Monday, November 1, 2010

The focus

Halos lahat naman siguro ng tao ay mayroong major na pinagtutuunan ng pansin o kaya merong siyang bagay na pinagfo- focusan.

Sa isang taong pamilyado siya ay naka-focus na mabigyan ng araw araw na pangangailangan ang kanyang pamilya kaya todo kayod siya sa kanyang pag-tratrabaho, sa isang estudyante na merong pangarap na maging professional at makahanap ng magandang work siya rin ay naka-focus sa kanyang mga studies, ilan lamang yan sa mga pinagfofocusan ng mga tao.

I ask you nabasa mo na ba ang buong Bible? maaring paputol-putol o nagbabasa ka lang dahil wala ka ng matakbuhan sa iyong mga problema, at kung sakaling nabasa mo na siya cover to cover, alam mo ba kung ano ang kanyang main focus o ano yong kanyang mga pinagfo-focusan?

Kung wala ang pag-fall sa sin nina Adam at Eve maaring wala tayong binabasa na Bible, tayo ay direct na kinakausap ni God at ka-fellowship natin siya doon sa garden of eden, no sorrow, pain at death, lahat ay puro kasayahan.

Nakakalungkot dahil hindi ganyan ang nangyayari we experience sorrow, pain at death sa buhay natin at yan ay epekto ng pagkakasala nina adam at eve, we are separated to God at yan ang tinatawag na spitiual death the moment na nagkasala sina adam at eve ang epekto ng sin ay agad na nagkaroon ng sumpa at hindi lang damay ang tao kundi lahat ng creation ni God ay nadamay.

At sa unang book ng Bible sa Genesis 3:15 ay nagbigay na si God ng remedy o solusyon sa pagkakasala nina adam at eve at ito ay tinatawag ng mga Theologian at ng mga Bible Scholars na “Proto-Evangelium” ito ang tinatawag na “first gospel” na pagpapahayag ng salvation ni God at kay Jesus Christ.

Genesis 3:15
“And I will put enmity Between you and the woman, And between your seed and her seed; He shall bruise you on the head, And you shall bruise him on the heel."

Salvation sa power ng sin, salvation sa power ng devil, salvation sa power ng death, salvation sa eternal punishment, the work, death and resurrection of Jesus Christ, those are the focus of the salvation of God at kay Jesus Christ.

At ang mga ganyang focus (salvation sa sin, devil, death, eternal punishment, work, death & resurrection of Jesus Christ) sa pag-prepreach ng gospel ay parang nawawala na siya, dahil parang baduy, di na “in” sa panahon ngayon o kaya parang kino- condemn mo yong tao pag ganun ka naka-focus sa pag-preach o pag-share ng Gopsel.

Ang isa pang nakakalungkot kung minsan maging sa pag-papahayag mismo ng gospel sa loob ng Church o tawagin na natin na Mass ay hindi na yon nafo-focus, puro encouraging words na lang “be good about yourself”, “do good’’ pero yong focus na sinasabi ng Bible ay naiilang na itong sabihin, kaya’y maging ang hearer ay pumipili na rin kung sino ang gustong nilang pakingan at yan ay hindi nakapagtataka dahil sinabi na rin yan ng Bible sa Book of Timothy.

2 Timothy 4:3
“For the time will come when they will not endure sound doctrine; but wanting to have their ears tickled, they will accumulate for themselves teachers in accordance to their own desires”

Maging sa group ng mga “evangelical churches” o tawagin nating “born again” ay nalilihis din ang ganung focus sa preaching, ang na-uuso o nagiging trend (although di naman lahat) ay tungkol sa “prosperity” tungkol sa “financial” kaya’t naririnig nating ang pananalitang “gusto ni God na mag-prosper ka sa iyong mga finances” at me mga seminars regarding sa mga “how to be prosperous” gagamitin pa yong nakalagay sa Bible sa John 10:10.

John 10:10
"The thief comes only to steal and kill and destroy; I came that they may have life, and have it abundantly.”

kung gagamitan talaga natin ng proper exegesis at hermeneutic ang verse ng John 10:10 ay hindi siya nag-cocontext sa financial matters, pero marami ang gumagamit nyan para e-justify regarding sa “prosperity”.

Nang andito si Lord Jesus Christ, hindi siya nag-paseminar o nag-conduct ng session regarding “Be good to yourself”, ”How to become a successful businessman” “How to increase your wealth” at kung ano ano pa, maging si Apostle Paul sa kanyang mga epistles hindi gumawa ng mga ganun, bagama’t siya ay humihingi ng tulong sa ibang churches para matugunan ang pangangailangan ng ibang churches, pero minor lang sa kanya yon, ang mahalaga sa kanya ay ang kanilang spiritual condition at paglakad nila kay Lord kaya nga sa laman ng kanyang mga epistles ay may mga pag-tutuwid sa mga churches para lalo silang ma-refine sa kanilang spiritual walk.

Ang sinasabi ni Jesus Christ at ng mga Apostles ay “Repent”, “Believe in the Lord Jesus Christ and you will be save” at yon ay komo-contexsto sa focus ng Bible regarding sa salvation ng tao at kay Jesus Christ (salvation sa sin, devil, death at eternal punishment, work, death & resurrection of Jesus Christ) at ng buong sangkatauhan.

Kaya me mga tao na hindi nga nila alam o kabisado kung ano ang “gospel” akala nila basta’t nagbasa ng isang portion o text sa Bible ay gospel na yon, hindi pa yon ang gospel, kaya’t pag tayo ay na-kakarinig ng mga sharing at preaching na hindi nag-fofocus sa salvation sa sin, devil, death, eternal punishment, work, death & resurrection of Jesus Christ, hindi pa yon yong talagang gospel, nabibigyan lang ng mga Bible texts at passages para mag-mukhang talagang true gospel siya.

Hindi ko sinasabi na hindi maganda yong mga ibang topic na aside don sa focus ng Bible na naka-contexto sa Genesis 3:15 na “Proto-Evangelium” o yong “First Gospel” na ginagamitan ng mga Bible texts o passages, ang aking sinasabi ay SANA Huwag tayong malihis sa focus kung ano original na focus ni God don sa kanyang INSPIRED WRITTEN WORD.

Kaibigan sabi sa Luke 8:18a “Therefore consider carefully how you listen…”
At higit sa lahat kailangan natin ang salvation.
.
.

No comments:

Post a Comment