Maging sa ating panahon ngayon maski tayo ay nasa hi-tech o nasa “Modern age” na ay di pa nawawala ang mga sinasabi nilang “himala” at ang “himalang iyan ay hindi lang yong himala na nagpakita ang isang Santo sa isang tao, kundi maging yong mga tao na me malubhang karamdaman ay gumaling na walang tulong ng anomang gamot ay kanilang kinokonsider na isang “himala”, at meron pang nagsasabi na merong “mapag-himalang tubig” o kaya “mapag-himalang panyo” o kaya kwintas at kung ano ano Pa.
In my personal experience nong ako ay bago palang sa aking “faith” sa protestant group, ako rin mismo ay nakakita ng mga sinasabi nilang mga “himala” or in biblical terms ay “signs, miracles & wonders”.
Ako ay nabigyan ng pagkakataon na maka – attend sa isang gathering na tinatawag nilang “Miracle Crusade” ng isang sikat na evangelist na galing pa sa ibang bansa & honestly I was also expecting miracles sa aking buhay na sana yong aking paningin (pagka’t mataas ang grado ng aking salamin) ay magamot.
Walang nangyaring “himala” sa bagay na gusto kung mangyari sa aking paningin, pero nakakita ako ng mga taong gumaling daw sa kanilang karamdaman at sila ay nag-bigay pa ng mga patotoo sa kanilang mga naranasan na himala, ako’y masayang masaya sa aking experience na yon, at aking pang ipinag-sabi sa aking mga ka-boardmate at kanilang sinasabi na “baka di naman totoo yong mga ganung himala ” pero ang reason ko sa kanila “kung sakaling di totoo yon sa susunod di na ako pupunta, at kung totoo naman yon ay hindi ko na-miss ang pag-papala ng Diyos”
Meron nga bang himala at ito ba talaga ay galing sa Diyos? Hindi tayo talaga nakakatiyak kung talagang yong mga nangyayaring himala ngayon ay tunay at galing sa Diyos maliban kung ating titignan at pag-aaralan kung ano ang sinasabi ng Bible pagka’t ang Bible ay sapat upang malaman natin kung ano ang totoo.
2 Timothy 3:16 - “All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness”.
Sineryoso ko yong sinabi nila na “baka di naman totoo yong mga ganung himala” I begin to study deeply kung ano ang sinasabi ng Bible regarding sa “himala” or yong“signs & wonders” wala akong time na pumasok sa isang Bible school kaya kailangan kung bumili ng mga theology books at makinig ng mga sermons regarding sa ganung topic at pag-aralan siya in proper exegesis & hermeneutics higit sa lahat yong prayer for guidance.
OLD TESTAMENT
A – Merong himala o kaya yong “signs & wonders na nangyayari at ito’y ginagawa mismo ng Panginoong Diyos, katulad ng paghati sa dagat nong hinahabol ng mga egipto ang mga Istraelita sa wilderness.
B – Merong himala na ginawa ang mga Propeta ng Diyos, katulad ng ginawa nina Propeta Elijah & Elisha, pinagaling sa sakit na ketong ang isang heneral, binuhay ang isang bata, nag-pababa ng apoy mula sa langit at marami pang iba.
C – Hindi lahat ng Propeta ng Diyos ay gumawa ng himala, pero hindi ito nangangahulugan na sila ay hindi isinugo, ang kanilang mensahe na kanilang ipinapahayag ang siyang nag-papatotoo sa kanilang sinasabi pagka’t lahat ng kanilang sinabi ay nag-katotoo.
NEW TESTAMENT
A – Gumawa ng himala si Lord Jesus Christ, nag-pagaling siya ng ibat ibang uri ng sakit at mga iba pang himala, katulad ng pag-lakad sa ibabaw ng tubig, mag-pakain ng napakaming tao sa pamamagitan ng kaunting tinapay at isda, pag-bubuhay ng patay atbp.
B – Gumawa rin ng himala ang mga Disciples, nag-pagaling din ng mga may sakit.
C – Sa Aklat ng ACTS makikita rin natin ang himala na ginawa ni Apostle Peter na madaanan lang ng kanyang anino ang mga me sakit ay gumagaling na sila, ang pag-buhay niya ng patay, at si Apostle Paul na bumuhay din ng patay, at maski mag-padala siya ng panyo ay gumagaling ang mga me sakit.
Nangyari ang mga ibat ibang tunay na himala para ipakita
(1) Na yong gumagawa ng himala ay tunay at talagang isinugo ng Panginoong Diyos.
(2) Ito’y tanda ng isang tunay na Propeta o Apostol na isinugo ng Panginoong Diyos.
(3) Para ipakita kung ano ang uri ng Kingdom meron si Lord Jesus Christ.
(4) Para ipakita ang Deity ni Lord Jesus Christ.
Ang mga “himalang” nangyayari ngayon ito ba’y galing sa Diyos? isinulat na sa Bible ang purpose ng “himala” o ang “signs & wonders” , HINDI na natin kailangan ang mga “himala” upang tayo ay maniwala o manampalataya sa Diyos, sapat na mismo ang kanyang salita upang siya ay ating paniwalaan, God can still performs signs, miracles & wonders, pero sa aking conviction hindi na yon ang kanyang normal way na katulad ng naka-record sa Bible, mas gusto pa niya na sa KANYANG SALITA tayo humawak.
PSALMS 119:105 - “Thy word is a lamp unto my feet, and a light unto my path.”
NAGBIGAY NG WARNING ANG BIBLE sa mga “Miracles, Signs & Wonders” na ito ay gagamitin ng evil one (satan)
2 Thessalonians 2:9 - “The coming of the lawless one will be in accordance with the work of Satan displayed in all kinds of counterfeit miracles, signs and wonders”
At baka sa mga pag-papaniwala natin sa mga “himala” tayo na ay nadadaya at ang ating FAITH ay nakasandal sa mga “himala” at hindi sa Salita ng Panginoong Diyos.
SA KABILANG BANDA ako’y naniniwala na ang pinakadakilang himala na ginawa ng Diyos at sa aking conviction na ito’y mag-papatuloy hanggang sa dumating na ang ganap na pag-hahari ng Diyos, AY ANG PATULOY NA PAGLILIGTAS NG PANGINOONG DIYOS SA SANGKATAUHAN.
Gusto mo bang mag-karoon ng “himala” sa iyong buhay?
Romans 10:9 – “That if you confess with your mouth, "Jesus is Lord," and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved”
2 Corinthians 5:17 – “Therefore, IF ANYONE IS IN CHRIST, he is a NEW CREATION; the old has gone, the new has come!”

No comments:
Post a Comment