Thursday, November 11, 2010

Ampon ka lang?

“Ampon ka lang!” o kaya “Adopted lang siya” pag naririnig natin ang salitang ganyan sa isang pamilya, parang second class lang ang katayuan doon sa taong pinag-sasabihan, kaya pag merong mga mana na hahatiin ay laging yong ampon ang lugi pagdating sa hatian, kung minsan nawawalan pa nga siya ng kanyang parte sa mana.

At hindi lang yon ang isang ampon nga e minsan ay naaapi siya at naipapamukha pa sa kanya na siya ay isang ampon, minsan rin ay hangat maari ay ayaw na malaman na siya ay isang ampon dahil masasaktan daw ang kanyang damdamin.

Sa batas ng gobyernong romano nang panahon ng Bible ang isang “ampon” o “adopted” ay hindi ito ikinakahiya dahil ang karapatan ng isang “ampon” ay katulad din ng karapatan ng isang tunay na anak at matatawag na rin siyang “anak”

At tayong mga tao ay hindi tayo tunay na anak ng Diyos, at kung tinatawag natin ang Diyos na “Ama” ay nangangahulugang sinasabi natin na “anak” niya tayo.

Dahil ang Diyos ay isang BANAL NA DIYOS, so paano siya magiging proud na tawagin niya tayong “anak” dahil tayo ay makasalanan, hindi tayo karapat-dapat na makihalubilo sa kanya maging sa kanyang presence hindi rin tayo nababagay sa kanya.

At ang tanging paraan upang tayo ay matawag niyang “anak” at talagang matatawag nating siyang “ama” ay kinakailangan na merong pag-adopt o pag-ampon sa atin.

Maging sa legal na aspeto ay merong mga papers na dapat ayosin upang matatawag na “anak” yong taong ina-ampon at matatawag na siyang “anak” ng taong uma-ampon, at wala ng pwedeng komontra dahil legal at tangap na siya na siya ay kabilang sa pamilyang nag-ampon sa kanya.

At ang “Ampon’’ o “Pag-ampon”, ”Adopted” ay mahalaga hindi lang sa batas ng gobyerno ng romano, mahalaga rin ito sa redemptive plan ng Diyos, in other words ay ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan.

Ang salitang “Adoption” sa Greek ay huiothesia. galing sa huis = "son," at  tithemi = "to put or place" sa ibang pananalita ay “naging anak” o “itinulad sa isang anak”

Meron pag-huhukom na gagawin ang Diyos, sisingilin niya ang tao sa kanyang mga kasalanan at ang tanging makakaligtas lamang ay ang mga taong kanyang naging “Ampon” o “Adopted niya o kaya yong mga taong nagkaroon ng spirit of adoption na talagang karapat-dapat na tumawag ng Ama sa kanya.

Romans 8:15
"you have received a spirit of adoption as sons by which we cry out, 'Abba! Father!'’

At sa pagkakaroon ng spirit of adoption o ampon na siya, siya rin ay may mga privileges o blessings sa heavenly realm.

Ephesians 1:3
“Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ, who has blessed us in the heavenly realms with every spiritual blessing in Christ.”

Magkakaroon ka lang ng blessings na yon kung ikaw ay na kay Jesus Christ

Sa context ng Ephesians 1:1-14 ay nakasulat ang mga blessing o privileges “he chose us” “predestined us for adoption to sonship” “redemption through his blood” ”the forgiveness of sins” “he made known to us the mystery of his will”  “In him we were also chosen”, at yong  “you were marked in him with a seal, the promised Holy Spirit”.

Pag dumarating ang PMA Alumni sa Baguio City, hindi lang yong mga purong alumni ang member ng kanilang Class, meron silang tinatawag na “adopted member” halimbawa sa PMA Class 1978 ang kanilang adopted member ay ang dating Presidente na si Gloria Arroyo, sa Class 1976 ay si Gilbert Teodoro, sa Class 1977 ay si Senator Villar.

Maaring may advantage sa kanilang political career o position ang Class na kanilang sinalihan, maaring magandang privileges din o kaya may “blessings” din kaya pinili nila na sila ay magpa-adopt.

At sa context ng Politics natin dito sa Pilipinas, pag ikaw ay malakas sa military ay hindi ka basta basta mapapa-alis sa iyong position lalo na pag ikaw ay isang Presidente.

