At ang mga angels na seraphim na ang kanilang natural na kinalalagyan ay sa heaven at sila pa ay nakapaligid kay LORD ay nagtatakip ng kanilang mukha, dahil hindi nila kaya ang blazing glory ni LORD at I belived na ito ay nanggagaling sa kanyang HOLINESS (Isaiah 6:3).
Tayo pa kaya na tao na fall short sa kanyang glory (Romans 3:23) at lalo na sa kanyang holiness.
Sa katunayan ang book of Leviticus ay isinulat tungkol sa holiness, at doon natin mababasa ang pananalitang
“…YOU SHALL BE HOLY, FOR I THE LORD YOUR GOD AM HOLY”
Wala ng reason o debate kung sasabihin ni LORD sa atin “YOU DON’T DESERVE ANYTHING” Dahil ang kanyang status at sa status natin ay hindi magkatugma dahil tayo ay sinners at siya ay holy.
Si Prophet Isaiah ng makita niya si LORD sa kanyang HOLY & GLORIOUS manifestation ay kanyang sinabi
Isaiah 6:5 - “so I said “ Woe is me, for I am undone! Because I am a man of UNCLEAN LIPS, and I dwell in the midst of a people of unclean lips : for my eyes have seen the King the LORD of host”
Si Isaiah ay kanyang nakilala ang kanyang pagkakaiba kay LORD bilang isang sinner, it is a matchless comparisson kay LORD.
So papaano tayo nagiging malapit kay LORD upang siya ay ating maka-fellowship at nabibigyan tayo ng kanyang favor na di naman talaga natin deserve? Syempre si Lord Jesus Christ ang ultimate reason, pero merong isang element at ito ay ang kanyang GRACE at MERCY.
Psalm 116:5 – “GRACIOUS IS THE LORD…”
Yan ang element o isang reason kung ano ang meron tayo ngayon, success, fame o kaya pagiging sikat o kung ano man yan na mga magagandang nangyayari sa buhay natin.
Huwag tayong parang nagtatampo o natatanong si LORD pag hindi tayo nabibigyan ng favor (alhough talaga naman na natatanong talaga natin siya o nagtatampo tayo lalo na pag life gets tough).
Ngunit Kung tutuusin HINDI OBLIGASYON NI LORD na tayo ay kanyang bigyan ng kanyang grace or mecy.
Exodus 33:19 - “And he said, I will make all my goodness pass before you, and I will proclaim the name of the LORD before you; and I WILL BE GRACIOUS TO WHOM I WILL BE GRACIOUS, AND WILL SHOW MERCY ON WHOM I WILL SHOW MERCY”
Sa kabila ng pagkakasabi ni LORD ng ganyan, patuloy pa rin niyang ipinapadama sa atin ang kanyang grace at mercy sa atin.
Minsan kasi parang nare-recognized lang natin ang kanyang grace at mercy ni LORD pag merong tayong natangap na mga malalaking blessings, ikaw ay na-promote sa work, napasama sa isang big event, naging manager ka ng isang association o company o nagkaroon ka ng isang malaking account sa banko o kaya yong matagal mo nang pinapangarap ay natupad na at sasabihin natin “ang bait talaga ni Lord” “ibang klase si Lord” “thank you Lord” at ito pa nga ay ating nasasabi sa ibang tao.
Paano naman yong sa mga bagay o time na parang “malilit na bagay” na nangyayari sa ating buhay na yon naman ay galing sa grace o mercy ni LORD? Yong panahon na ikaw ay busy masyado sa work at halos magkandarapa ka na sa kakatrabho, pero at the end of the day ay natapos mo siya at walang nangyari aberya o problema, yong mga pagkain na ating kinakain sa araw araw, yong mga travel natin na nakakarating tayo sa ating mga office na ligtas hanggang sa makauwi tayo sa atin mga tahanan, naipagpapasalamat ba natin ang mga yan kay Lord o kaya na-iikwento natin katulad ng pag-kwekwento nating don sa mga malalaking blessing na ating natangap.
Sa panahon na tayo ay natutulog, hindi natin alam kung ano ang nangyayari sa ating paligid at sa pag-gising natin ay buhay pa tayo at walang nangyaring masama sa atin, doon pa lamang ay SAPAT na upang mag-thank you tayo sa grace at mercy ni LORD.
KAIBIGAN, WALA TAYONG PATAGO o merong utang na loob sa atin si LORD upang tayo ay bigyan ng mga magagandang favor o bagay, TAYO LAMANG AY UMAASA SA KANYANG GRACE & MERCY, ugaliin sana natin na mapag-pasalamat tayo sa kanya maging sa MGA BAGAY NA MALILIIT NA NANGYAYARI SA ATING BUHAY
.
PSALM 107:1 – “Give thanks to the LORD, for he is good; his love endures forever.”
No comments:
Post a Comment