Wednesday, February 16, 2011

Ang ating sarili

“….but the body is weak." – Matthew 26:41

 
Bago sumabak sa isang labanan at gaano man katapang ang isang mandirigma, ay mayroong siyang motivation sa kanyang sarili o magmo-motivate sa kanya upang makondisyon ang kanyang isipan at ang kanyang puso at siya ay handa sa labanang mangyayari.

At ang layunin ng mga motivation na yan ay upang madaig o ma-conquer niya ang kanyang sarili at hindi siya magkaroon ng takot o kaba.

Sabi nga nila mahirap daw pag ikaw ay nadaig ng iyong sarili dahil ikaw ay panghihinaan ng loob, katulad ng mga nangyari sa mga judio ng sila ay makikipaglaban sa mga palisteno na ang pangunahin nilang mandirigma ay si Goliath, isang higante at napakatapang na mandirigma.

Natakot sila sa kanya, kaya’t walang nagtangkang lumaban sa kanya hangang sa dumating si David na naniwala at may pananampalataya sa Diyos at syempre naniwala at nacon-conquer niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang mga karanasan sa mga pagtatangol sa kanyang mga tupa pag merong leon na sisila o dadakma sa kanila.

Ito ang pangatlo at huling kaaway ng ating kristiyanong pananampalataya ANG ATING SARILI MISMO, dahil sa tayo ay nabahiran ng kasalanan sa pag-bagsak nina adan at eba, tayo ay nasa control o kapangyarihan ng kasalanan at ang mga gawa ng kasalanan ay nanalaytay mismo sa ating sarili, kaya’t nagkakaroon tayo ng pride, envy, wickedness at iba pa na hindi gusto ng Diyos.

Syempre ang diablo ay tinutukso tayo, ginagamit niya ang mga bagay na andito sa mundong kinalalagyan natin, at sa kanyang pagtukso niya ay kanyang binubuhay o nakakakonekta siya sa atin dahil sa kasalanan na nakakabit sa atin.

Sa kabila ng pag-tempt ng diablo, tayo rin ay natutukso DAHIL DIN SA ATING EVIL DESIRES

James 1:14 – “but each one is tempted when, by his own evil desire, he is dragged away and enticed”

“Own evil desires” kailangan natin itong ma-conquer dahil nakakabit mismo sa ating sarili, sa ibang pananalita salita ang ating sarili ay ating daigin upang hindi tayo makontrol ng kasalanan.

Matthew 4:5,6 - “Then the devil took him to the holy city and had him stand on the highest point of the temple. “If you are the Son of God,” he said, “throw yourself down. For it is written: “‘He will command his angels concerning you, and they will lift you up in their hands, so that you will not strike your foot against a stone”

Sinabi ng diablo ang “If you are the Son of God,” at ang kanyang pagsasabi kay Lord Jesus Christ ng ganung ay isang pagtutuya at isang deception para kay Lord Jesus Christ yon.

Totoo na si Lord Jesus Christ ay “...Son of God” at kaya niya kung ano ang gusto niyang gawin, at kaya niyang gawin ang sinasabi ng diablo na “throw yourself down. For it is written: “‘He will command his angels concerning you, and they will lift you up in their hands, so that you will not strike your foot against a stone”.

Pero tinangihan niya yon dahil isang pagbaluktot sa Scriptures ang sinasabi ng diablo. At pag ginawa rin niya yon ay isang pagbagsak sa tukso ng diablo at higit sa lahat iyon ay pagpapakita ng pagmamataas sa kanyang part bilang isang Son of God.

Maaring ikaw ay magtanong kung bakit si Lord Jesus Christ ay natukso ng diablo samantalang siya ay Diyos, si Lord Jesus ay may dalawang nature yong divine side at human side, at ang human side ang tinukso ng diablo dahil alam niya na hindi niya matutukso ang divine side.

At napaglabanan ni Lord Jesus Christ ang tukso ng diablo, hindi siya nagpatalo sa human side niya, syempre sinless naman talaga si Lord Jesus Christ, pero kanyang ipinapakita sa atin na kailangan natin daigin at pagtagumpayan ang ating sarili.

At madadaig natin at mapagtatagumpayan ang ating sarili kung tayo ay lalakad sa spiritu, so ano ba yong paglakad sa spiritu?

Galatians 5:16 – “...you will not gratify the desires of the sinful nature”

Ano yong desires of the sinful nature?

Galatians 5:19-21 – “The acts of the sinful nature are obvious: sexual immorality, impurity and debauchery; idolatry and witchcraft; hatred, discord, jealousy, fits of rage, selfish ambition, dissensions, factions and envy; drunkenness, orgies”

Ilan lamang yan kung tutuusin ang sinful nature na meron tayo. May kahirapan talaga na labanan ang sinful nature, kaya’t kailangan ng disiplina sa ating sarili ng sa ganun ay mapaglabanan at ma-conquer natin ang mga sinful nature.

At mayroong pa sigurong isa pang paraan upang malabanan at ma-conquer natin ang ating sarili (syempre andyan si Lord) pero meron siyang sinabi.

Matthew 26:41 – “"Watch and pray so that you will not fall into temptation. The spirit is willing, but the body is weak."

“…the body is weak” kaya’t kailangan labanan sa panalangin at maging mapagbantay, lalo na sa ating sarili.

Kumusta ba ang ating sarili, tayo ba ay control at ang malimit na lumalabas ay ang ating sinful nature? O tayo nga ba ay lumalakad sa spirit?

Alin man sa dalawang iyon, kailangan natin suriin ang ating sarili.

God Bless!

Ang Sanlibutan

“Do not love the world or anything in the world. If anyone loves the world, the love of the Father is not in him” – 1 John 2:15

Magandang mga tanawin, mga malalaking malls, mga kagamitan na hi-tech, mga magagandang damit, pagkaing masasarap, mga kotse at mga bahay na naglalakihan, mga gimikan na pinupuntahan ng mga kabataan at mga position sa mga matataas na company.

