Wednesday, February 16, 2011

Ang Sanlibutan

“Do not love the world or anything in the world. If anyone loves the world, the love of the Father is not in him” – 1 John 2:15

Magandang mga tanawin, mga malalaking malls, mga kagamitan na hi-tech, mga magagandang damit, pagkaing masasarap, mga kotse at mga bahay na naglalakihan, mga gimikan na pinupuntahan ng mga kabataan at mga position sa mga matataas na company.

Ilan lamang yan sa mga andito sa mundong ating kinalalagyan na nag-aalok ng mga magaganda sa ating buhay, at pag nagkaroon ka ng mga ganun ay parang you have everything in your life.

At ang mga nandito sa mundong ito ang mga bagay at ang kanyang sistema ay ito ang pangalawang kaaway ng ating Faith o pananampalatayang kristiyano, kung ito ay sumasalungat at nakababara sa ating buhay kristiyano.

Ang diablo ng kanyang tinukso si Lord Jesus Christ ay kanyang ipinakita ang mga kaharian at ang mga karangyaan o spendor na andito sa mundo.

Matthew 4:8,9 – “Again, the devil took him to a very high mountain and showed him all the kingdoms of the world and their splendor. “All this I will give you,” he said, “if you will bow down and worship me”

Bakit ipinakita ng diablo ang mga ganung bagay kay Lord Jesus Christ?

Syempre para sumamba o mag-worship siya sa diablo, pero hindi lang yon ipinakita ng diablo para ma-worship siya, kanya ring ipinakita yon upang linlangin si Lord Jesus ng mga bagay na andito sa mundong ito.

Pero hindi iyon nangyari dahil alam ni Lord Jesus Christ na ang mga bagay na yon ay pangsamantala lamang at kanya ring nasabi sa John 18:36 “My Kingdom is not of this world” alam niya kung saan siya naka-lugar.

Tunay nga naman na maganda ang magkaroon ng mga bagay na nandirito sa mundong ito hindi lang dahil sa you have everything in this life na aking nauna nang sinabi, kundi you have also the power & fame in this world.

Ang mundong ito o ang world system ay kalaban ng ating Faith o pananampalataya dahil tayo ay kanyang ilalayo sa ating relasyon sa Diyos, at kung hindi tayo maingat tayo ay malalason ng sistema at ng kanyang mga bagay na iniaalok.

Kung ating titignan ang mga billboards o mga poster lalo na sa mga city ay makakakita tayo ng mga ungodliness, may mga bagay na hindi dapat inilalagay sa mga poster na nagkakaroon ng double meaning kung tawagin, katulad dati ng isang brand ng alak na may salitang “Nakatikim ka na ba ng kinse anyos?”

Minsan sa mga advertisement ng alak o battery ng sasakyan na me model ng isang babaing nakabikini na kung tutuusin ay wala naman kinalaman doon sa brand na iniendorso, pero parang balewala lang dahil daw sa moderno na ang panahon.

Sa mga sasakyan lamang o cellphone paiba-iba ang mga modelo dahil sa mabilis daw ang technology, kaya nga kung ako ay nagpupunta sa mall ay nakakakita ng mga taong tumitingin nag-tratry sa mga gadgets na yan at parang sinasabing “balang araw magkakaroon din ako ng ganito”.

Lagi kung sinasabi na hindi masama ang magkaroon ng mga ganung bagay, material man o position sa mundong ito, pero kung ito ay nakakasira nang ating focus at nakakalimutan natin kung saan dapat tayo dapat mag-focus ay masama na yon.

At ang diablo ay nagbibigay ng aliw sa pamamagitan ng mga andirito sa mundo, mga karanyaan o splendor, kanyang kinikuha ang isipan at damdamin ng tao, maging sa mga panoorin lalo na sa mga cartoons na napapanood ng mga bata ay merong deception.

Sa mga batang may edad na ay andyan ang mga computer games na nagpapakita ng karahasan at kapangyarihan, at sa mga accessories sa ating mga katawan andyan ang mga mamahaling kagamitan na pag suot suot mo ang mga yon ay ikaw ang bida at para kang tinitingala sa alta syudad ng ating mundo.

Pag tayo ay nadaya ng world system alam man natin o hindi tayo ay nag-woworship na sa kanyang sistema at sa ibang pananalita we are also worshiping the devil.

So ano ang ating gagawin?

Matthew 4:10 – “Jesus said to him, “Away from me, Satan! For it is written: ‘Worship the Lord your God, and serve him only”

Self explanatory naman ang text ng Matthew 4:10 ‘…Worship the Lord your God, and serve him only” at kung ating pasimplehin ay FOCUS sa Diyos at huwag malinlang sa mga nandirito sa mundong ito!

Kaibigan, maaring ikaw o tayo ay nalilinlang na o nalinlang na, may panahon pa balikan natin ang Diyos kung saan point natin siya iniwan at nandiyan naman siya lagi na nag-aantay sa atin, katulad ng isang amang nag-hihintay sa kanyang anak na nawalay sa kanya.


God Bless!

No comments:

Post a Comment