Thursday, November 11, 2010

Ampon ka lang?

“Ampon ka lang!” o kaya “Adopted lang siya” pag naririnig natin ang salitang ganyan sa isang pamilya, parang second class lang ang katayuan doon sa taong pinag-sasabihan, kaya pag merong mga mana na hahatiin ay laging yong ampon ang lugi pagdating sa hatian, kung minsan nawawalan pa nga siya ng kanyang parte sa mana.

At hindi lang yon ang isang ampon nga e minsan ay naaapi siya at naipapamukha pa sa kanya na siya ay isang ampon, minsan rin ay hangat maari ay ayaw na malaman na siya ay isang ampon dahil masasaktan daw ang kanyang damdamin.

Sa batas ng gobyernong romano nang panahon ng Bible ang isang “ampon” o “adopted” ay hindi ito ikinakahiya dahil ang karapatan ng isang “ampon” ay katulad din ng karapatan ng isang tunay na anak at matatawag na rin siyang “anak”

At tayong mga tao ay hindi tayo tunay na anak ng Diyos, at kung tinatawag natin ang Diyos na “Ama” ay nangangahulugang sinasabi natin na “anak” niya tayo.

Dahil ang Diyos ay isang BANAL NA DIYOS, so paano siya magiging proud na tawagin niya tayong “anak” dahil tayo ay makasalanan, hindi tayo karapat-dapat na makihalubilo sa kanya maging sa kanyang presence hindi rin tayo nababagay sa kanya.

At ang tanging paraan upang tayo ay matawag niyang “anak” at talagang matatawag nating siyang “ama” ay kinakailangan na merong pag-adopt o pag-ampon sa atin.

Maging sa legal na aspeto ay merong mga papers na dapat ayosin upang matatawag na “anak” yong taong ina-ampon at matatawag na siyang “anak” ng taong uma-ampon, at wala ng pwedeng komontra dahil legal at tangap na siya na siya ay kabilang sa pamilyang nag-ampon sa kanya.

At ang “Ampon’’ o “Pag-ampon”, ”Adopted” ay mahalaga hindi lang sa batas ng gobyerno ng romano, mahalaga rin ito sa redemptive plan ng Diyos, in other words ay ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan.

Ang salitang “Adoption” sa Greek ay huiothesia. galing sa huis = "son," at  tithemi = "to put or place" sa ibang pananalita ay “naging anak” o “itinulad sa isang anak”

Meron pag-huhukom na gagawin ang Diyos, sisingilin niya ang tao sa kanyang mga kasalanan at ang tanging makakaligtas lamang ay ang mga taong kanyang naging “Ampon” o “Adopted niya o kaya yong mga taong nagkaroon ng spirit of adoption na talagang karapat-dapat na tumawag ng Ama sa kanya.

Romans 8:15
"you have received a spirit of adoption as sons by which we cry out, 'Abba! Father!'’

At sa pagkakaroon ng spirit of adoption o ampon na siya, siya rin ay may mga privileges o blessings sa heavenly realm.

Ephesians 1:3
“Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ, who has blessed us in the heavenly realms with every spiritual blessing in Christ.”

Magkakaroon ka lang ng blessings na yon kung ikaw ay na kay Jesus Christ

Sa context ng Ephesians 1:1-14 ay nakasulat ang mga blessing o privileges “he chose us” “predestined us for adoption to sonship” “redemption through his blood” ”the forgiveness of sins” “he made known to us the mystery of his will”  “In him we were also chosen”, at yong  “you were marked in him with a seal, the promised Holy Spirit”.

Pag dumarating ang PMA Alumni sa Baguio City, hindi lang yong mga purong alumni ang member ng kanilang Class, meron silang tinatawag na “adopted member” halimbawa sa PMA Class 1978 ang kanilang adopted member ay ang dating Presidente na si Gloria Arroyo, sa Class 1976 ay si Gilbert Teodoro, sa Class 1977 ay si Senator Villar.

Maaring may advantage sa kanilang political career o position ang Class na kanilang sinalihan, maaring magandang privileges din o kaya may “blessings” din kaya pinili nila na sila ay magpa-adopt.

At sa context ng Politics natin dito sa Pilipinas, pag ikaw ay malakas sa military ay hindi ka basta basta mapapa-alis sa iyong position lalo na pag ikaw ay isang Presidente.

At sa context naman ng ating spiritual condition kung tayo ay “adopted” thru Jesus Christ, walang pwedeng mag- separate sa love ng Diyos sa atin.

Romans 8:38
And I am convinced that nothing can ever separate us from God's love. Neither death nor life, neither angels nor demons, neither our fears for today nor our worries about tomorrow--not even the powers of hell can separate us from God's love.” NLT

Kaibigan, gusto mo bang magpa-ampon o mag-pa adopt sa Diyos? o nahihiya ka dahil ampon ka lang?

Makipag-kasundo na sa Diyos at magpa-ampon na, upang maging anak niya!

John 1:12
“But as many as received Him, to them He gave the right to become children of God, even to those who believe in His name”
.

No comments:

Post a Comment