Ilan lamang yan sa mga andito sa mundong ating kinalalagyan na nag-aalok ng mga magaganda sa ating buhay, at pag nagkaroon ka ng mga ganun ay parang you have everything in your life.

At ang mga nandito sa mundong ito ang mga bagay at ang kanyang sistema ay ito ang pangalawang kaaway ng ating Faith o pananampalatayang kristiyano, kung ito ay sumasalungat at nakababara sa ating buhay kristiyano.

Ang diablo ng kanyang tinukso si Lord Jesus Christ ay kanyang ipinakita ang mga kaharian at ang mga karangyaan o spendor na andito sa mundo.

Matthew 4:8,9 – “Again, the devil took him to a very high mountain and showed him all the kingdoms of the world and their splendor. “All this I will give you,” he said, “if you will bow down and worship me”

Bakit ipinakita ng diablo ang mga ganung bagay kay Lord Jesus Christ?

Syempre para sumamba o mag-worship siya sa diablo, pero hindi lang yon ipinakita ng diablo para ma-worship siya, kanya ring ipinakita yon upang linlangin si Lord Jesus ng mga bagay na andito sa mundong ito.

Pero hindi iyon nangyari dahil alam ni Lord Jesus Christ na ang mga bagay na yon ay pangsamantala lamang at kanya ring nasabi sa John 18:36 “My Kingdom is not of this world” alam niya kung saan siya naka-lugar.

Tunay nga naman na maganda ang magkaroon ng mga bagay na nandirito sa mundong ito hindi lang dahil sa you have everything in this life na aking nauna nang sinabi, kundi you have also the power & fame in this world.

Ang mundong ito o ang world system ay kalaban ng ating Faith o pananampalataya dahil tayo ay kanyang ilalayo sa ating relasyon sa Diyos, at kung hindi tayo maingat tayo ay malalason ng sistema at ng kanyang mga bagay na iniaalok.

Kung ating titignan ang mga billboards o mga poster lalo na sa mga city ay makakakita tayo ng mga ungodliness, may mga bagay na hindi dapat inilalagay sa mga poster na nagkakaroon ng double meaning kung tawagin, katulad dati ng isang brand ng alak na may salitang “Nakatikim ka na ba ng kinse anyos?”

Minsan sa mga advertisement ng alak o battery ng sasakyan na me model ng isang babaing nakabikini na kung tutuusin ay wala naman kinalaman doon sa brand na iniendorso, pero parang balewala lang dahil daw sa moderno na ang panahon.

Sa mga sasakyan lamang o cellphone paiba-iba ang mga modelo dahil sa mabilis daw ang technology, kaya nga kung ako ay nagpupunta sa mall ay nakakakita ng mga taong tumitingin nag-tratry sa mga gadgets na yan at parang sinasabing “balang araw magkakaroon din ako ng ganito”.

Lagi kung sinasabi na hindi masama ang magkaroon ng mga ganung bagay, material man o position sa mundong ito, pero kung ito ay nakakasira nang ating focus at nakakalimutan natin kung saan dapat tayo dapat mag-focus ay masama na yon.

At ang diablo ay nagbibigay ng aliw sa pamamagitan ng mga andirito sa mundo, mga karanyaan o splendor, kanyang kinikuha ang isipan at damdamin ng tao, maging sa mga panoorin lalo na sa mga cartoons na napapanood ng mga bata ay merong deception.

Sa mga batang may edad na ay andyan ang mga computer games na nagpapakita ng karahasan at kapangyarihan, at sa mga accessories sa ating mga katawan andyan ang mga mamahaling kagamitan na pag suot suot mo ang mga yon ay ikaw ang bida at para kang tinitingala sa alta syudad ng ating mundo.

Pag tayo ay nadaya ng world system alam man natin o hindi tayo ay nag-woworship na sa kanyang sistema at sa ibang pananalita we are also worshiping the devil.

So ano ang ating gagawin?

Matthew 4:10 – “Jesus said to him, “Away from me, Satan! For it is written: ‘Worship the Lord your God, and serve him only”

Self explanatory naman ang text ng Matthew 4:10 ‘…Worship the Lord your God, and serve him only” at kung ating pasimplehin ay FOCUS sa Diyos at huwag malinlang sa mga nandirito sa mundong ito!

Kaibigan, maaring ikaw o tayo ay nalilinlang na o nalinlang na, may panahon pa balikan natin ang Diyos kung saan point natin siya iniwan at nandiyan naman siya lagi na nag-aantay sa atin, katulad ng isang amang nag-hihintay sa kanyang anak na nawalay sa kanya.


God Bless!

Tuesday, February 15, 2011

Ang Diablo

“Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour” – 1Peter 5:8

Sa pagsilang natin sa mundong ito ay mayroon at meron tayong makaka-away, at wala pa naman sigurong tao na nang magmula ng siya ay isilang ay wala pa siyang naka-alitan o naka-away.

At kung tayo ay tunay na nananampalataya o may Faith sa Diyos ay mayroong tayong kaaway o kalaban ng ating Faith ito ay ang Diablo, ang Sanlibutan (World system) at ang ating sarili mismo.

Pag-usapan muna natin ang Diablo, sino nga ba siya?

Siya ay ipinakikila sa Bible katulad ng old serpent, ang dragon, manunukso at angel of light at iba pa.

Siya ay isa sa mga angel ng Diyos, tinatawag siya dati bago siya magkasala na “annointed cherub” at perfect siya hanggang sa siya ay magkaroon ng kasalanan at ang kasalanan na yon ay ang pagiging mapagmataas o pride, at yon ang dahilan ng kanyang pagbagsak.

Siya ay laging sumasalungat sa mga plano ng Diyos, at kanyang sinira ang magandang relasyon sa pagitan ng Diyos at nang kanyang mga nilikha lalo na sa atin na mga tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.

Kanyang naitanim ang kamandag ng kasalanan sa atin, at yon ang dahilan kung bakit may mga paghihirap na nangyayari sa ating mga buhay at ating pagsalungat sa mga kautusan ng Diyos kaya’y tayo ay nag-kakaroon ng kaparusahan sa Diyos.

