Tuesday, February 15, 2011

Ang Diablo

“Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour” – 1Peter 5:8

Sa pagsilang natin sa mundong ito ay mayroon at meron tayong makaka-away, at wala pa naman sigurong tao na nang magmula ng siya ay isilang ay wala pa siyang naka-alitan o naka-away.

At kung tayo ay tunay na nananampalataya o may Faith sa Diyos ay mayroong tayong kaaway o kalaban ng ating Faith ito ay ang Diablo, ang Sanlibutan (World system) at ang ating sarili mismo.

Pag-usapan muna natin ang Diablo, sino nga ba siya?

Siya ay ipinakikila sa Bible katulad ng old serpent, ang dragon, manunukso at angel of light at iba pa.

Siya ay isa sa mga angel ng Diyos, tinatawag siya dati bago siya magkasala na “annointed cherub” at perfect siya hanggang sa siya ay magkaroon ng kasalanan at ang kasalanan na yon ay ang pagiging mapagmataas o pride, at yon ang dahilan ng kanyang pagbagsak.

Siya ay laging sumasalungat sa mga plano ng Diyos, at kanyang sinira ang magandang relasyon sa pagitan ng Diyos at nang kanyang mga nilikha lalo na sa atin na mga tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.

Kanyang naitanim ang kamandag ng kasalanan sa atin, at yon ang dahilan kung bakit may mga paghihirap na nangyayari sa ating mga buhay at ating pagsalungat sa mga kautusan ng Diyos kaya’y tayo ay nag-kakaroon ng kaparusahan sa Diyos.

Siya ay mananatiling kaaway ng ating Faith, he will always test us and lead us to destruction, siya ay parang leon na naghahanap ng masisila o madadakma, gusto niya tayong ipahiya sa harap ng Diyos.

Sa Bible Si Lord Jesus Christ ay kanyang tinukso at sinubukan niya na pabagsakin pero hindi siya nagtagumpay, bagama’t hindi siya nagtagumpay siya pa rin ay patuloy na mag-tetest at magpipilit na masira ang tao.

Sa kanyang pagtukso kay Lord Jesus Christ ay makikita natin kung paano nilabanan ni Lord Jesus Christ ang Diablo, gumamit ang Diablo ng Bible o Scriptures pero ang kanyang pag-kakagamit ay mali, gumamit din si Lord Jesus Christ ng Scriptures at tama ang kanyang pag-kakagamit.

Nakita natin na napakahalaga ng Scriptures sa pakikipaglaban sa diablo, syempre hindi tayo tutuksuhin ng Diablo ng personal katulad ng pagtukso nya kay Lord Jesus Christ, kundi gagamitin niya ang kanyang mga alagad na fallen angels at sila ang kikilos upang tayo ay etest at linlangin.

Kaya’t kinakailangan na tayo ay mayroong discernment o kaya ay alam natin ang kilos ng diablo sa ating buhay, WE CAN ONLY DISCERN AND KNOW THE PLANS AND WILES OF THE DEVIL IF WE KNOW THE SCRIPTURES.

Huwag nating maliitin ang Diablo pagka’t maari siyang makapaminsala sa atin ng physical lalo na sa ating spiritual life, at pag nangyayari yon ay para rin niyang nililibak o kinakatiyawan ang Diyos.

Alam ng Diablo ang Bible o Scriptures from cover to cover, ngunit ito’y kanyang binabaluktot at ang kanyang pagbabaluktot ay napakahusay na counterfeit, hinding hindi mo basta makikita ang kamalian parang yong hayop na chameleon na humahalo o nag-aadapt ang kulay sa kanyang katabi.

Kaibigan, baka nalinlang o nadadaya ka na ng counterfeit at wiles ng diablo o ng kanyang mga kasama, dahil hindi mo alam ang Bible?

Me panahon pa para siya ay labanan, pick up your Bible at basahin at tignan kung ano ang sinasabi ng Diyos at makaiwas sa counterfeit at wiles ng Diablo.

Ephesians 6:17 – “And take…the sword of the Spirit, which is the word (Bible) of God”

God Bless!

No comments:

Post a Comment