At sa context naman ng ating spiritual condition kung tayo ay “adopted” thru Jesus Christ, walang pwedeng mag- separate sa love ng Diyos sa atin.

Romans 8:38
And I am convinced that nothing can ever separate us from God's love. Neither death nor life, neither angels nor demons, neither our fears for today nor our worries about tomorrow--not even the powers of hell can separate us from God's love.” NLT

Kaibigan, gusto mo bang magpa-ampon o mag-pa adopt sa Diyos? o nahihiya ka dahil ampon ka lang?

Makipag-kasundo na sa Diyos at magpa-ampon na, upang maging anak niya!

John 1:12
“But as many as received Him, to them He gave the right to become children of God, even to those who believe in His name”
.

Tuesday, November 9, 2010

Walang Himala!

“Walang himala!” ito ang binangit ni Nora Aunor sa kanyang movie na HIMALA nong taong 1982. Hindi rin lingid sa ating kaalaman ang mga balitang meron daw “himala” na nangyayari sa isang lugar, isa na dyan ang tinatawag na “Miracle of Agoo” sa Agoo La union na pinangunahan ng isang nagngangalang Judiel Nieva also known as Angel dela Vega. Dinayo iyon ng ating mga kababayan upang makita ang “himala” na nangyayari sa lugar na yon.

Maging sa ating panahon ngayon maski tayo ay nasa hi-tech o nasa “Modern age” na ay di pa nawawala ang mga sinasabi nilang “himala” at ang “himalang iyan ay hindi lang yong himala na nagpakita ang isang Santo sa isang tao, kundi maging yong mga tao na me malubhang karamdaman ay gumaling na walang tulong ng anomang gamot ay kanilang kinokonsider na isang “himala”, at meron pang nagsasabi na merong “mapag-himalang tubig” o kaya “mapag-himalang panyo” o kaya kwintas at kung ano ano Pa.

In my personal experience nong ako ay bago palang sa aking “faith” sa protestant group, ako rin mismo ay nakakita ng mga sinasabi nilang mga “himala” or in biblical terms ay “signs, miracles & wonders”.

Ako ay nabigyan ng pagkakataon na maka – attend sa isang gathering na tinatawag nilang “Miracle Crusade” ng isang sikat na evangelist na galing pa sa ibang bansa & honestly I was also expecting miracles sa aking buhay na sana yong aking paningin (pagka’t mataas ang grado ng aking salamin) ay magamot.

Walang nangyaring “himala” sa bagay na gusto kung mangyari sa aking paningin, pero nakakita ako ng mga taong gumaling daw sa kanilang karamdaman at sila ay nag-bigay pa ng mga patotoo sa kanilang mga naranasan na himala, ako’y masayang masaya sa aking experience na yon, at aking pang ipinag-sabi sa aking mga ka-boardmate at kanilang sinasabi na “baka di naman totoo yong mga ganung himala ” pero ang reason ko sa kanila “kung sakaling di totoo yon sa susunod di na ako pupunta, at kung totoo naman yon ay hindi ko na-miss ang pag-papala ng Diyos”

Meron nga bang himala at ito ba talaga ay galing sa Diyos? Hindi tayo talaga nakakatiyak kung talagang yong mga nangyayaring himala ngayon ay tunay at galing sa Diyos maliban kung ating titignan at pag-aaralan kung ano ang sinasabi ng Bible pagka’t ang Bible ay sapat upang malaman natin kung ano ang totoo.

2 Timothy 3:16 - “All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness”.

Sineryoso ko yong sinabi nila na “baka di naman totoo yong mga ganung himala” I begin to study deeply kung ano ang sinasabi ng Bible regarding sa “himala” or yong“signs & wonders” wala akong time na pumasok sa isang Bible school kaya kailangan kung bumili ng mga theology books at makinig ng mga sermons regarding sa ganung topic at pag-aralan siya in proper exegesis & hermeneutics higit sa lahat yong prayer for guidance.

OLD TESTAMENT

A – Merong himala o kaya yong “signs & wonders na nangyayari at ito’y ginagawa mismo ng Panginoong Diyos, katulad ng paghati sa dagat nong hinahabol ng mga egipto ang mga Istraelita sa wilderness.