Siya ay mananatiling kaaway ng ating Faith, he will always test us and lead us to destruction, siya ay parang leon na naghahanap ng masisila o madadakma, gusto niya tayong ipahiya sa harap ng Diyos.

Sa Bible Si Lord Jesus Christ ay kanyang tinukso at sinubukan niya na pabagsakin pero hindi siya nagtagumpay, bagama’t hindi siya nagtagumpay siya pa rin ay patuloy na mag-tetest at magpipilit na masira ang tao.

Sa kanyang pagtukso kay Lord Jesus Christ ay makikita natin kung paano nilabanan ni Lord Jesus Christ ang Diablo, gumamit ang Diablo ng Bible o Scriptures pero ang kanyang pag-kakagamit ay mali, gumamit din si Lord Jesus Christ ng Scriptures at tama ang kanyang pag-kakagamit.

Nakita natin na napakahalaga ng Scriptures sa pakikipaglaban sa diablo, syempre hindi tayo tutuksuhin ng Diablo ng personal katulad ng pagtukso nya kay Lord Jesus Christ, kundi gagamitin niya ang kanyang mga alagad na fallen angels at sila ang kikilos upang tayo ay etest at linlangin.

Kaya’t kinakailangan na tayo ay mayroong discernment o kaya ay alam natin ang kilos ng diablo sa ating buhay, WE CAN ONLY DISCERN AND KNOW THE PLANS AND WILES OF THE DEVIL IF WE KNOW THE SCRIPTURES.

Huwag nating maliitin ang Diablo pagka’t maari siyang makapaminsala sa atin ng physical lalo na sa ating spiritual life, at pag nangyayari yon ay para rin niyang nililibak o kinakatiyawan ang Diyos.

Alam ng Diablo ang Bible o Scriptures from cover to cover, ngunit ito’y kanyang binabaluktot at ang kanyang pagbabaluktot ay napakahusay na counterfeit, hinding hindi mo basta makikita ang kamalian parang yong hayop na chameleon na humahalo o nag-aadapt ang kulay sa kanyang katabi.

Kaibigan, baka nalinlang o nadadaya ka na ng counterfeit at wiles ng diablo o ng kanyang mga kasama, dahil hindi mo alam ang Bible?

Me panahon pa para siya ay labanan, pick up your Bible at basahin at tignan kung ano ang sinasabi ng Diyos at makaiwas sa counterfeit at wiles ng Diablo.

Ephesians 6:17 – “And take…the sword of the Spirit, which is the word (Bible) of God”

God Bless!

Saturday, February 5, 2011

Covenant and Promise

“The LORD said: "I am making a covenant with you” – Exodus 34:10

Ang mga contractors pag sila ay gagawa ng isang construction project lalo na sa government agency ay merong tinatawag na “contract of agreement” na nag-aagree ang contractor sa napagkasunduan na amount ng project at lalong lalo na sa duration ng pag-gawa ng project.

At kung sakaling mayroong pag-labag na ginawa sa contract of agreement ay mayroong kaukulang penalty o parusa na matatangap sa lumabag sa contract, lalo na sa part ng mga contractor kaya maingat na sinusunod ang mga nakalagay sa contract of agreement.

Maging sa isang kasalan o wedding ay lalong napaka-sagrado ang “contract” ng marriage at hindi lang sa context ng legalidad, kundi sa mata ng Diyos ay sagrado, sapagka’t pinag-iisa niya ang dalawang tao, at sa mga ikinakasal ay nababangit ang salitang “Till death do us part”, sad to say madaling nabre-break ang marriage sa mga iba’t ibang kadahilanan, at nabahiran ang contract ng kanilang marriage, at masasabi rin natin sa mas malalim na pananalita na ang contract ay isang covenant between two human beings in the context sa kanilang relationship bilang mag-asawa na.

Sa Bible merong iba’t ibang covenant na ginawa ang Diyos, at siya mismo ang nagpasimula noon magmula kay Adam & Eve, kay Noah na hindi na niya lilipulin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng tubig, kay Abraham na kanyang sinabi na siya ay pag-papalain at gagawin siyang pagpapala, kay Moses, kay David, kay Solomon at sa mga iba pang notable character sa Bible.

Sa mga pumasok sa covenant ng Diyos, ang iba sa kanila ay merong mga nagawang paglabag, kanilang na-violate ang nilalaman ng covenant ng Diyos sa kanila, kaya’t merong mga hindi magandang nangyari sa kanila bilang penalty sa kanilang pag-labag sa covenant.

Ngayon IF WE BELONG TO CHRIST, tayo ay nakapaloob sa covenant ng Diyos, sabi ng book of Galatians 3:29a na “And if you belong to Christ, then you are Abraham's descendants…”

We are “…Abraham’s descendants…”, therefore kasali tayo sa covenant ng Diyos, at hindi lang yon kundi kasali rin tayo sa promise ng Diyos, Galatians 3:29b – “…heirs according to promise”

So tayo ay under sa covenant ng Diyos at merong promise na nakalaan hindi lang doon sa eternity, maging sa buhay natin dito, pero yong promise na yan na nakalaan sa buhay na ito ay kailangan pag-hirapan o mag – strive tayo upang marating at makuha natin yon.

Maaring itanong mo “Bakit ganun ba’t kailangan pang mag-hirap o mag-strive ba’t di na lang ibigay ng Diyos o kaya wala ng pag-hirap na mangyayari?”.

Tandaan natin na tayo ay may kasalanan at ang isa sa bunga ng kasalanan ay pahihirap we struggle, we strive, we do our best at diyan pina-padaan ng Diyos ang pagpapala o yong promise niya sa atin.

Maging ang Israel o mga Jews na chosen people of God bago nila narating o nakuha ang promise land sila ay nakipaglaban at minsan ay nabigo rin dahil sa kanilang pag-labag, hindi nila iyon basta basta nakuha, hindi sila dumating sa lugar na yon na ready ng tirhan, kundi merong mga nakatira at kailangan nila itong talunin at palayasin upang sila ang tumira at makinabang sa lupain.

