Monday, November 1, 2010

Titles better than a college degree

“...These I have counted loss...” – Apostle Paul
_______________________________________

“Edukasyon ang solusyon” ito ang slogan ng Deped, pagdating sa education, napakahalaga nga naman na magkaroon ng isang maganda at mabuting edukasyon ang isang tao.

Kaya’t ang mga magulang lalo na don sa mga may kaya sa buhay ay kanilnang pina-panapagaral ang kanilang mga anak sa isang school na maganda ang system ng education, andyan yon ipasok sila sa Ateneo, La salle Green Hills, Mirriam College, Saint Scholastica, Saint Paul, UST o kaya sa ibang school sa ibang bansa at iba pang school na sa tingin nila ay mabibigyan nila ang kanilang mga anak ng tama at magandang education.

Sa mga hirap sa buhay naman ay kanilang pilit na itinataguyod at nasasabi nila na “mahirap lang kami wala kaming ipapamana kaya’t ang mapagtapos sila sa kanilang pag-aaral ang aming maipapamana sa aming mga anak” kaya tinitiis nila ang lahat para lang mapagtapos ang kanilang anak.

At pag ang isang tao ay nag- excel sa kanyang pag-aaral lalo na yong sa kurso na kanyang pinili sa college ay talaga naman na meron siyang aaninhin o reward sa kanyang pag-eexcel sa kanyang education, sa kanyang nakuha na degree sa college ay hindi pa doon nagtatapos, yong iba ay nag-aaral pa o kaya nagmamasteral at hanggang sa mag-doctorate, kaya naman pag nababasa mo ang kanilang mga pangalan ay kung ano ano na ang nakakabit na titulo o description ng kanilang napag-aralan at mga affiliation nila.

Examples:

Estelito P. Mendoza, AA, LLB (UP), LLM (Harvard)
Practicing lawyer for more than fifty-five years
Professorial Lecturer of the College of Law, University of the Philippines
Taught public and private law

Raul A. Daza, CPA, LLB (UP)
Bachelor of Laws at the University of the Philippines
Business Administration at the University of the East
Member of the Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA)
Member of the Philippine Bar and State Bar of California, USA

Willy Lopez, MD
University of the Philippines, College of Medicine, Philippines, 1976
Neurological Surgery (Neurological Surgery (NS)), Philippines, 1987
Fellowship, Eurologic Institute of N.Y. Columbia University College

Alfredo R.A. Bengzon, MD, MBA
Doctor of Medicine, University of the Philippines
Master in Business Administration, Ateneo De Manila University
President, The Medical City Hospital

Felino A. Palafox, Jr., FUAP, PIEP

American Institute of Architects (AIA), San Francisco, USA
American Planning Association (APA), Chicago, Illinois, USA
Congress for the New Urbanism (CNU), San Francisco, USA
Council for Tall Buildings and Urban Habitat (CTBUH), New York, USA
International Council of Shopping Centers (ICSC), New York, USA
Urban Affairs Association (UAA), Delaware, USA
Urban Land Institute (ULI), Washington DC, USA

Ramon R. Del Rosario Jr. MBA (Harvard Business School)
Chairman and Chief Executive Officer of AB Capital & Investment Corp
CEO and President of Philippine Investment Management,Inc.
President and Vice Chairman of Bacnotan Consolidated Industries

Ilan lamang iyan sa mga taong bigatin ang mga titulong hawak pagdating sa kanilang mga affiliation at education, mapapa-wow ka nga sa kanilang mga credentials at mga education na kanilang pinag-aralan at masasabi natin na sa kanilang mga area ng kanilang vocation ay hindi rin sila matatawaran o wala na sigurong hihigit sa ganyang mga status.

Wala na nga kayang higit o at least makapantay man lang sa mga ganyang titulo, education at mga affiliations?

MERON PA, at ang titles at affiliation na yan ay pang-eternity, meron siyang benefits forever

Tignan mo na natin ang credentials ni Apostle Paul, siya ay member ng ruling council ng Sanhedrin (the elite religious group) nag-aral siya kay Gamaliel ang kinikilalang tagapagturo ng mga kautusan, siya ay isang Roman citizen, at ang kanyang lahi siya ay talagang genuine Hebrews o nagmula kay Abraham, at kung ang pag-usapan naman ay ang kanyang pagiging theologian at nakakabit na sigurado ang mga Th.D. M.Div. D.D. at Bible scholar sa kanya.

