The race is not always to the swift nor the battle to the strong, but that's the way to bet. ~ Damon Runyon
_______________________________________________________________
Ano bang mahalagang gamit meron sayo?, at masasabi mo na parang sinasabi ng iba na “pag wala ito parang di ko kayang mabuhay”
Yong ibang tao mahalaga sa kanila ang kanilang cellphone o kaya laptop, dahil andon ang mga numbers ng mga kaibigan nila o kaya numbers ng kanilang mga business partners at kung ito ay mawala o masira ay naghihinayang sila kaya yong iba ingat na ingat sila sa gamit nilang iyon.
Sa mga iba naman ay kotse ang mahalaga sa kanila, hindi dahil sa kailangan nila ng pang-transpo, kundi sa iba ay pang-porma nila kaya sineset-up nila ito pinapalitan at nilalagyan ng mga mamahaling accessories at kung maari ay hindi ito magasgas, at kung naigasgas ng driver ay katakot takot na mura o galit ang aakuin ng driver.
Those are some of the material things in life na nakakatulong sa atin dito sa mundong kinalalagyan natin kaya ito’y mahalaga sa atin.
But those things sooner or later ay mawawala din siya dahil luma na o kaya tapos na rin talaga ang serbisyo niya sa atin at mapapalitan na kung meron ka pang pambili para mapalitan yon.
The Bible said sa Job 1:21a at 1 Timothy 6:7
Job 1:21a
“…Naked I came from my mother's womb, and naked I will depart…”
1 Timothy 6:7
“For we brought nothing into the world, and we can take nothing out of it.”
Job 1:21a at 1 Timothy 6:7 ay maliwanag na walang tayong madadala na mga material things yong gutong gusto nating gamit ay maiiwan pakikinabangan na ng iba , maski ang mga relationships ay maiiwan din, yong GF o BF mo ay maghahanap na rin siya ng ibang mamahalin.
Wala tayong madadala yan ang isang truth na dapat nating ilagay sa ating kaisipan, at yong ating pagiging naked o pagiging bare ang siyang haharap kay God.
At sa nilalagi natin dito we are in conflict between God and Satan, at oras na tayo ay nawala na dito at sa isang kisap mata either in heaven o hell mapupunta ang ating soul.
At ang ating soul o kaluluwa ang importanteng possession natin sa mundong ito, it is not the material things that we have now.
So far maraming tao na hindi iyon kinoconsider at baka rin sa ating sarili ay hindi pa natin ito na-consider dahil tayo ay napapaligiran ng mga bagay na andirito sa mundo like worries, struggles, fear o yong ating mga success na nangyari sa ating buhay tayo ay na-o overwhelm na kaya wala ng consideration sa ating soul o kaluluwa.
At sa hindi natin pag-consider sa ating kaluluwa at ito’y ating winawalang bahala, ay para nating isinusugal ito na tipong “Bahala na kung ano ang mangyari”
Parang yong sa mga extreme sports mga motor na tumatalon sa napa-kahabang line ng mga sasakyan o kaya tatalon sa isang napakataas na building, hindi alintana ang aksidente na pwedeng mangyari sa kanila, ang importante ay ma-conquer nila yon at pag na-conquer nila ay papalakpakan sila ng mga tao o kaya nakagawa sila ng bagong record at magiging sikat sila pero sila'y nakikipag-sugal kay kamatayan.
Sa totoo lang si Satan ay naka-first base na siya sa ating soul, nailipat na niya ang kapangyarihan ng sin sa ating buhay.
Romans 5:12-14
“Therefore, just as sin entered the world through one man, and death through sin, and in this way death came to all people, because all sinned”
Kaya’t tayo ay hostile, unfriendly kay God, mas nakakalamang ang mag-disobey rather that obey Him, because the power of sin ay nasa ating soul o kaluluwa.
Hanggat di pa dumarating ang panahon na itinakda sa atin ni God upang lumisan na sa mundong ito huwag na tayong makipag-sapalaran, huwag nating isugal ang ating soul, dahil wala tayong kalaban laban, aanihin natin kung ano yong kabayaran ng kasalanan natin, hindi lang yong kasalanan na nalipat sa atin kung yong mga kasalanan na mga ginawa at ginagawa pa natin.
Hebrews 10:31
“It is a terrifying thing to fall into the hands of the living God.
The judgment of God is “terrifying”, hell, lake of fire at eternal separation from God, at kung sa Bible mismo ang description niya ay nakakatakot na, pano pa kaya ang actual pag ikaw o tayo ay nandoon na.
Matthew 10:28
“Do not fear those who kill the body but are unable to kill the soul; but rather fear Him (God) who is able to destroy both soul and body in hell.”
Lahat ng mga bagay na nandito sa mundo na nasa iyo o nasa atin ay pamamaraan din yan ni Satan upang tayo ay kanyang dayain at mahalin ang mga bagay na yon hangang sa tuluyan nating makalimutan ang importanteng possession natin, na ang kanyang value ay hindi lang dito sa mundong ito kundi doon din sa eternity.
1 John 2:15
“Do not love this world nor the things it offers you, for when you love the world, you do not have the love of the Father in you.” (NLT)
KAIBIGAN, Kumusta ang soul mo? Baka ito’y naka-sangla o kaya patalo na siya at hinihintay na lang niyang ito’y humiwalay sa katawang lupa.
Me pag-asa at panahon pa, huwag natin itong sayangin.
John 14:6
“Jesus said to him, "I am the way, and the truth, and the life; no one comes to the Father but through Me.”
.
.
No comments:
Post a Comment