Monday, November 1, 2010

Tapat ako

Job 42:5 "My ears had heard of you but now my eyes have seen you."

Wala na siguro pang hihigit pa kay Job sa old testament kung ang pag-uusapan ay ang hirap na kanyang pinagdaanan, at halos lahat na ata ng sakit ng damdamin ay nasa kanya na namatay ang kanyang mga anak, nawala ang kanyang mga kabuhayan nagkaroon pa sya ng sakit sa katawan at meron pa siyang asawang nanunulsol

at natural sa ating mga tao na tayo ay masaktan pag may mga nangyayaring hindi maganda at lalo na pag tayo mismo ay apektado at mag-iisip at magtatanong kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay

Ganyan din ang ginawa ni Job sya ay napag-isip nagtanong kung bakit ganun ang nangyari (syempre ang context ng suffering ni Job satan challenge God regarding Job)

At merong mga kaibigan na dumamay sa kanya sa gitna ng kanyang dinaranas, at sila ay nagbibigay ng kani-kanilang mga payo at si Job ay nagsimulang magtanong at magbigay ng kanyang saloobin sa Diyos

Naghirap si Job physically, emotionally at financially at sa bandang huli ng kanyang paghihirap ay kanyang sinabi

"My ears had heard of you but now my eyes have seen you."


Bakit sinabi Job ang ganung mga salita?

In the context of Old Testament ang isang tao na nabiyayaan ng magandang buhay lalo na sa financial na bagay, siya ay itinuturing na ang Diyos ay sumasakanya

Sa situation ni Job ay nasa kanya ang ganung mga bagay na magaganda, financial, wealth & health then suddenly in one day lahat ay nawala at sya ay naghirap.

Nang si job ay naghirap, at sa gitna ng kanyang kahirapan parang
sa tingin niya sya ay pinabayaan ng Diyos kaya sya ay maraming mga katanungan at sya ay sinagot ng Diyos

(syempre hindi sasagot ang Diyos in audible voice na katulad nong kay Job, kundi sa kanyang salita sa Bible sya sasagot at magbibigay ng guidance)

At napagtanto at napag-isip ni Job na sa kanyang paghihirap bagama't sa una ay tahimik ang Diyos HNDI PALA SYA INIWAN NG DIYOS.


At nakita ni Job ang isang aspect ng Diyos na ang Diyos ay laging andyan at handang tumulong sa atin kung anoman ang ating mga pinagdadaan, maaring tayo ay nasa panahon na hindi na natin kaya at parag sa tingin e parang magugunaw na ang ating mundo at isang hibla na lamang tayo ay bibitaw na

Naranasan na ni Job ang ganyang mga bagay, at pinakita ng Diyos kung sino sya sa buhay ni Job at pwedeng rin niya itong ipakita sa atin basta't magtiwala tayo sa kanya.


"My ears had heard of you but now my eyes have seen you."


.
.

No comments:

Post a Comment