
Ang mga contractors pag sila ay gagawa ng isang construction project lalo na sa government agency ay merong tinatawag na “contract of agreement” na nag-aagree ang contractor sa napagkasunduan na amount ng project at lalong lalo na sa duration ng pag-gawa ng project.
At kung sakaling mayroong pag-labag na ginawa sa contract of agreement ay mayroong kaukulang penalty o parusa na matatangap sa lumabag sa contract, lalo na sa part ng mga contractor kaya maingat na sinusunod ang mga nakalagay sa contract of agreement.
Maging sa isang kasalan o wedding ay lalong napaka-sagrado ang “contract” ng marriage at hindi lang sa context ng legalidad, kundi sa mata ng Diyos ay sagrado, sapagka’t pinag-iisa niya ang dalawang tao, at sa mga ikinakasal ay nababangit ang salitang “Till death do us part”, sad to say madaling nabre-break ang marriage sa mga iba’t ibang kadahilanan, at nabahiran ang contract ng kanilang marriage, at masasabi rin natin sa mas malalim na pananalita na ang contract ay isang covenant between two human beings in the context sa kanilang relationship bilang mag-asawa na.
Sa Bible merong iba’t ibang covenant na ginawa ang Diyos, at siya mismo ang nagpasimula noon magmula kay Adam & Eve, kay Noah na hindi na niya lilipulin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng tubig, kay Abraham na kanyang sinabi na siya ay pag-papalain at gagawin siyang pagpapala, kay Moses, kay David, kay Solomon at sa mga iba pang notable character sa Bible.
Sa mga pumasok sa covenant ng Diyos, ang iba sa kanila ay merong mga nagawang paglabag, kanilang na-violate ang nilalaman ng covenant ng Diyos sa kanila, kaya’t merong mga hindi magandang nangyari sa kanila bilang penalty sa kanilang pag-labag sa covenant.
Ngayon IF WE BELONG TO CHRIST, tayo ay nakapaloob sa covenant ng Diyos, sabi ng book of Galatians 3:29a na “And if you belong to Christ, then you are Abraham's descendants…”
We are “…Abraham’s descendants…”, therefore kasali tayo sa covenant ng Diyos, at hindi lang yon kundi kasali rin tayo sa promise ng Diyos, Galatians 3:29b – “…heirs according to promise”
So tayo ay under sa covenant ng Diyos at merong promise na nakalaan hindi lang doon sa eternity, maging sa buhay natin dito, pero yong promise na yan na nakalaan sa buhay na ito ay kailangan pag-hirapan o mag – strive tayo upang marating at makuha natin yon.
Maaring itanong mo “Bakit ganun ba’t kailangan pang mag-hirap o mag-strive ba’t di na lang ibigay ng Diyos o kaya wala ng pag-hirap na mangyayari?”.
Tandaan natin na tayo ay may kasalanan at ang isa sa bunga ng kasalanan ay pahihirap we struggle, we strive, we do our best at diyan pina-padaan ng Diyos ang pagpapala o yong promise niya sa atin.
Maging ang Israel o mga Jews na chosen people of God bago nila narating o nakuha ang promise land sila ay nakipaglaban at minsan ay nabigo rin dahil sa kanilang pag-labag, hindi nila iyon basta basta nakuha, hindi sila dumating sa lugar na yon na ready ng tirhan, kundi merong mga nakatira at kailangan nila itong talunin at palayasin upang sila ang tumira at makinabang sa lupain.
Sa buhay ng tao, at sa ating buhay mismo, gaano man ito kaganda at kaluwag ay meron laging pagkakataon na merong mga struggles at difficulties na mangyayari o kaya parang naging idle ang takbo ng buhay, tayo ay napapag-isip kung bakit nangyayari ang ganito, at sa mga ganyang mga situation where is the promise of God? Yong mga nakasulat sa Bible mga nag-gagandahang pangako parang hindi nagma- manifest.
YES! There are times na may ganyan, and to be honest nararanasan ko rin yan, at sometimes I ask God “WHY?”
Pero dapat nating isipin at laging isa-isip na pag tayo ay nakapaloob sa covenant at promise ng Diyos ay hindi niya tayo pababayaan, we commit sins, we disgrace His holiness, we violate the covenant at merong parusa na mangyayari sa atin at talagang painful, pero yong point na siya mismo ang bibitaw o magpapabaya sa kanyang covenant at promise ay hindi pwede mangyari yon.
Bakit hindi pwedeng bumitaw o magpabaya ang Diyos sa kanyang covenant at promise? to be practical, alam naman ng Diyos na tayo ay imperfect at talagang we can violate him, although hindi yan reason upang hindi niya tayo parusahan pag tayo ay nagkasala.
Hindi siya pwedeng bumitaw sa kanyang covenant at promise dahil He cannot deny himself at siya ay hindi katulad natin na pabago bago ang isip.
2 Timothy 2:13 – “If we are faithless, He remains faithful, for He cannot deny Himself.”
Numbers 23:19 – “God is not a man, that he should lie, nor a son of man, that he should change his mind. Does he speak and then not act? Does he promise and not fulfill?”
Kung anoman ang ating situation, maybe we are in the hardship, struggles and difficulties at tayo ay nag hahanap ng kasagutan at parang we don’t see the promises ng Diyos na base sa kanyang covenant, ang Diyos ay andiyan maaring di natin siya nararamdaman o nase-sense, pero definitely He is there to assist us and help and fulfill his covenant at ibigay ang promise at maari ring hindi sa buhay na ito makuha yong promise, kundi doon na sa eternity with God.
At kung sakaling talagang pinag-papala tayo ng Diyos sa ating buhay ay ibalik natin ang papuri at pasasalamat sa kanya pagka’t siya ay nalulugod at nagagalak na siya ay nabibigyan ng honor and glory sa mga taong ka-covenant niya.
Philippians 1:6 – “Being confident of this, that he who began a good work in you will carry it on to completion until the day of Christ Jesus.”
God bless!
No comments:
Post a Comment