a time to weep and a time to laugh” “a time to love and a time to hate” at ito’y nasa konteksto rin ng “SEASON” at “TIME” under heaven ng verse 1.

Sa human perspective ay nasasabi natin talaga na “Mapag-biro ang tadhana” dahil me mga pagkakataon na talagang naibubuhos natin ang ating sarili at damdamin lalo na pag ito na yong mga opportunity na hinihintay natin o ito na lang yong kulang sa ating buhay tapos bigla na lang mawawala o kaya ay hindi rin siya mag-tatagal sa atin.

In God’s perspective, lahat ng bagay kasama na diyan ang “tadhana” ay ginawa ng Diyos na maganda at angkop sa kanyang kapanahunan.

Ecclesiastes 3:11 “He (God) has made everything beautiful in its time.”

Masakit sa tao na kung ang tadhana na dumating sa kanyang buhay ay hindi yong tadhanang parang fairy tale, at nagkakaroon ng mga tanong sa Diyos katulad ng “deserved ko ba ito?” “bakit sa akin pa napunta ang tadhanang ito?” at kung ano ano pa.

Hindi natin hawak ang ating tadhana kung ano ang mangyayari sa atin sa mga susunod na panahon, pero ang kagandahan nito ipina-alam ng Diyos sa atin sa Bible na yong mga tadhana na nangyayari sa tao ay kanyang ginawa hindi lang maganda at angkop sa kanyang kapanahunan kundi ayon din sa kanyang mabuting kalooban at tayo ay nakakatiyak na merong pag-asang pwedeng mangyari at pwede pa itong magbago ayon sa biyaya ng Diyos.

We don’t understand the works of God because we have finite mind kumpara sa kanyang kaisipan sabi nga nya mismo “For my thoughts are not your thoughts…declares the LORD.” Isaiah 55:11


Kung anoman ang nangyayari o ang itinatakbo ng ating tadhana muli nating tandaan “HE HAS MADE EVERYTHING BEAUTIFUL IN ITS TIME.”
.

No comments:

Post a Comment