B – Merong himala na ginawa ang mga Propeta ng Diyos, katulad ng ginawa nina Propeta Elijah & Elisha, pinagaling sa sakit na ketong ang isang heneral, binuhay ang isang bata, nag-pababa ng apoy mula sa langit at marami pang iba.

C – Hindi lahat ng Propeta ng Diyos ay gumawa ng himala, pero hindi ito nangangahulugan na sila ay hindi isinugo, ang kanilang mensahe na kanilang ipinapahayag ang siyang nag-papatotoo sa kanilang sinasabi pagka’t lahat ng kanilang sinabi ay nag-katotoo.

NEW TESTAMENT

A – Gumawa ng himala si Lord Jesus Christ, nag-pagaling siya ng ibat ibang uri ng sakit at mga iba pang himala, katulad ng pag-lakad sa ibabaw ng tubig, mag-pakain ng napakaming tao sa pamamagitan ng kaunting tinapay at isda, pag-bubuhay ng patay atbp.

B – Gumawa rin ng himala ang mga Disciples, nag-pagaling din ng mga may sakit.

C – Sa Aklat ng ACTS makikita rin natin ang himala na ginawa ni Apostle Peter na madaanan lang ng kanyang anino ang mga me sakit ay gumagaling na sila, ang pag-buhay niya ng patay, a
t si Apostle Paul na bumuhay din ng patay, at maski mag-padala siya ng panyo ay gumagaling ang mga me sakit.

Nangyari ang mga ibat ibang tunay na himala para ipakita


(1) Na yong gumagawa ng himala ay tunay at talagang isinugo ng Panginoong Diyos.
(2) Ito’y tanda ng isang tunay na Propeta o Apostol na isinugo ng Panginoong Diyos.
(3) Para ipakita kung ano ang uri ng Kingdom meron si Lord Jesus Christ.
(4) Para ipakita ang Deity ni Lord Jesus Christ.

Ang mga “himalang” nangyayari ngayon ito ba’y galing sa Diyos? isinulat na sa Bible ang purpose ng “himala” o ang “signs & wonders” , HINDI na natin kailangan ang mga “himala” upang tayo ay maniwala o manampalataya sa Diyos, sapat na mismo ang kanyang salita upang siya ay ating paniwalaan, God can still performs signs, miracles & wonders, pero sa aking conviction hindi na yon ang kanyang normal way na katulad ng naka-record sa Bible, mas gusto pa niya na sa KANYANG SALITA tayo humawak.


PSALMS 119:105 - “Thy word is a lamp unto my feet, and a light unto my path.”

NAGBIGAY NG WARNING ANG BIBLE sa mga “Miracles, Signs & Wonders” na ito ay gagamitin ng evil one (satan)


2 Thessalonians 2:9 - “The coming of the lawless one will be in accordance with the work of Satan displayed in all kinds of counterfeit miracles, signs and wonders”

At baka sa mga pag-papaniwala natin sa mga “himala” tayo na ay nadadaya at ang ating FAITH ay nakasandal sa mga “himala” at hindi sa Salita ng Panginoong Diyos.

SA KABILANG BANDA ako’y naniniwala na ang pinakadakilang himala na ginawa ng Diyos at sa aking conviction na ito’y mag-papatuloy hanggang sa dumating na ang ganap na pag-hahari ng Diyos, AY ANG PATULOY NA PAGLILIGTAS NG PANGINOONG DIYOS SA SANGKATAUHAN.

Gusto mo bang mag-karoon ng “himala” sa iyong buhay?


Romans 10:9 – “That if you confess with your mouth, "Jesus is Lord," and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved”

2 Corinthians 5:17 – “Therefore, IF ANYONE IS IN CHRIST, he is a NEW CREATION; the old has gone, the new has come!”

Saturday, November 6, 2010

H - The final judgment & new world

Pag may simula ang isang bagay o isang pangyayari ito’y mayroong hanganan o dulo, sa ating mga struggles as buhay ito rin ay natapos, at kung meron pa ring mga struggles na nangyayari at dinaranas tiyak din na ito ay lilipas dahil lahat ay mayroong hanganan.