Sa buhay ng tao, at sa ating buhay mismo, gaano man ito kaganda at kaluwag ay meron laging pagkakataon na merong mga struggles at difficulties na mangyayari o kaya parang naging idle ang takbo ng buhay, tayo ay napapag-isip kung bakit nangyayari ang ganito, at sa mga ganyang mga situation where is the promise of God? Yong mga nakasulat sa Bible mga nag-gagandahang pangako parang hindi nagma- manifest.

YES! There are times na may ganyan, and to be honest nararanasan ko rin yan, at sometimes I ask God “WHY?”

Pero dapat nating isipin at laging isa-isip na pag tayo ay nakapaloob sa covenant at promise ng Diyos ay hindi niya tayo pababayaan, we commit sins, we disgrace His holiness, we violate the covenant at merong parusa na mangyayari sa atin at talagang painful, pero yong point na siya mismo ang bibitaw o magpapabaya sa kanyang covenant at promise ay hindi pwede mangyari yon.

Bakit hindi pwedeng bumitaw o magpabaya ang Diyos sa kanyang covenant at promise? to be practical, alam naman ng Diyos na tayo ay imperfect at talagang we can violate him, although hindi yan reason upang hindi niya tayo parusahan pag tayo ay nagkasala.

Hindi siya pwedeng bumitaw sa kanyang covenant at promise dahil He cannot deny himself at siya ay hindi katulad natin na pabago bago ang isip.

2 Timothy 2:13 – “If we are faithless, He remains faithful, for He cannot deny Himself.”

Numbers 23:19 – “God is not a man, that he should lie, nor a son of man, that he should change his mind. Does he speak and then not act? Does he promise and not fulfill?”

Kung anoman ang ating situation, maybe we are in the hardship, struggles and difficulties at tayo ay nag hahanap ng kasagutan at parang we don’t see the promises ng Diyos na base sa kanyang covenant, ang Diyos ay andiyan maaring di natin siya nararamdaman o nase-sense, pero definitely He is there to assist us and help and fulfill his covenant at ibigay ang promise at maari ring hindi sa buhay na ito makuha yong promise, kundi doon na sa eternity with God.

At kung sakaling talagang pinag-papala tayo ng Diyos sa ating buhay ay ibalik natin ang papuri at pasasalamat sa kanya pagka’t siya ay nalulugod at nagagalak na siya ay nabibigyan ng honor and glory sa mga taong ka-covenant niya.

Philippians 1:6 – “Being confident of this, that he who began a good work in you will carry it on to completion until the day of Christ Jesus.”

God bless!

 

Tuesday, February 1, 2011

Let's Party!

Maraming iba’t ibang mga kasayahan o party, me Birthday party, Halloween party, Graduation ball party, at kung ano ano pang uri ng party na naiimbento ng tao.

Sa ating mga pinoy lalong lalo na sa mga kabataan ang party ay tinatawag na “Gimik” at pag sinabing “Gimik tayo” isang way din ng pag-sasabing “Magsaya tayo”.

At ang context (Pero hindi naman lahat) ng “Gimik” ay sa isang disco o bar na may mga sayawan at mga inuman, kaya’t yong mga ibang bar ay mayroong mga events na ginagawa pang-attract sa mga customer.

Andyan yong mga live band na mga sikat ang kumakanta o kaya sa mga drinks naman at sa pulutan sila magbibigay ng mga promo.

At nasubukan ko rin noon na pumasok sa mga gimikan na yan, katulad ng Club Dredd, Padis Point at Temple Bar sa may Greenbelt 2, although halos pareho ang trend, pero sa panahon ngayon ay mas grabe kung ikumpara sa panahon noon nang ako pa ay nagpupunta sa ganun.

At sa mga events na ginagawa ng mga gimikan ngayon ay bulgaran na, sa mga theme pa lang ay ipinapa-alam na ka-agad ang context ng event me mga “Ladies Night”, Bachelor’s Night, “Wet and Wild Party” o kaya magho-host ng isang pageant na ang title ay “Bikini open” ilan lamang yan sa theme ng mga gimikan ngayon na madalas puntahan ng mga mahilig gumimik.

At sa mga gimikan na ganyan ay maraming nangyayaring kababalaghan o mga bagay na pwedeng mangyari kung hindi nag-iingat, at pag tayo ay andoon sa mga ganun gimikan ay parang nasa isang bitag na ang isa nating paa, at we have the tendency to give in sa mga temptation na andoon.

Music na nagbibigay ng buhay sa ating katawang lupa. wild dancing na puro giling, kembot, mga moves na nang-aakit at halos magyayakapan na at drinks na kung minsan nagbibigay ng maling takbo ng isipan at sabi ng iba e “Pangpalakas ng loob” show ng event na lalong mag-papainit at kasama pa ang tropa o kaya pag sa lalaki ka-gimik yong type na girl at sa babae ganun din kung kagimik yong type na lalaki, masasabi ko na yan ay isang anatomy of seduction upang tayo ay mahulog sa temptation.

To be specific sa mga gimikan na ganyan ang pinaka main result niyan pag nahulog sa temptation ay mapupunta sa lust of the flesh or sexual sin kung saan grievous sa paningin ng Diyos, at isa sa way na maka- acquire ng sexual sin ay nagmumula din sa ganyang uri ng gimikan o party.

At kung titignan natin sa Bible ay mabibigat ang parusang ibinibigay ng Diyos sa pagkakasalang ganyan, katulad ni King David namatay ang sanggol niyang anak, nahati ang kanyang kingdom at nagrebelde ang kanyang anak laban sa kanya.

Maging sa description ng Scriptures mismo ay mabibigat din ang sinasabi sa ganyang kasalanan.

1 Corinthians 6:9 – “Or do you not know that the unrighteous will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived; neither fornicators, nor idolaters, nor adulterers, nor effeminate, nor homosexuals”

1 Corinthians 6:18 – “…but he who sins sexually sins against his own body”

Party, gimik, masaya dahil merong bonding na nangyayari sa mga magkakaibigan na lalong mag-papatibay rin sa samahan, at kung sa party o gimik na pinuntahan ay makakakilala ka pa nga ng mga bagong kaibigan.

