Wednesday, February 16, 2011

Ang ating sarili

“….but the body is weak." – Matthew 26:41

 
Bago sumabak sa isang labanan at gaano man katapang ang isang mandirigma, ay mayroong siyang motivation sa kanyang sarili o magmo-motivate sa kanya upang makondisyon ang kanyang isipan at ang kanyang puso at siya ay handa sa labanang mangyayari.

At ang layunin ng mga motivation na yan ay upang madaig o ma-conquer niya ang kanyang sarili at hindi siya magkaroon ng takot o kaba.

Sabi nga nila mahirap daw pag ikaw ay nadaig ng iyong sarili dahil ikaw ay panghihinaan ng loob, katulad ng mga nangyari sa mga judio ng sila ay makikipaglaban sa mga palisteno na ang pangunahin nilang mandirigma ay si Goliath, isang higante at napakatapang na mandirigma.

Natakot sila sa kanya, kaya’t walang nagtangkang lumaban sa kanya hangang sa dumating si David na naniwala at may pananampalataya sa Diyos at syempre naniwala at nacon-conquer niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang mga karanasan sa mga pagtatangol sa kanyang mga tupa pag merong leon na sisila o dadakma sa kanila.

Ito ang pangatlo at huling kaaway ng ating kristiyanong pananampalataya ANG ATING SARILI MISMO, dahil sa tayo ay nabahiran ng kasalanan sa pag-bagsak nina adan at eba, tayo ay nasa control o kapangyarihan ng kasalanan at ang mga gawa ng kasalanan ay nanalaytay mismo sa ating sarili, kaya’t nagkakaroon tayo ng pride, envy, wickedness at iba pa na hindi gusto ng Diyos.

Syempre ang diablo ay tinutukso tayo, ginagamit niya ang mga bagay na andito sa mundong kinalalagyan natin, at sa kanyang pagtukso niya ay kanyang binubuhay o nakakakonekta siya sa atin dahil sa kasalanan na nakakabit sa atin.

Sa kabila ng pag-tempt ng diablo, tayo rin ay natutukso DAHIL DIN SA ATING EVIL DESIRES

James 1:14 – “but each one is tempted when, by his own evil desire, he is dragged away and enticed”

“Own evil desires” kailangan natin itong ma-conquer dahil nakakabit mismo sa ating sarili, sa ibang pananalita salita ang ating sarili ay ating daigin upang hindi tayo makontrol ng kasalanan.

Matthew 4:5,6 - “Then the devil took him to the holy city and had him stand on the highest point of the temple. “If you are the Son of God,” he said, “throw yourself down. For it is written: “‘He will command his angels concerning you, and they will lift you up in their hands, so that you will not strike your foot against a stone”

Sinabi ng diablo ang “If you are the Son of God,” at ang kanyang pagsasabi kay Lord Jesus Christ ng ganung ay isang pagtutuya at isang deception para kay Lord Jesus Christ yon.

Totoo na si Lord Jesus Christ ay “...Son of God” at kaya niya kung ano ang gusto niyang gawin, at kaya niyang gawin ang sinasabi ng diablo na “throw yourself down. For it is written: “‘He will command his angels concerning you, and they will lift you up in their hands, so that you will not strike your foot against a stone”.

Pero tinangihan niya yon dahil isang pagbaluktot sa Scriptures ang sinasabi ng diablo. At pag ginawa rin niya yon ay isang pagbagsak sa tukso ng diablo at higit sa lahat iyon ay pagpapakita ng pagmamataas sa kanyang part bilang isang Son of God.

Maaring ikaw ay magtanong kung bakit si Lord Jesus Christ ay natukso ng diablo samantalang siya ay Diyos, si Lord Jesus ay may dalawang nature yong divine side at human side, at ang human side ang tinukso ng diablo dahil alam niya na hindi niya matutukso ang divine side.

At napaglabanan ni Lord Jesus Christ ang tukso ng diablo, hindi siya nagpatalo sa human side niya, syempre sinless naman talaga si Lord Jesus Christ, pero kanyang ipinapakita sa atin na kailangan natin daigin at pagtagumpayan ang ating sarili.

At madadaig natin at mapagtatagumpayan ang ating sarili kung tayo ay lalakad sa spiritu, so ano ba yong paglakad sa spiritu?

Galatians 5:16 – “...you will not gratify the desires of the sinful nature”

Ano yong desires of the sinful nature?

Galatians 5:19-21 – “The acts of the sinful nature are obvious: sexual immorality, impurity and debauchery; idolatry and witchcraft; hatred, discord, jealousy, fits of rage, selfish ambition, dissensions, factions and envy; drunkenness, orgies”

Ilan lamang yan kung tutuusin ang sinful nature na meron tayo. May kahirapan talaga na labanan ang sinful nature, kaya’t kailangan ng disiplina sa ating sarili ng sa ganun ay mapaglabanan at ma-conquer natin ang mga sinful nature.

At mayroong pa sigurong isa pang paraan upang malabanan at ma-conquer natin ang ating sarili (syempre andyan si Lord) pero meron siyang sinabi.

Matthew 26:41 – “"Watch and pray so that you will not fall into temptation. The spirit is willing, but the body is weak."

“…the body is weak” kaya’t kailangan labanan sa panalangin at maging mapagbantay, lalo na sa ating sarili.

Kumusta ba ang ating sarili, tayo ba ay control at ang malimit na lumalabas ay ang ating sinful nature? O tayo nga ba ay lumalakad sa spirit?

Alin man sa dalawang iyon, kailangan natin suriin ang ating sarili.

God Bless!

No comments:

Post a Comment