Nang itinatag ni Lord Jesus Christ ang kanyang kingdom dito sa earth siya ay naghari ng isanglibong taon (Millennial Kingdom) na ang kanyang pamamahala ay tapat, meroong hustiya, katuwiran, kapayapaan at pag-ibig at sa pagtatapos ng kanyang paghahari ay muling pakakawalam si Lucifer ang Diablo upang mandaya at humimok ng mga taong magrebelde kay Lord Jesus Christ, ngunit sila ay matatalo at itatapon sa dagat dagatang apoy at makakasama nila ang antichrist at ang false prophet at sila ay pahihirapan forever and ever (REVELATION 20:7-10)

At magkakaroon ng FINAL JUDGMENT (REVELATION 20:11-15) at ito rin ay tinatawag na great white throne judgment

Ito ay paghatol o pag-judge sa mga taong unbelievers o hindi naniwala kay Lord Jesus Christ magmula sa old testament days, church age, tribulation period at sa millennial kingdom at nakasulat sa book of life ang kanilang mga bagay na ginawa.

Kung tutuusin ang FINAL JUDGMENT ay isa lamang formality, dahil ang isang tao na hindi naniwala o hindi nanampalataya kay Lord Jesus Christ ay hindi na ligtas at siya ay already condemned at tiyak na siyang papunta sa hell o sa dagat dagatang apoy .

Sa REVELATION CHAPTER 21 & 22 ay nakasulat doon ang mga mababago kung ang millennial kingdom ay may pagbabagong naganap MAS HIGIT na mayroong pagbaba sa NEW WORLD na gagawin ng Diyos at ito ang ULTIMATE NA PAGBABAGO!

Umiyak tayo dahil nabigo sa isang relationship o dahil tayo ay kanilang sinaktan, nalungkot tayo dahil merong binawian na ng buhay sa ating pamilya, hirap na hirap ang ating kalooban dahil sa mga struggles o difficulties na dinaranas natin sa mundong ito.

Sabi ng Diyos “Behold, I make all things new” (REVELATION 21:5) at kung dati tayo ay umiiyak, nalulungkot, hirap na hirap, nasasaktan at ang bigat ng kalooban natin HINDI NA NATIN MARARANASAN YAN.


REVELATION 21: 4

“And God will WIPE away every TEAR from their eyes, there shall be no more DEATH, nor SORROW, nor CRYING, there shall be no more PAIN for the former things have passed away”

At kung sakaling magkakaroon man ng tears sa ating mga mata ito ay ang
TEARS OF JOY!
Kung ano yong original na intention ng Diyos sa garden of eden ay kanyang ibabalik dito sa NEW WORLD.

REVELATION 22:4
“They shall see His (God) face and and his name will be on their foreheads”

Nang gustong makita ni Moses ang face ng Diyos ay hindi siya pinayagan, dahil sabi ng Diyos ang sinumang makakita sa kanyang face ay mamatay, pero dito sa REVELATION 22:4 ay makikita na ang kanyang face, maaring makikita ng tuwiran o direct o kaya isang pagpapakita lamang na kaya ng ating kapasidad bilang isang tao, at nakatatak ang pangalan ng Diyos sa kanilang noo.

Ito’y nagsasabing meron ng perfect harmony & relationship ang tao sa Diyos wala ng sagabal, wala ng kasalanan na maaring makasira sa relationship tulad ng nangyari sa garden of eden.

AT ANG LAST MESSAGE NG BIBLE na binangit mismo ni Lord Jesus Christ ay ang salitang


“SURELY I AM COMING QUICKLY…” - Revelation 22:20


MY FRIEND, lahat ay may hanganan, lahat ay may paghahatol, lahat ay itutuwid at higit sa lahat may mababago,

kaya’t sabi ko nga sa unang series Christ 2ND coming ay isang BLESSED HOPE!

G – Millennial kingdom

“PAGBABAGO” ito ang sigaw ng bansang lubog sa katiwalian, at ito ang naging tema ng isang Presidential candidate nong nakaraang eleksyon, at sa bawat pagpapalit ng isang liderato ay mayroong nagaganap na pagbabago maging ito man ay maliit o malaki.

Kailan kaya talaga magkakaroon ng tunay na pagbabago, isang pagbabago na kung saang ang pamamalakad ng sistema ay LOVE, JUSTICE , RIGHTEOUSNESS & PEACE, meron pa kaya?

