Monday, November 1, 2010

God is love! God is good!

We can never escape God’s lovely essence.
- Sonnett Branche
___________________________________

“O pag-ibig na makapangyarihan, pag pumasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat masunod ka lamang


Isang kasabihan ng mga pinoy na totoo nga naman na nangyayari sa buhay ng tao, nakakarinig tayo ng mga kwentong me mga magulang na hindi gusto yong mapapangasawa ng kanyang anak pero ng nag-karoon na siya na apo ay gusto na rin niya yong napangasawa ng kanyang anak dahil sa LOVE niya sa kanyang apo, isang taong galit at sa katagalan ay nagpatawad na rin siya dahil sa epekto ng LOVE, sa taong nagmamahal ipaglalaban at naibibigay ang lahat dahil sa LOVE.

Perhaps the greatest definition of LOVE sa Bible na nasa context ng redemptive plan of God ay ang John 3:16 at John 15:13.

John 3:16
"For God so loved the world, that He gave His only begotten Son, that whoever believes in Him shall not perish, but have eternal life.”

John 15:13
"Greater love has no one than this, that one lay down his life for his friends.”

Kaya’t ang phrase na “God is love” ay hindi na ata nawawala sa vocabulary ng isang tao, lalo na pag ito ay merong mga bagay na magaganda sa kanyang buhay, at ang phrase na yan ay ating din nakikita sa sticker na nakadikit sa tricycle o kaya sa sasakyan nagpapatunay na ang phrase na “God is love” ay sikat sa mga tao.

At ang isa pang phrase na kasama ng “God is love” ay ang “God is good” isa din itong sikat na phrase sa mga tao at hindi rin ito nawawala sa vocabulary at hindi rin ito nalalayo sa situation ng pagsasabing “God is love” ang pagsasabi ng “God is good” 


Psalm 100:5
”For the LORD is good and his love endures forever…”

So Psalms 100:5 ay pinagsama na niya ang “LOVE” at pagiging “GOOD” ni God, at yan ang palagi nating naalala at perhaps yan ang dominant na character niya ang gustong gusto natin.

Me mga taong gumagawa ng masama (I’m not talking don sa mga taong nakakulong o criminal) kundi yong mga taong walang nilabag na batas, pero gumagawa ng mga bagay na masama, sabihin na nating nanglalamang sa kapwa o sa kanyang business ay may mga pandarayang ginagawa tapos pag nakalusot sasabihin nila ay “God is good” pag hindi nahuli “God is love” wrong application ng phrase, at nagiging kunsintidor pa si God.

At pag dumating ang time na maniningil na si God sa kasamaang ginawa, ay nagtataka kung bakit nangyayari sa kanya yon, sasabihin pa nga para makalusot “Mali yong diskarte ko” hindi man lang mag-isip –isip na yon ay isa ng kabayaran at hindi na nababangit ang “God is love” at “God is good”

Ang “LOVE” at “GOODNESS” ni God ay hindi lamang siya naka-context doon sa mga good things na nangyayari sa ating buhay o yong mga blessings na ating natatangap.

1 Corinthians 13:6

“Love does not delight in evil but rejoices with the truth.”

Si God ay righteous and just, He is the God of love, at Kung “Love does not delight in evil…” merong punishment o pag-didisiplina sa mga masamang ginagawa natin, therefore punishment and discipline ay part ng kanyang “LOVE” at “GOODNESS”.

Kaya yong mga taong kunsintidor o doon pumapanig sa mali ay nagpapakita rin ng “LOVE” at “GOODNESS” doon sa taong kanilang pinapanigan o kinokunsinti, kaya nga lang one sided o kaya wrong application ng “LOVE” at “GOODNESS”.

Pero si God ay hindi ganun He will execute His justice kung may mali, maaring edelay niya because of His grace, pero sure na merong justice na mangyayari.

Numbers 32:23

“…you have sinned against the LORD, and be sure your sin will find you out.”

Galatians 6:7

“Do not be deceived, God is not mocked; for whatever a man sows, this he will also reap.”

At kung loobin ni God na ikaw o lahat tayo ay mapunta ng hell o kaya kung ano meron ka ngayon sa buhay mo ay bawiin niya sa isang iglap lamang “LOVE” at “GOODNESS” pa rin sa kanya yon, in the first place we are violator of His holiness, Remember the Book of Romans “All have sinned and fall short to the glory of God”.

Kaya’t kung meron pagtutuwid na ginagawa sa atin si God, tangapin natin wag na tayong mag-palusot huwag nang maghanap pa ng mga justification, dahil kung ano man ang kanyang gagawin ay walang makaka-question sa kanya.

Romans 9:20

“…who are you, O man, who answers back to God? The thing molded will not say to the molder, "Why did you make me like this…”

Kaibigan, ano ba ang dating pagka-kilala mo o perspective mo sa pag-sasabing “God is love” at “God is good”, one sided ba o talagang you accept when God punish & discipline you, ikaw lang ang nakaka-alam kung ano ang laman ng iyong puso, at surely nakikita din ni God yan.
.

.

No comments:

Post a Comment