Pero kung ang party o gimikan na napupuntahan o pinupuntahan ay hindi kaaya-aya na nagreresulta sa kasalanan maging sa isipan o actual na mangyayari ay hindi na maganda.

Masasabi natin na tayo ay nasa hustong edad na at we can do anything at pwede ng pumunta sa mga ganung party at gimikan, pero may pa-alala din ang Scriptures.

1 Corinthians 10:23a – “You say, "I am allowed to do anything"--but not everything is good for you...” (New Living Translation)

Sa perspective ng mga mahilig sa ganung party o gimikan na nagbibigay ng lust of the flesh ay masarap at haping hapi ang pakiramdam, they have the drinks, girls & everything they want that party night at mag-kwekwentohan pa kung sino sino yong mga nakagimik at kung meron pang nangyari ay talagang solve na solve sila.

Pero ang di nila alam hindi iyon nakakabuti sa kanila dahil merong itong spiritual value, remember we are created in the image of God, at kung nadadala ang image na yon sa mga ganung party o situation nababahiran ang holiness ni God, kaya’t dapat tayong mag-ingat, dahil me kaukulang parusang nakalaan.

Galatians 6:7 – “Do not be deceived: God cannot be mocked. A man reaps what he sows”

Kaibigan, let's party!...yes!

1 Corinthians 10:31 - “So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God”
God Bless!

Saturday, January 8, 2011

Faith natin baka hearsay lang?

“Faith...must be enforced by reason...When faith becomes blind it dies” - Mahatma Gandhi

September 26, 2010, Huling araw ng Bar exams, at ang mga kumuha ng examination ay nangangarap na maging lawyer kung sakaling sila ay makapasa sa kanilang pagsusulit.

Bawat School ay may kanya kanyang suporta sa mga kumuha ng Bar exams kaya’t merong “Bar Ops” na tinatawag, talaga nga naman na masaya at bilang isang law student isang magandang karanasan na andoon to give encouragement sa mga kukuha ng exams.

Pero ang kasiyahan at encouragement na ginagawa sa araw na yon ay biglang ginulantang ng isang pag-sabog, pagsabog na maraming nasaktan sa hanay ng mga sumusuporta sa mga nag-eexam.

At isa sa malubhang naging biktima ay ang law student na si Raissa Laurel, siya ay naputulan ng paa, at sa isang law student na nangangarap na maging lawyer pagdating ng araw ay parang gumuho ang pangarap na yon sa kanyang buhay.

Pero sa kabila ng pangyayari ay hindi siya nawalan ng pag-asa at hindi nagpadaig sa nangyari sa kanya, at kanyang nasabi “Si God talaga ‘yung naging strength ko. I owe it to him,”

Merong siyang faith sa Diyos, at obviously her faith ay hindi basta basta dahil despite sa nangyari sa kanya she choose to be courageous at harapin ang katotohanan.

It is not enough to say na merong tayong faith sa Diyos, although it is a good start, kailangan yong sinasabi nating faith natin ay merong sandigan at kailangan nakatayo sa isang solid ground at may foundation upang hindi tayo susuko.

Nang ang bansang Israel ay sinakop ng Babylonian empire kasama doon na dinala sa kaharian ng Babilonian ay si Daniel at siya ay pakakainin at papainumin ng Babylonian cuisine na ang maaring layunin ay mabago ang kanyang kultura at magsisimula ito sa pagkain at pag-inom ng mga pagkaing Babilonian, ngunit’t higit sa lahat ay ayaw ni Daniel na siya ay madefile.

Daniel 1:8 –“But Daniel purposed in his heart that he would not defile himself with the portion of the king's meat, nor with the wine which he drank…”

Bakit si Daniel ay nag-purposed sa kanyang heart na hindi nya edidefile ang kanyang sarili dahil lang ba na nasasabi niya sa kanyang sarili na may faith siya sa Diyos? Yes! Pero mas may malalim na dahilan kung bakit niya ginawa iyon.

Alam niya kung ano ang sinasabi ng Scriptures, hindi yong sa context na may faith siya pero di naman niya alam ang mga sinasabi o content ng Scriptures, basta faith lang.

But Daniel’s faith is beyond that, as a Jew he knows the Scriptures at alam niya na bawal ang pagkain na ibibigay sa kanya kaya niya ito tinangihan. His faith ay grounded sa salita ng Diyos ang Scriptures o Bible.

At sa nangyari kay Raissa Laurel, I believe her faith ay nakasandig, nakatayo at grounded sa Scriptures, because she look in the positive way which is very hard to do dahil sa nangyari sa kanya.

Marami ng nasabi kay Raissa Laurel sa mga newspaper, tv guesting at sa intenet na maaring nagbigay sa atin ng inspirasyon at maaring yong iba sa atin ay naluha sa kanyang kwento at courage niya.

Daniel inspire us also sa kanyang faith sa Diyos at sa kanyang knowledge sa Scriptures at hindi lang yon bilang isang Jew, duty niya to read & study the Scriptures at sundin ito.

Kumusta naman ang faith natin?


Ang “faith” ba na ating pinanghahawakan ay isa lamang bang hearsay o bukambibig lang natin, we are encourage and strengthen dahil nasasabi at sinasabi natin sa ating sarili na “Meron akong faith sa Diyos” it is grounded ba sa solid ground?

I believe that faith will not stand when trials and testing will come, dahil wala ito sa solid ground o matibay na foundation.

Hindi tayo kasama sa 2010 Bar exam blast na nasugatan o naputulan ng paa, at lalong hindi rin tayo sakop ng mga Babilonian empire na sumakop kay Daniel.

Pero ang tiyak habang nabubuhay tayo sa mundong ito tayo ay makakaranas ng mga pagsubok, pagsubok na hahamon sa sinasabi nating faith na ating pinanghahawakan.