YES! Meron pa when the Lord Jesus Christ will govern & set up the Kingdom of God dito sa earth at ito yong tinatawag na MILLENNIAL KINGDOM, na maghahari si Lord ng isang libong taon.

Sa 2nd coming ni Lord Jesus Christ (2nd Phase) the visble manifestation niya dito sa earth, pag tapos na niyang sugpuin ang antichrist at ang kanyang mga cohorts at talunin sila sa battle of armageddon don na papasok ang Millennial kingdom.

Bago ang pagsisimula ng Millennial Kingdom ay merong munang judgment o paghahatol kung sino ang magiging citizen sa Millennial Kingdom (REVELATION 20:6) at si Satan ay ikukulong sa buttomless pit and shut him up and set a seal on him para di siya makapandaya.


WHAT ARE THE NATURE OF THE MILLENNIAL KINGDOM?

1. CHRIST WILL BE KING

*The branch of David will rule – Jer. 23:5
*Christ will fullfill his prophised role – Luke 1:32,33

2. ISRAEL WILL BE PROMINENT

*Israel will be favored nation – Isa. 2:1-3
*Jerusalem will be the capital city – Isa. 60:10-14


3. CHRIST WILL REFLECT HIS CHARACTER

*Justice for everyone – Isa. 2:4
*He will reign in righteousness – Jer. 23:5
*The earth will be at peace – Zech.8:4.5
*People will be safe – Jer. 23:5,6

4. THE NATURAL WORLD WILL BE TRANSFORMED

*Climate will be ideal – Isa. 30:23-26
*Wild animals will be tame – Isa. 11:6-8
*Fishing will be great – Ezek. 47:9,10
*People will have good health – Isa. 65:19, 20, 22
*Trees will provide food and medicine – Ezek. 47:12

5. GOD WILL BE WORSHIPED

*His name will be known througout the world – Mal. 1:11
*The temple of Jerusalem will be the center of worship – Ezek. 40,48
*Representative will come every from everywhere – Zech. 14:16
*All mankind will come – Isa. 66:25
*The Jews will lead in worship – Isa. 60:10-14

Sa ibang pananalita ang MILLENNIAL KINGDOM ni Lord Jesus Christ ay higit pa sa panahon ng paghahari ni king solomon ng siya ay maghari sa bansang Israel.

Huwag na tayong lumayo, makinig ka sa radio, manood ng tv at magbasa ng mga dyaryo ang sistemang ating ginagalawan ay sirang sira at halos lahat ay negatibo, PERO sa MILLENNIAL KINGDOM lahat ay kabaliktaran ng ating sistema ngayon, walang naaapi, walng nang-aapi, lahat ay pantay pantay.

Kung ikaw ang tatanungin, siguradong HINDI KA TATANGI at GUSTO MO ang ganung uri ng sistema ng pamamalakad.

Isang napakahalagang tanong sa ating sarili ‘karapat-dapat ba akong maging bahagi ng Millenial Kingdm ni Lord Jesus Christ?”

MY FRIEND, sana pag naganap na ang Kingdom na yan SANA AY KASALI TAYO


NEXT TOPIC # 8 – FINAL JUDGMENT & NEW WORLD

F – Christ 2nd coming & Armageddon

“I shall return” ito ang sinabi ni General Douglas MacArthur at nangyari ito nong 1942 nang siya ay dumaong sa Leyte, at ito ang hudyat ng liberation o pagpapalaya sa ating bansa sa kamay ng mga hapones na sumakop sa ating bansa, at ang ating bansa ay nagalak dahil tayo ay mapapalaya na.

Ganun din tayo pag tayo ay pinangakuan ng isang bagay tayo ay umaasa na ito ay tutuparin ng taong nag-pangako sa atin, at pag natupad tayo rin ay tuwang tuwang, di ba’t nong bata pa tayo pag tayo ay pinangakuan ng ating magulang na tayo ay ibibili ng damit o kaya laruan at pag yon ay natupad tayo ay tuwang tuwa abot tenga ang ating mga ngiti.

Aking sinabi sa topic na RAPTURE na ang pagbabalik ni Lord Jesus Christ ay may dalawang uri

Ang RAPTURE ng mga belivers o church people ay eme-meet ni Lord sa air at magkakaroon ng “transportation” at “transformation” at maiiwan ang iba rito to meet & face the antichrist & experience the great tribulation.

