Monday, November 1, 2010

Starstruck season V

Shoot for the moon. Even if you miss, you'll land among the stars. ~Les Brown
______________________________________________________________


DREAM. BELIEVE. SURVIVE. ----- Ito ang motto ng StarStruck Season V na programa ng GMA 7 upang maghanap ng mga bagong kabataan na artista, sa mga audition pa lang ay napakarami ang pumila at nakilahok at nangangarap na maging artista.

BAWAT TAO AY MERONG PANGARAP, ambisyon o goal sa buhay, maaaring ito’y nagsisimula nong mga bata pa tayo, kaya pag natatanong tayo kung ano ang gusto natin pag lumaki ating sinasabi na doktor, pulis, abogado o kaya maging guro, at maaring tayo ay nain-pluwensiyahan ng ating mga magulang o kaya meron tayong hinahangaan na tao na siya yong “idol” natin at nangangarap tayo na sana maging katulad natin siya paglaki natin.

DREAM !


HINDI MASAMA ANG MANGARAP o magkaroon ng ambisyon o goal sa buhay, sabi nga nila “libre ang mangarap” at ang ating mga pangarap, ambisyon o goal ay yon ang isa sa nag-momotivate sa ating upang mag-patuloy sa buhay to reach our dreams.

BIBLICAL EXAMPLE ----- PHILIPPIANS 3:1-14 - Maging Apostle Paul mismo ay meron siyang pangarap/ambisyon/goal siya ay nagpatuloy upang makamit iyon.

CONTEXT ----- Philippians Chapter 3:1-14, ay tumutukoy sa pag-papaalala ni Apostle Paul sa mga taga Philippians na sila ay magalak sa Panginoon, mag-ingat sa mga “dogs” o yong mga grupo ng mga Judaizers na sumisira sa Gospel, binangit din niya ang kanyang qualification bilang isang Pariseo (Teacher of the Law) ang kanyang pagiging zealous sa pagpapatupad nito, ang kanyang pagsasabi na ang lahat ng kanyang mga qualification at achievement ay hindi pwedeng e-compare in knowing Christ at kanyang kinalimutan ang mga bagay na kanyang nakaraan upang maabot niya ang kanyang pangarap/ambisyon/goal.

Philippians 3:13-14 - “Brothers, I do not consider myself yet to have taken hold of it. But one thing I do: Forgetting what is behind and straining toward what is ahead, I PRESS ON TOWARD THE GOAL TO WIN THE PRIZE for which God has called me heavenward in Christ Jesus. (NIV)

BELIEVE !

Isa sa nag-papahina sa kalooban ng tao ay yong sabihin sa kanya na “hindi niya kayang abutin ang kanyang mga pangarap” at kung meron tayong pangarap/ambisyon/goal KAILANGAN PALAKASIN natin ang ating kalooban at ang ating sarili at mag-“believe” tayo na KAYA nating siyang abutin, di man biglaan maski pa-unti unti ay maabot din natin siya pagdating ng panahon.

BIBLICAL EXAMPLE ----- NUMBERS 13:30 – Caleb’s belief

CONTEXT ----- Ang Numbers chapter 13 ay tumutukoy sa pag-eespiya sa canaan ang lupang ipinangako ng Diyos sa bansang Israel, at nang bumalik ang mga nag-espiya ay kanilang ibinalita kung ano ang kanilang nakita at nalaman at ang mga nag-espiya ay nanghinaan ng loob maliban kay joshua at si caleb.

Numbers 13:30 – “Then Caleb silenced the people before Moses and said, "We should go up and take possession of the land, for WE CAN certainly do it."

Me PANINIWALA SI CALEB sa kanyang sarili at sa Diyos na kayang ipalupig sa kanila ang mg taong naninirahan don upang sakupin ang lupain ng canaan kaya’t hindi siya napang-hinaan ng kanyang kalooban.

SURVIVE !

Kung meron kang pangarap/ambisyon/goal sa buhay na pinapangarap mo ay kailangan mong paniwalaan na pagdating ng panahon ay iyong mararating, pero hindi sapat na merong DREAM. BELIEVE. Tayo, kailangan din nating mag-SURVIVE, pagka’t sa bawat daan patungo sa ating mga gusto nating marating sa buhay ay HINDI ITO NAPAKADALING GAWIN o madaling marating.

MARAMING MGA PAGSUBOK AT HADLANG na dadaanan upang hindi ka makarating sa iyong minimithing pangarap at maaring sa umpisa o sa kalagitnaan maski sa huling sandali ay maaari ka pang mabigo at hindi makapag-patuloy sabi nga “survival is the name of the game”, YOU HAVE TO BE STRONG IN ORDER TO SURVIVE!

DREAM. BELIEVE. SURVIVE ---- Iyon ang ginawa ng apat na kabataan na kabilang sa FINAL 4 ng StarStruck SEASON V, kung bakit sila nagwagi at nakamit ang kanilang pangarap/ambisyon/goal at sila ay naging certified young actor & actresses ng GMA.

SAD TO SAY na yong mga nag-audtion at yong mga iba naman na nakapasok sa audtion ay hindi pinalad na sila ay makapasok sa FINAL 14, maaring sila ay luhaan o gumuho ang kanilang pangarap na maging artista.

PARANG SA ATIN DIN, kung ang ating pangarap/ambisyon/goal nong mga bata pa tayo at hindi natupad, o kaya hindi siya matutupad, at ang mga pangarap na yon ay nag-iba.

KUNG ANG PANGARAP MO NOON ay maging Teacher naging Janitor ka na lang, Lawyer naging Legal Researcher ka na lang, Doctor naging Medical Representative ka na lang, CPA naging Accounting Clerk ka na lang, Police naging Barangay Tanod ka na lang, Engineer naging Foremen o Laborer ka nalang o kaya yong pangarap mo ay mag-manage ng isang Hotel at Restaurant naging taga-asikaso ka na lang isang maliit na karinderya.

ME MGA FACTOR kaya nag-tatagumpay at nakakamit ang mga pangarap/ambisyon/goal sa buhay at meron ding mga factor kung bakit HINDI rin nag-tatagumpay o nakakamit ang mga iyon.

AT MAAARING SA ATING MGA GINAGAWA NGAYON AT SA ATING MGA GAGAWIN PA MAYBE WILL RESULT TO SUCCESSS OR FAILURE SA ATING MGA DREAMS.

KUNG NATUPAD MAN ANG ATING MGA PANGARAP IT IS OUR DESTINY! AT KUNG SAKALING HINDI DESTINY PA RIN NATIN YON.

“If one dream should fall and break into a thousand pieces, NEVER BE AFRAID TO PICK UP ONE of those pieces up and BEGIN AGAIN.” --- Flavia Weedn

BECAUSE GOD’S PURPOSE IS NOT LIMITED BY YOUR BROKEN DREAM

Romans 8:28 - Jeremiah 29:11
.
.

No comments:

Post a Comment