At we can stand sa faith na ating hawak kung alam natin ang sinasabi ng salita ng Diyos sa Bible.

God bless!


Friday, January 7, 2011

Faith lang talaga

“Faith is deliberate confidence in the character of God whose ways you may not understand at the time” – Oswald chambers

Sa Kristiyanismong relihiyon ang faith ay napakahalaga at napakalaki ang kanyang ginagampanan sa pakikipag-ugnayan at pagsunod sa Diyos, at maging sa relihiyong paganismo ay may mga sacrifices o pagsunod silang ginagawa sa kanilang diyos o sa kanilang mga anito dahil din sa kanilang faith.

Sinusunod ang mga utos ng Diyos dahil sa faith at meron itong kapalit na pagpapala o blessings na mangyayari dahil naniniwala tayo sa kanyang sinabi sa Bible.

Deuteronomy 28:1,2 – “If you fully obey the LORD your God and carefully follow all his commands I give you today, the LORD your God will set you high above all the nations on earth. All these blessings will come on you and accompany you if you obey the LORD your God”.

At sa mga preachers na nagsasalita o nangangaral sa pulpit ay hindi rin nawawala sa content ng kanilang mga messages na ang faith ay barometer ng Diyos upang siya ay magbigay ng blessings, at inaasahan natin yan dahil nga we have faith at we claimed His promise.

At sa Bible sa book of Hebrews chapter 11 magmula sa verse 4 to 38 ay inilarawan ang mga taong nakipaglaban, sumunod at mga nag-sacrifice dahil sa kanilang faith.

Sa ibang pananalita ang faith motivate us na magpatuloy sa mundong ito, even we experience hardship, struggles & pain we hope na sa dulo non ay mayroong lilitaw na liwanag dahil sa ating faith.

Muli nating balikan ang Hebrews chapter 11 at tignan natin ang verse 39 na conclusion sa faith ng mga taong nakipaglaban, sumunod at nag-sacrifice sa kanilang faith.

Hebrew 11:38a – “These were all commended for their faith…”

It is clear na “…commended…” sila sa kanilang faith at highly praise, aprubado mismo sa standard ng Diyos, pero sa kabila ng kanilang faith na ipinakita ay

Hebrews 11: 38b - “…yet none of them received what had been promised”

Yong pangako na inaasahan sa kanilang faith ay hindi nila nakamit o nakuha pero sinasabi naman ng Deuteronomy 28:1,2 na pag nag-obey sa kanya dahil sa faith ay merong blessing na ibibigay ang Diyos  

Pero sa conclusion ng Hebrews chapter 11 verse 38b ay may faith na hindi nakukuha o nakakamit ang promised.

Ito ba ay nangangahulugan na ang Diyos ay hindi nagiging tapat sa kanyang salita at pangako?

Siya ay laging tapat at kanyang sinusunod ang kanyang mga pangako, sa katunayan sa kanyang pagiging Diyos mismo  siya nag- oath dahil hindi siya pwedeng mag-sinungaling.

Hebrew 6:13 –“… since there was no one greater for him to swear by, He swore by himself”

At kung sakaling hindi man nakamit ang blessings na ipinangako sa mundong ito, dahil sa ating faith ito pa rin ay nanatiling pangako ng Diyos at kanyang tutuparin in His sovereignty at sa kanyang perfect plan at timing ay mangyayari ang pangakong iyon at higit na mas maganda pa sa inaasahan natin na resulta ng blessing na ibibigay niya sa atin.

Hebrews 11: 40a – “since God had planned something better for us…”

Lagi kung sinasabi at reminder din sa aking sarili na pag meron tayong mga bagay na gagawin lalong lalo na yong mga critical at kailangan natin ng kalakasan ay ating isanguni sa Diyos, at mag faith tayo sa kanya.

Faith na panghawakan natin na kung ano man ang magiging resulta at lalo na pag hindi favorable ang resulta sa ating ginawa, nguni’t pag ito’y ating isinanguni sa Diyos, tayo ay mayroong peace of mind at katiwasayan ng ating kalooban, dahil alam natin na God will take care.

Sabi ng slogan ng Adidas “Impossible is nothing” ang Nike naman ay “Just do it” at sabi ng Bible “Trust in the LORD” at we trust Him sa pamamagitan ng faith natin sa kanya.

Magunaw man ang mundo, magkaroon man tayo ng mga bad experiences at maaring dumating sa point na tayo ay helpless at ang nanatili na lang ay ang ating faith sa Diyos, yon ay sapat na upang mapagtagumpayan natin ang mga yan.

Kaibigan ano ba ang faith mo, faith ba sa Diyos na ang inaasahan lang yong favorable sayo o faith na even in your darkest hour you stand for that faith dahil ang Diyos na ang bahala.

Psalms 46:10a - “He says, “Be still, and know that I am God...”


God bless!


Thursday, January 6, 2011

Inspired by music

“Music is the mediator between the spiritual and the sensual life” - Ludwig van Beethoven

Sa isang okasyon o pagdiriwang ay hindi nawawala ang musika pagka’t ito ang isa sa mga nagbibigay buhay at nagbibigay ng kasiyahan, at ang musika rin ay malaki ang nagiging papel nito sa buhay ng isang tao.

Ang musika rin ay kumokonekta sa damdamin at isipan ng tao, kaya pag ang isang tao ay nakadarama ng pag-ibig ang gusto niyang pakingan ay tungkol din sa pag-ibig na lalong nagpapasidhi ng kanyang damdamin, at sa mga kabataan ngayon ay talaga nga namang kakaiba ang dating o saliw ng musika na kanilang pinapakingan.

Maging ang Diyos ay mahilig din sa musika kaya’t isinulat ang book of Psalms o Awit na ang nilalaman ay tungkol sa kabutihan, kapangyarihan, katapatan, katuwiran, kadakilaan at pag-ibig ng Diyos.

At kung tutuusin yon dapat ang modelo ng isang awit na nalilikha o kaya kung hindi man ito tumutukoy sa Diyos dapat ang nilalaman ng isang awit ay may values.