At ang isang uri o 2nd phase ay ang kanyang pagbabalik sa earth na visible na makikita siya ng lahat ng tao na andito sa earth.

Acts 1:11
“They also said, "Men of Galilee, why do you stand looking into the sky? This Jesus, who has been taken up from you into heaven, will come in just the same way as you have watched Him go into heaven."

Dalawang (2) interpretation ang pwede nating Makita sa text ng Acts 1:11 (1) pumunta siya sa heaven ay visible siya nakita at sa kanyang muling pagbabalik (2nd phase) ay visible din siyang makikita. (2) nang glorified siyang umakyat sa heaven ay glorified din siyang babalik sa earth.

SA KANYANG PAGBABALIK SA EARTH (2nd phase)

(1) although He is punishing the nation Israel thru great tribulation, He will also save Israel at ang kanyang ese-save ay ang REMNANT ng Israel people.

Romans 11:1
“I say then, God has not rejected His people, has He? May it never be! For I too am an Israelite, a descendant of Abraham, of the tribe of Benjamin.

Verse 5 – “In the same way then, there has also come to be at the present time a REMNANT according to God's gracious choice

Verse 26 – “and so ALL Israel will be saved; just as it is written, "THE DELIVERER WILL COME FROM ZION, HE WILL REMOVE UNGODLINESS FROM JACOB."

(2) He will save the believing Gentiles/Non Jews na mga naniwala sa Gospel at nanindigan at hindi nagpasakop sa Antichrist.

(3) He will destroy the Antichrist at ang kanyang mga cohorts.

ANO ANG MANGYAYARI BAGO MAG-APPEAR SI LORD JESUS CHRIST SA EARTH?

Matthew 24:29
“"But immediately after the tribulation of those days THE SUN WILL BE DARKENED, AND THE MOON WILL NOT GIVE ITS LIGHT, AND THE STARS WILL FALL from the sky, and the powers of the heavens will be shaken”

Verse 30 – “…they will see the SON OF MAN COMING ON THE CLOUDS OF THE SKY with power and great glory.”

ANO ANG REACTION NG MGA TAO?

Verse 30 – “…then all the tribes of the earth will mourn…”

The heavenly bodies will not function, sign will appear, people mourn, then Lord Jesus Christ coming of clouds (Shekinah Glory) of heaven with power and great glory!


AT SA KANYANG PAGBABALIK SA EARTH AY MERONG BATTLE OF ARMAGEDDON

May mga ibang pananaw pagdating sa tinatawag na ARMAGEDDON, ang iba ay nag-sasabi na mag-wawakas ang mundo sa pamamagitan ng isang nuclear war o kaya atomic bomb o sa isang pagbagsak ng isang napakalaking meteor dito sa mundo kaya siguro nabuo ang movie na “Armageddon” na pinagbidahan ni Bruce willis at yong “deep impact” pero ang mga yan ay puro haka haka lamang o kwentong barbero. MAG-WAWAKAS ANG LAHAT NG BAGAY DITO SA MUNDO SA PAGDATING NI LORD JESUS CHRIST TO SET UP THE KINGDOM OF GOD.

ANO NGA BA ANG ARMAGEDDON?

Ito’y isang lugar na maglalaban ang forces of evil na pinamumunuhan ng antichrist at ang kanyang mga cohorts (evil spirits & demons) at ang mga pinuno ng bansa upang labanan si Lord Jesus Christ and His armies at sila ay matatalo (Revelation 16:12-16 at Revelation 19:11-21) di ko na siya edi-detail & I think yan ang basic scenario na mangyayari ayon sa Bible sa pagbabalik ni Lord ni Lord Jesus Christ dito sa earth.

E ANO NGAYON?

Sa Matthew 24, merong Parable of the FIG TREE na nagsasabing “Heaven & earth will pass away but my words will no means pass away” sa Parable of FAITHFUL & EVIL SERVANT ay nagsasabing “the master of that servant will come a day when he is not looking for him and at an hour that he is not aware” at sa Parable ng WISE & FOOLISH VIRGINS ay nagsasabing “…Lord, Lord open to us!” :But he answered and said assuredly I say to you , I do not know you”

Parable of the fig tree = Christ coming is sure
Parable of the faithful & evil servant = Christ coming is unexpected
Parable of wise & foolish virgins = Maybe Christ don’t know you

Galing mismo sa mga pangungusap ni Lord Jesus Christ na talagang siya ay darating sa araw at panahon na di natin inaasahan, alin kaya tayo sa parable of the virgins, tayo kaya ay wise o foolish? Na sinasabing “I don’t know you” sa parable of the faithful & evil servants, saan kaya tayo don?

