Dream o “panaginip” lahat ng tao ay nananaginip bata man o matanda ay nakakaranas nito, at me mga kwento na tumama daw ang isang tao sa sweeptakes o sa lotto dahil napanaginipan niya yong numero o kaya nakita sa panaginip yong kanyang magiging soulmate, ang mga iba naman ay pumupunta sa mga nag-iinterpret ng mga panaginip upang malaman nila kung ano daw ang message ng kanilang panaginip at ang iba naman minsan ay ginagawa na lang basehan ng kanilang buhay kung ano ang kanilang napanaginipan, ilan lamang iyan sa mga kwento sa likod ng mga panaginip na nararanasan ng mga tao.
BAKIT NGA BA TAYO NANANAGINIP AT ANO ANG SINASABI NG MGA EXPERTS
SIGMUND FREUD
Austrian Neurologist - He is considered one of the most prominent thinkers of the first half of the 20th century, in terms of originality and intellectual influence.
“..Dreams were an outlet for our hidden desires…our dreams were based on the activities that we do all day long which are combined with our wishes.”
CARL JUNG
Swiss Psychiatrist - Perhaps the most well known pioneer in the field of dream analysis
“…dreams were the result of not only one's personal experiences, but that it is also associated with the collective conscious - which is part of the mind. It consists of the impressions of the events occurring in the world, particularly those events that have occurred or are occurring to the dreamer.”
Bilang isang expert sa sa kanilang education as Neurologist (Freud) & Psychiatrist (Jung) sa human perspective ay may katotohanan ang kanilang mga sinasabi.
At lalo na sa ating mga Pilipino sa ating kultura at status ng buhay kung saan nasasabi natin na mahirap ang pamumuhay ngayon ay medyo marami ang mga bagay na pumapasok sa ating isipan at maaring ito'y nagiging dahilan ng ating mga panaginip.
ANO ANG SINASABI NG BIBLE
HINDI SINABI NG BIBLE kung bakit talaga nanaginip ang tao, na katulad ng mga explanation ni Freud at ni Jung, pero ang napakaliwanag ay ang mga panaginip ay GINAGAMIT ng Diyos para makipag-usap sa tao o kaya may nais siyang ipa-alam.
Genesis 37:5-10 (Jacob), Matthew 2:12-22, (Joseph asawa ni Mary), 1 Kings 3:5-15 (Solomon) Daniel 7:2:1 (Prophet Daniel), at iba pa.
TANONG: Sa panahon natin ngayon ginagamit pa ba ng Diyos ang “PANAGINIP” kung me gusto siyang ipa-alam sa atin?
Hindi isyu kung hindi na kaya ng kapangyarihan ng Diyos na GAMITIN Ang “PANAGINIP” kung me gusto siyang ipa-alam sa atin, ang isyu ay ITO PA BA AY KANYANG GINAGAMIT SA PANAHON NATIN NGAYON.
TANDAAN NATIN na ang BIBLE (Holy Scriptures) ay tapos na at naisulat na lahat ang mga bagay na dapat malaman nating hangang sa pag-dating natin don sa eternity.
Jude 1:3
“…contend for the faith that was once for all entrusted to the saints”
Ang sinasabi ni Jude na “the faith” is the complete body of truth na naisulat na which is the BIBLE ang 66 books, na “…once for all entrusted to the saints”.
DI NA NATIN KAILANGAN O MAG- RELY SA “PANAGINIP”, ANG KAILANGAN NATIN AY ANG BIBLE, ATING SIYANG BASAHIN AT PAG-ARALAN UPANG MALAMAN KUNG ANO ANG GUSTONG IPA-ALAM SA ATIN NG DIYOS SA TULONG NG HOLY SPIRIT.
2 TIMOTHY 3:16
“All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness”.
TANONG: Pano naman yong aking mga “panaginip’ na nagka-totoo o kaya may pangyayari sa totoong buhay na siya ay tumutugma sa aking “panaginip”?
Totoo na me mga ganung pangyayari na tumutugma yong napanaginipan sa totoong buhay, PERO LAHAT ng bagay, pangyayari ay ORDAINED ng Diyos mula pa sa simula hangang wakas, at maski hindi mapanaginipan yon ay mangyayari pa rin
AT DAPAT DI TAYO NADADALA SA ATING MGA NAPAPANAGINIPAN, AT KUNG MAGANDA MAN O HINDI ANG ATING NAPANAGINIPAN ISA LAMANG ITONG PANAGINIP AT BASE SA PALIWANAG NI FREUD AT JUNG.
KUNG TAYO AY MADADALA O MAGRE-RELY SA ATING MGA “PANAGINIP” MAARING MAGBIBIGAY ITO NG
(1) WORRIES - Kasi di naman talaga tayo sure kung yong ating napanaginipan ay nangyayari ba o hindi at dahil don isip tayo ng isip, at alam naman natin na sa sobrang kakaisip ay hindi rin nakakabuiti sa atin
(2) HARD TO LET GO - Minsan pag pre-occupied tayo sa isang situation, experiences or events pumapasok yon sa panaginip natin katulad ng sinasabi nina Freud at Jong, at dahil dyan mahihirapan tayong makalimot sa past natin.
(3) OPPRESSION & DECEPTION – Gusto ni satan na ma- oppress niya tayo sa ating mga panaginip nang sa ganun ay hindi na natin babasahin kung ano ang sinasabi ng scriptures, at kung meron mang tayong experiences na hindi maganda ay kanyang ipa-aalala ng sa ganun ay masaktan tayo.
(4) MAYBE IT WILL LEAD TO NIGHTMARE - Ang panaginip naman ay hindi laging “sweet dreams” at me pagkakataon na yong mga panaginip na ating nararanasan ay nakakatakot at ito’y ating naee-associate sa totoong buhay, at me ibang tao na parang ayaw ng matulog dahil baka managinip ulit ng mga nakakatakot.
(5) FORGETTING THE REALITY OF LIFE – Ang buhay na binigay ng Diyos sa atin ay reality at kailangan nating mag-patuloy, hindi ito pwedeng takasan sa pamamagitan ng ating mga panaginip at maski gaano man kaganda ang napanaginipan natin, pag-gising natin ay wala na parang hangin na lumipas lang
Maaring malimit tayong managinip at nagiging dahilan na ng ating worries, hard to let go, oppression, nightmare & forgetting the reality of life.
PRAY TO GOD, ASK FOR GUIDANCE, PROTECTION & DELIVERANCE, kung anoman yong mga bagay na ating napapanaginipan.
JEREMIAH 33:3
“Call to me and I will answer you…”
AT AKO AY NANINIWALA SA KAPANGYARIHAN NG PRAYER AT GUIDANCE NG SALITA NG DIYOS, AY KAYANG ITIGIL O KAYA MALIMITAHAN ANG MGA NAPAPANAGINIPAN NATIN.
PSALM 4:8
“I will lie down and sleep in peace, for you alone, O LORD, make me dwell in safety”
.
.
No comments:
Post a Comment