Pero ang karamihan na awit na nalilikha ngayon ay nagpapabuhay sa nasa ng laman, nagpapahiwatig ng mga ideology sa mundong ito o kaya tumutukoy sa sarili na ikaw ang me hawak ng iyong buhay.

Bakit maging ang musika na ating napapakingan ay may bahid ng pagmamataas tungkol sa Diyos?

Nang pumasok ang kamandag ng kasalanan ay kasali ang lahat ng nilikha na maging bondage o pag-kakaalipin sa kanyang kapangyarihan kasama na diyan ang musika, kaya’t kailangan din niya ng kalayaan sa pagkaka-alipin sa kasalanan

Romans 8:21 – “…the creation (Including music) itself will be liberated from its bondage…”

At may nabalitaan na rin na me mga nagsu-suicide dahil sa music lalo na sa mga nakikinig ng rock music na ang kanyang mga laman ay rebellion at maging sa mga iba pang mga awitin ay may tendency na magdulot na mag-suicide ang taong nakikinig dahil nasasabayan niya kung ano ang kanyang problema dahil ang nilalaman ay nag-uudyok o nagpapahiwatig ng pag-suicide.

Kaya’t sa ating pakikinig ng mga musika lalo na sa panahon ngayon, tayo po ay mag-ingat dahil maaring may ibang meaning yong kantang ating napapakingan.

Naging controversial noon sa America ang backmasking na pinapatugtog na pabaliktad ang isang kanta at me mga lumalabas daw na mga ibang meaning ang kanta, totoo man o hindi na kailangan ng backmasking dahil ang mga kanta lalo na ngayong panahon ay corrupted dahil sa kasalanan.

Kaya’t masasabi ko na ang ganda ng isa sa ministry ng isang Church (Day by day Christian Ministries) sa kanilang Cultural redemption na ministry, na kanilang sinasala, inaayos tinatangal ang mga lyrics na hindi nakakapuri sa Diyos at ang mga bagay na hindi rin kaaya-aya, upang maibalik ito sa dapat na kalagayan ng musika na dapat ito ay naka-center sa Diyos.

Maging mapag-panuri at maging maingat tayo, dahil sa mga musika na ating pinapakingan ay isang paraan din yan upang tayo ay maligaw at mawala ang ating focus sa Diyos.

1 Thessalonians 5:21 - “Test everything. Hold on to the good”

Kung titignan natin ang kontexto ng verse at kung ating isusunod sa naunang verse ito ay pag-test sa mga prophetic utterance, kung ito lang mismo sa kanyang immediate na kontexto ay nagpapakita at nagpapahiwatig na suriin ang lahat at kung may kabutihan na ipinapakita ito’y ating panghawakan.

Music lover ka ba, ikaw ba ay naeenganyo sa mga saliw ng musika o kaya ikaw ay na-iinspire sa mga musika na iyong pinapakingan at ikaw ay kanyang nadadala sa mga worldly thoughts?

kaibigan maging mapanuri at mag-ingat.

1 Peter 5:8 – “Be self-controlled and alert. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour”

God Bless!

Wednesday, January 5, 2011

Talino, diskarte at swerte

Ang buhay ay puno ng adventure o pakikipagsapalaran, at sa pakikipagsapalaran ay merong nagtatagumpay at merong ding nabibigo.

At me mga taong masasabi natin na nagmula sa mahirap at naging mayaman dahil sa kanyang galing o kaya ma-diskarte sa buhay kaya’t naabot nila ang ganung kalagayan.

Meron nga naman mga taong ipinanganak na matalino na at me kaya sa buhay kaya nagagawa nila ang gusto nila sa buhay, meron din naman mahirap pero madiskarte kaya uma-angat ang kalagayan, at kung wala kang yaman o talino me nagsasabi naman na nagkaroon ng “swerte” kaya nabago ang buhay.

Matalino, mahirap pero madiskarte o kaya may swerte sa buhay ay merong pa ring bahagi o participation ang pagiging responsible upang maging mabuti ang kalagayan ng isang tao.

Good decision, good connection sa mga matataas na tao sa lipunan, tamang timing sa buhay yan siguro ang factor ng isang matalino, mahirap pero madiskarte at me swerte sa buhay.

At sa mga naging successful sa buhay sila ay nagbabahagi ng kanilang mga karanasan kung paano sila naging successful, nagsusulat sila ng mga libro, sila ay nabibigyan ng mga parangal sa iba’t  ibang okasyon.

Sa kabila ng mga natatamo nilang mga recognition talaga nga bang sa kanilang talino, diskarte at swerte kaya naabot nila ang ganun?

Zechariah 4:6
- “…Not by might nor by power, but by my Spirit,’ says the LORD Almighty.”

Kaya sila nagiging successful o maging sa ating personal na buhay kaya natin nararating yong mga bagay na meron tayo dahil mismo sa tulong ng Diyos PERO SA TOTOO LANG DI NATIN NARERECOGNIZE dahil kung minsan tayo ay nadadala sa mga papuri ng mga tao o kaya we accept na we truly deserve those good things na nangyayari sa ating buhay.

“…but my Spirit,’ says the LORD Almighty.” Ang Spirit ng Diyos ang kumikilos sa ating buhay kaya nagkakaroon ng mga pag-angat sa ating buhay, at sa mga pag-angat o successful na ating nararating ang Diyos ay karapat-dapat lang na siya ay papurihan o acknowledge siya sa ating buhay.

Kung ating babasahin ang book of Psalms sa Bible, ito’y puno ng papuri at parangal tungkol sa Diyos, pagsasalarawan ng kanyang kabutihan at ito’y nangangahulugan na ang Diyos ay gusto niya na siya ay napupuri.

At ang hindi pag-puri at pagbalik ng karangalan sa Diyos ay isang serious matter, at may mabigat na kaparusahan na pwedeng mangyari.

Sa book of Acts chapter 12 verse 18-21 ay mababasa natin ang pagkamatay ni Herod dahil siya ay kinain ng mga uod hangang sa siya ay mamatay ang reason HINDI SIYA NAGBIGAY NG PAPURI SA DIYOS.