MY FRIEND, Sana nabasa mo siya mula sa umpisa (BLESED HOPE, THE SIGNS, RAPTURE, ANTICHRIST & TRIBULATIONS/GREAT TRIBULATION) hangang sa dumating sa part na ito, my intention ay hindi para takutin ka o magbigay ng isang kwento na sinulat ng mga magagaling na writer o isang kwentong pang-movie at lalong hindi ko intention na ipakita ang aking theological knowledge sa bagay na ito,

I’m praying na sana si Lord Jesus Christ thru the power ng Holy Spirit at sa kanyang Inspired Word (Bible) ay hindi mo maranasan ang mga bagay na mangyayari sa last day.

THE TIME IS NEAR…PERHAPS TODAY

NEXT TOPIC # 6 – MILLENNIAL KINGDOM

E – The great tribulation

Tayong mga tao ay mayroon tayong tinatawag na “Special Day” para sa ating sarili o kaya para sa ating pamilya at pag dumating ang araw na yon ay talagang pinaghahandaan, katulad na lang kung ikaw ay makikipag-date o merong kang e me-meet na importanteng tao ito’y ating pinaghahandaan, magmula sa porma ng damit at sa pananalita tayo ay ingat na ingat o kaya sa isang Family Reunion ay talagang pinaghahadaan ng husto.

Merong tinatawag na ‘’Day of the LORD” sa Bible ito’y tumutukoy sa paghatol ng ating mga ginawa at it will be revealed by fire.

1 Cor. 3:13
“each man's work will become evident; for the day will show it because it is to be revealed with fire, and the fire itself will test the quality of each man's work”

Ito'y tumutukoy sa VISIBLE APPEARANCE of Lord Jesus Christ sa earth (2nd phase of His 2nd coming).

Matthew 24:30
"And then the sign of the Son of Man will appear in the sky, and then all the tribes of the earth will mourn, and they will see the SON OF MAN COMING ON THE CLOUDS OF THE SKY with power and great glory”

Ito’y tumutukoy bilang isang “Thief”

2 Peter 3:10
“But the day of the Lord will come like a thief…”

At ito rin ay tumutukoy sa JUDGMENT & WRATH OF GOD dito sa earth at ito ay tinatawag na Tribulations o GREAT TRIBULATION, ito at binangit ni Lord Jesus Christ sa Matthew 24:30

Matthew 24:30

“For then there will be a GREAT TRIBULATION, such as has not occurred since the beginning of the world until now, nor ever will.”

HINDI si Nostradamus o sinomang Psychic na tao ang pinagmulan na merong Tribulations o Great Tribulation, ito’y galing mismo kay Lord Jesus Christ, so it is sure & certain na mangyayari ito.

ANO ANG LAYUNIN O PURPOSE NG TRIBULATIONS O ANG GREAT TRIBULATION?

1. JUDGMENT TO THE JEWS


Jeremiah 30:7 - “Alas! for that day is great, There is none like it; And it is the time of Jacob's (Israel) distress,

BAKIT MERONG JUDGMENT SA MGA JEWS?

Mula sa simula at sa pagkapili sa kanila bilang isang bansa sila ay laging sumusuway kay Yahweh, ganun pa man patuloy silang kinakalinga ni Yahweh, at ng dumating si Lord Jesus Christ hindi nila ito kinilala bilang Bugtong na Anak ng Diyos, at kanila pa nilang ipinapako sa krus sa kamay ng mga romano, at iyon ang napakalaking kalapastanganan kaya sila ay hahatulan.
2. JUDGMENT TO THE UNBELIEVING WORLD/GENTILE NATIONS

Isaiah 13:11-13 - “Thus I WILL PUNISH THE WORLD for its evil And the wicked for their iniquity; I will also put an end to the arrogance of the proud And abase the haughtiness of the ruthless, will make mortal man scarcer than pure gold And mankind than the gold of Ophir. Therefore I will make the heavens tremble, And the earth will be shaken from its place At the fury of the LORD of hosts In the day of His burning anger”

BAKIT ME JUDGMENT SA GENTILE WORLD?

