Sa muling pagbabalik ni Lord Jesus Christ merong pag-snatch na mangyayari ito ay ang tinatawag na “RAPTURE”, meron pa nga akong nabasa dati sa Philippine Daily Inquirer na me mga taong nag-aantay ng RAPTURE at kanilang ipinagbili ang kanilang mga kagamitan at nagtago na lang sa isang lugar at hinihintay ang pagdating ng event na yon.
Me mga iba’t ibang point ang mga Theologian at mga Bible Scholars, sa group ng mga tinatawag na Covenant Theology ay hindi sila naniniwala na merong rapture at sa panig naman ng mga Dispensationalist sila naman ay naniniwala na meron RAPTURE na magaganap at yan ang aking belief regarding sa subject na ito.
ANG MULING PAGBABALIK NI JESUS AY MAY DALAWANG (2) PANGYAYARI
1. Coming in the cloud/air to meet the Believers/Church - RAPTURE.
2. Coming back to earth (I will discuss this in ARMAGEDDON)
QUESTION:
Meron nga bang RAPTURE? Ito ba ay nasa Bible?
ANSWER:
ANSWER:
Ang salitang TRINITY sa Bible ay hindi mo makikita PERO hindi mo maikakaila ang kanyang katotohan na merong ganun teaching, parehas din ng salitang Rapture.
Yong term na RAPTURE ay galing sa 1 Thessalonians 4:17 na ang BUHAY na believers will be “CAUGHT UP” with the dead believers in Christ to meet the Lord Jesus Christ,
Ang greek word na ginamit ni Paul sa “caught up” ay “HARPAZO” = “TO SNATCH AWAY” nang sinulat ang Bible sa Latin ang mga scholars rendered ‘HARPAZO” as “RAPTURO” at sa english word ay “RAPTURE”
Therefore maski ang salitang RAPTURE does not appear sa english translation ng Bible yong sense ng word ay nandoon.
BIBLE TEXTS NA NAGSASABI AT ME CONNECTION ABOUT THE RAPTURE NG BELIEVERS
1 THESSALONIANS 4:16-17
“For the Lord himself will come down from heaven, with a loud command, with the voice of the archangel and with the trumpet call of God, and the dead in Christ will rise first. After that, we who are still alive and are left will be CAUGHT UP together with them in the clouds to meet the Lord in the air. And so we will be with the Lord forever.”
Sinasabi ng 1 Thes. 4:16-17 na ang Lord ay bababa mula sa heaven at ang mga namatay kay Lord ay muling babangon at ang mga buhay na believers ay ma “caught up” kasama ang mga namatay kay Christ
Ang text na ito ay yong tinatawag na “TRANSPORTATION” ang paglipat ng believers sa physical world sa heavenly world na kung saang makakasama na si Lord forever.
1 CORINTHIANS 15:51-52
“Listen, I tell you a mystery: We will not all sleep, but we will all be changed— in a flash, in the twinkling of an eye, at the last trumpet. For the trumpet will sound, the dead will be raised imperishable, and we will be changed.”
1 Corinthians 15:51-52 ay tumutukoy sa “TRANSFORMATION” ng ating physical body papunta sa glorified body na karapatdapat sa presence ng Diyos.
“Transportation” & “Transformation “ yan ang dalawang bagay na mangyayari sa RAPTURE ng believers in Christ.
QUESTION:
Bakit meron pag “snatch”, pag “caught up o “RAPTURE” sa mga believers in Christ?
ANSWER:
Revelation 3:10
“Since you have kept my command to endure patiently, I will also keep you from the hour of trial that is going to come upon the whole world to test those who live on the earth”
Merong “trial” at “testing” na mangyayari sa buong mundo at ang sense ng trial & testing na yan ay ang WRATH OF GOD, parurusahan ang mga maiiwan, magkakaroon ng pighati at paghihirap na hindi pa nararanasan at hindi na muling mararanasan pa ng mundo.
Napanood ko noon sa Araneta Coliseum ang movie na “Left Behind” at isa sa mga celebrity na kumanta ay si Gary Valenciano at kanyang kinanta ang “The warrior is a child” at siya ay nagbigay ng konting encouragement pagkatapos niyang kumanta, at ito ang kanyang sinabi “Nakikita nyo ako sa TV, concert at sa movie at ang tingin sa akin ay superstar kasi Gary Valenciano PERO katulad ko rin kayo kailangan ko si Jesus Christ sa buhay ko bilang Savior & Lord’’
Ang point ni Gary Valenciano ay even you have everything in this life if you don’t have Jesus Christ & His salvation you are nothing.
Ang nakakatawa ngunit nakakatakot sa part ng movie na “Left Behind” ay yong part na merong isang taong religious, “Blameless” sinusunod niya ang bible siya ay naiwan at siya ay nagtataka. frightening di ba?
MY FRIEND , mararapture ang tao hindi sa siya ay religious, palasimba at gumagagawa ng mabuti, kundi nagpaligtas siya kay Lord Jesus Christ!
MY FRIEND, kung dumating ang RAPTURE, kasama ka ba o maiiwan? Katulad ng mga believers sa 1 Thessalonians 4:16-17 na kasama sa rapture or katulad ka ng taong religious sa pelikulang Left Behind?
NEXT TOPIC : # 3 - RISE OF THE ANTICHRIST
.
No comments:
Post a Comment