Tuesday, February 1, 2011

Let's Party!

Maraming iba’t ibang mga kasayahan o party, me Birthday party, Halloween party, Graduation ball party, at kung ano ano pang uri ng party na naiimbento ng tao.

Sa ating mga pinoy lalong lalo na sa mga kabataan ang party ay tinatawag na “Gimik” at pag sinabing “Gimik tayo” isang way din ng pag-sasabing “Magsaya tayo”.

At ang context (Pero hindi naman lahat) ng “Gimik” ay sa isang disco o bar na may mga sayawan at mga inuman, kaya’t yong mga ibang bar ay mayroong mga events na ginagawa pang-attract sa mga customer.

Andyan yong mga live band na mga sikat ang kumakanta o kaya sa mga drinks naman at sa pulutan sila magbibigay ng mga promo.

At nasubukan ko rin noon na pumasok sa mga gimikan na yan, katulad ng Club Dredd, Padis Point at Temple Bar sa may Greenbelt 2, although halos pareho ang trend, pero sa panahon ngayon ay mas grabe kung ikumpara sa panahon noon nang ako pa ay nagpupunta sa ganun.

At sa mga events na ginagawa ng mga gimikan ngayon ay bulgaran na, sa mga theme pa lang ay ipinapa-alam na ka-agad ang context ng event me mga “Ladies Night”, Bachelor’s Night, “Wet and Wild Party” o kaya magho-host ng isang pageant na ang title ay “Bikini open” ilan lamang yan sa theme ng mga gimikan ngayon na madalas puntahan ng mga mahilig gumimik.

At sa mga gimikan na ganyan ay maraming nangyayaring kababalaghan o mga bagay na pwedeng mangyari kung hindi nag-iingat, at pag tayo ay andoon sa mga ganun gimikan ay parang nasa isang bitag na ang isa nating paa, at we have the tendency to give in sa mga temptation na andoon.

Music na nagbibigay ng buhay sa ating katawang lupa. wild dancing na puro giling, kembot, mga moves na nang-aakit at halos magyayakapan na at drinks na kung minsan nagbibigay ng maling takbo ng isipan at sabi ng iba e “Pangpalakas ng loob” show ng event na lalong mag-papainit at kasama pa ang tropa o kaya pag sa lalaki ka-gimik yong type na girl at sa babae ganun din kung kagimik yong type na lalaki, masasabi ko na yan ay isang anatomy of seduction upang tayo ay mahulog sa temptation.

To be specific sa mga gimikan na ganyan ang pinaka main result niyan pag nahulog sa temptation ay mapupunta sa lust of the flesh or sexual sin kung saan grievous sa paningin ng Diyos, at isa sa way na maka- acquire ng sexual sin ay nagmumula din sa ganyang uri ng gimikan o party.

At kung titignan natin sa Bible ay mabibigat ang parusang ibinibigay ng Diyos sa pagkakasalang ganyan, katulad ni King David namatay ang sanggol niyang anak, nahati ang kanyang kingdom at nagrebelde ang kanyang anak laban sa kanya.

Maging sa description ng Scriptures mismo ay mabibigat din ang sinasabi sa ganyang kasalanan.

1 Corinthians 6:9 – “Or do you not know that the unrighteous will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived; neither fornicators, nor idolaters, nor adulterers, nor effeminate, nor homosexuals”

1 Corinthians 6:18 – “…but he who sins sexually sins against his own body”

Party, gimik, masaya dahil merong bonding na nangyayari sa mga magkakaibigan na lalong mag-papatibay rin sa samahan, at kung sa party o gimik na pinuntahan ay makakakilala ka pa nga ng mga bagong kaibigan.

Pero kung ang party o gimikan na napupuntahan o pinupuntahan ay hindi kaaya-aya na nagreresulta sa kasalanan maging sa isipan o actual na mangyayari ay hindi na maganda.

Masasabi natin na tayo ay nasa hustong edad na at we can do anything at pwede ng pumunta sa mga ganung party at gimikan, pero may pa-alala din ang Scriptures.

1 Corinthians 10:23a – “You say, "I am allowed to do anything"--but not everything is good for you...” (New Living Translation)

Sa perspective ng mga mahilig sa ganung party o gimikan na nagbibigay ng lust of the flesh ay masarap at haping hapi ang pakiramdam, they have the drinks, girls & everything they want that party night at mag-kwekwentohan pa kung sino sino yong mga nakagimik at kung meron pang nangyari ay talagang solve na solve sila.

Pero ang di nila alam hindi iyon nakakabuti sa kanila dahil merong itong spiritual value, remember we are created in the image of God, at kung nadadala ang image na yon sa mga ganung party o situation nababahiran ang holiness ni God, kaya’t dapat tayong mag-ingat, dahil me kaukulang parusang nakalaan.

Galatians 6:7 – “Do not be deceived: God cannot be mocked. A man reaps what he sows”

Kaibigan, let's party!...yes!

1 Corinthians 10:31 - “So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God”
God Bless!

No comments:

Post a Comment