Sabi niya sa PHILIPPIANS 3:4&7 - “though I also might have confidence in the flesh…But what things were gain to me, these I have counted loss for Christ”

Syempre kung anoman yong kanyang credentials ay di niya iyon binabalewala, pero mas may higit na mas mahalaga sa kanya at yon ay to “…gain Christ” (v8) at to have Christ in his life.

At sa pag-gained niya kay Christ ay nagkaroon siya ng titles na higit pa doon sa kanyang affiliation, education, citizenship at sa kanyang pagiging lahi ni Abraham.

Hindi yong pagkakaroon niya ng title na “Apostle” bagama’t yon ang isa sa kanyang mga titles, ang titles na kanyang na gained ay natatawag siyang “children of God”, “sons of God” at “brethren/brothers” nang siya ay nagkaroon ng faith kay Jesus Christ na-gained niya yon, ayon sa sinasabi ng scriptures.

John 1:12

“Yet to all who received him, to those who believed in his name, he gave the right to become CHILDREN OF GOD”

Galatians 3:26,27
“You are all SONS OF GOD through faith in Christ Jesus, for all of you who were baptized into Christ have clothed yourselves with Christ.”

Hebrews 2:11

“For both He who sanctifies and those who are sanctified are all from one Father; for which reason He (Jesus Christ) is not ashamed to call them BRETHREN”

“CHILDREN OF GOD”, “SONS OF GOD” at “BRETHREN” ay higit sa mga titulong MD, MBA, CPA, LLB & LLM, sapagka’t ang mga earthly titles na yan ay mawawala rin o baka di mo pa nga marating ang mga ganyang title sa buhay na ito.

Pero kung ang buhay natin ay NAKASUKO kay Christ ang benefits nyan ay hangang sa eternity at maging sa mundong ito ay nararanasan na natin, kung tayo ay nanghihina, nagbibgay si God ng strength, kung tayo ay medyo nagkukulang financially, God will provide, kung tayo ay nasasaktan, God comfort us at higit sa lahat tayo ay may seal o tatak ng Holy Spirit ang guarantee na hindi mag-suffer sa hell.

Palagay ko lang pagdating sa eternity di naman magtatawag si God ng mga titles na Attorney, Doctor, Accountant, Architect o kung ano ano pang mga earthly titles sa education at affiliation ng mga tao, kung wala naman na mga titles sa education o kaya wala ring affiliation di naman magtatawag si God ng “Mr. Pogi”, “Ms. Universe” , “cute”, “tabatsoy” o kaya “Mr. Swabe”.

Ang maaring ang sabihin ni God the Father ay “My son John Macarthur”, “My child RC Sproul” o kaya sabihin ni Lord Jesus Christ sayo “kapatid kita” at sabihin naman ng God the Father sayo “yes anak ko rin siya” di ba’t mas higit na glorifying sayo ang tawagin kang ganun kaysa sa title mo dito sa earth kung anoman yong position mo sa work o sa group o affliation mo..

At kung titignan naman natin yong mga taong ang daming titulo na narating sa kanilang mga education at sa kanilang mga affiliation ay masasabi naman din natin na sa respect, fame at financially ay di sila nagkukulang.

At kung NAKASUKO ang ating buhay kay Lord Jesus Christ, WE HAVE EVERYTHING! It’s a matter of time, God will fulfill kung ano ang kanyang mga ipinangako ayon sa kanyang salita sa scriptures.

SAPAGKA’T KUNG TAYO AY NA KAY CHRIST TAYO AY TAGAPAG-MANA!


Galatians 3:29

“If you belong to Christ, then you are Abraham's seed, and HEIRS according to the promise.”

At alam naman natin ang promise ni God not to harm us kundi bigyan tayo ng buhay na masaya, at maaring di mo makamit ngayon pero sa eternity lahat ay nakahanda na ang pangakong iyon na katulad ng pagpapangako niya kay Abraham.

Kaibigan, di masama ang magkaroon ng mga titles dito sa mundong ito, pero mas higit na mahalaga ang titulong pang-eternal, sapagka’t yon ang mananatili magpakailanman.
.

.

No comments:

Post a Comment