Maaring hindi tayo literal na kakainin ng uod na katulad ng nangyari kay Herod, pero may mga bagay na pwedeng mangyari na maaring magdulot ng kapahamakan o kaya problems na hindi nareresolba sa ating buhay at ang maaring  isa sa dahilan ay sa hindi natin pagbabalik ng papuri o parangal sa Diyos.

Dahil nga sa akala ng maraming tao at maging mismo sa ating sarili ay magaling na tayo, nasa atin ang swerte at ang galing ng mga diskarte natin kaya lahat ng mga achievements, plans natin sa buhay o yong mga like natin ay nasa tamang ayos.

Doon tayo ngakakamali dahil merong higher power na nagkokontrol ng lahat ng bagay o pangyayari at yan nga ay nagmumula sa Diyos, na ang ating buhay at pagkilos ay dahil sa kanya.

ACTS 17:28 - “for in Him we live and move and exist…”

Kaibigan, ano ba meron ka ngayon na masasabi mo na nakuha mo ito dahil sa talino, mabuting diskarte o swerte? Naibabalik ba natin ito sa Diyos sa pag-acknowledge natin sa kanya sa pagbibigay ng papuri o praises sa kanya.

Hebrews 13:15 – “Through Him then, let us continually offer up a sacrifice of praise to God, that is, the fruit of lips that give thanks to His name.”

God Bless!

Saturday, January 1, 2011

This year: In God we trust

“There are always uncertainties ahead, but there is always one certainty--God's will is good.” –Vernon Paterson

New year, bagong pag-asa na naman sa buhay, yan ang kalimitan na sinasabi pag nagpalit ang taon, tayo ay umaasa na sa New year na dumating ay higit na mas maganda ang kahihitnatnan kaysa sa nakaraang taon.

At sa pag-papalit ng taon ay may mga iba’t ibang predictions o hula na sinasabi kung ano ang mga pwedeng mangyari sa susunod, kaya’t andyan ang mga funsui expert, astrologers o yong mga self proclaimed prophet na nagbibigay ng kani kanilang mga expectations na pwedeng mangyari sa loob ng isang taon.

Nagsasabi sila na ito dapat ang ayos ng iyong bahay, ang kulay na gagamitin mga usong damit o fashion mga signs na dapat ilagay sa loob ng bahay para ikaw ay swertehin sa iyong buhay, at sa mga astrologers naman ay gumagawa sila ng horoscope na inihuhula ang mangyayari sa loob ng isang taon, at maraming mga tao ang nagpapaniwala sa ganun (at maaring isa ka rin sa mga naniniwala).

Me mga pagkakataon na kung minsan ang sinasabi ng mga funsui expert, astrologers at mga self proclaimed prophet ay nagkakatotoo.

Pero tama ba na tayo ay nakadepende, nakasandal o pagbasehan man lang maski konti ang kanilang mga sinasabi?

Nagbigay ng warning o babala ang Bible regarding sa bagay na yan, funsui expert at astrologers ay pasok sa category ng Deutronomy 13:1-2

Deutronomy 13: 1-2 -  “If there arises among you a prophet or a dreamer of dreams, and he gives you a sign or a wonder, and the sign or the wonder comes to pass… you shall not listen to the words of that prophet or that dreamer of dreams…”

Bakit di tayo dapat maniwala?

Deutronomy 13:2  – “of which he spoke to you, saying, ‘Let us go after other gods’—which you have not known—‘and let us serve them,"

Dahil tayo ay kanilang ililigaw sa tunay na Diyos na siyang me control at sandigan ng lahat ng bagay, at kung tayo ay nagpapaniwala sa kanilang mga sinasabi at yon na ang nagdidikta sa mga bagay na ating ginagawa tayo ay considered serving “other gods”.

Talaga nga naman na we are hoping for better new year, at di natin alam kung ano ang mga bagay na pwedeng mangyari pero ang Diyos ay nauna na upang tayo ay tulungan at gabayan sa ating mga daily activities sa mga plano at mga pangarap na gusto natin sa new year.

Don’t trust sa mga sinasabi ng mga funsui, astrologers at self proclaimed prophet, TRUST IN THE LORD!

Proverbs 3:5-6 –  “Trust in the LORD with all your heart, And lean not on your own understanding; In all your ways acknowledge Him, And He shall direct your paths”

TRUSTING THE LORD ay giving our heart, surrendering our understanding at gawin natin siyang counselor by acknowledging Him sa mga bagay na ating gagawin.

Pag ginawa natin yon, siguradong ang ating mga gagawin at ang ating mga tatahakin na landas sa taon na ito ay may kabuluhan dahil “…He shall direct your/our path”

At kung sakaling ang mga ginagawa natin at ang landas na atin tinatahak ay parang hindi siya kaaya-aya o hindi ayon sa ating kagustuhan at tayo ay nadidismaya ay TRUST IN THE LORD pa rin, sapagka’t sa ating limitadong kaisipan ay hindi naman talaga natin lubusan mauunawaan ang kilos ng Diyos sa ating buhay sapagka’t ang kanyang karunungan ay unsearchable.

Romans 11:33 – “Oh, the depth of the riches both of the wisdom and knowledge of God! How unsearchable are His judgments and unfathomable His ways!”

We pray and we hope that God will bless us this year, bumaba man ang economy magkaroon man ng recession sa iba’t ibang agency ng government o kaya global financial problem or some problems sa ating personal na buhay, IF WE TRUST IN THE LORD kaya niya tayong iligtas sa mga circumtances na yan.

365 days maraming pwedeng mangyari at magbago at kung tayo ay nag-tra - TRUST kay LORD hindi tayo basta basta matitinag, susuko o babagsak at kung sakaling tayo ay natinag, sumuko at bumagsak TAYO AY KANYANG IBABANGON BECAUSE WE TRUST IN HIM.


Proverbs 3:5-6 –  “Trust in the LORD with all your heart, And lean not on your own understanding; In all your ways acknowledge Him, And He shall direct your paths”

God Bless!