Katulad din ng mga Jewish people o ang bansang Israel, ang Gentile world ay guilty rin hindi lang sa kasalanan na namana kay Adan at Eba, kundi sa hindi pag-tangap o pag-believe sa Gospel about kay Lord Jesus Christ, na siya lang ang tanging tagapagligtas.

3. JUDGMENT TO ANTICHRIST & HIS COHORTS

2 Thessalonians 2:8 - “Then that lawless one will be revealed whom the Lord will slay with the breath of His mouth and bring to an end by the appearance of His coming;”

Revelation 19:20 – “And the beast (ANTICHRIST) was seized, and with him the false prophet who performed the signs in his presence, by which he deceived those who had received the mark of the beast and those who worshiped his image; these two were thrown alive into the lake of fire which burns with brimstone

ANO ANG MGA BAGAY NA MANGYAYARI SA TRIBULATIONS O SA GREAT TRIBULATION?

THE SEALS (Revelation 6) - Antichrist, War, Famine, Death, Martyrdom, Global Destruction.

THE TRUMPETS (Revelation 8-9) – Vegetation Destroyed, Death at Sea, Fresh Water Poisoned, the Heavens struck, Terrible Locust & Death by Demons.

THE BOWLS (Revelation 15-16) – Ugly Sores, Death of Marine Life, Fresh Water Contaminated, Unbearable Heat, Darkness & Pain, Demonic Hordes.

Kung titignan natin ang mga nakalagay sa “THE SEALS” “THE TRUMPETS & “THE BOWLS” parang pang-movie o pang-komiks lang siya lalo na ngayon dahil meron ng mga movie na nagpapalabas tungkol sa mga calamity o destruction ng mundo.

I will share to you my experienced, nong July 16, 1990 nang lumindol sa Dagupan City nandoon ako, sa katunayan ako ay nanonood ng sine (hindi ako pumasok sa class ko non hehehe) sa Rodela Cinema, I’m still remember the title ng pinapanood kung sine “Ayaw matulog ng gabi” at ako ay nasa balcony ng sinehan I don’t know na lumilindol na pala until nag-alisan yong mga katabi ko, kaya ako ay umalis na rin at sa may gitna ng hagdan pababa ako pa nga ay nadulas buti na lang ako ay nakakapit, umuugong, umungol ang lupa habang lumilindol para kang idinuduyan sa lakas niya at ng matapos ay nabiyak ang mga lupa, lumabas ang putik,nagsasara at nagbubuka ang lupa, lahat ng tao ay nasa gitna ng kalsada umiiyak, takot, di alam ang gagawin, me mga namatay, magulo, lahat gusto ng makauwi sa kanilang bahay at kung mag-after shock ay nag-hihiyawan ang mga tao at merong mga nag-dadasal akala nila ay “Judgment day” na o paghuhukom na ng Diyos.

NAKAKATAKOT! MAS HIGIT PA DYAN ANG MARARANASAN NG MUNDO SA PAGDATING NG GALIT NG PANGINOONG DIYOS.

MY FRIEND, hindi pwedeng hindi magkatotoo ang mga bagay na mangyayari sa Tribulations o sa Great Tribulation, Ang nangyari sa July 16, 1990 EARTHQUAKE ay isa lamang itong patikim, ganon din sa nangyari sa ating bansa na bagyong “COSME” “ONDOY” at “PEPENG” at sa mga kalamidad na nangyari sa ibang bansa.

Revelation 6:17
“for the great day of their wrath has come, and WHO IS ABLE TO STAND?"

MY FRIEND, tatagal ka ba?


NEXT TOPIC : # 5 – CHRIST 2ND COMING & ARMAGEDDON

D – Rise of the antichrist

Laging merong kontrabida o kalaban, sa mga movie ay ating nakikita yan kung merong Spiderman na bida merong Venom na kalaban at kung may Batman merong Joker o kaya si Riddle.

Maging sa Bible ay meron ding Kontrabida o kalaban wala ng iba kundi si Lucifer the anointed cherub ng Diyos at siya rin ay tinatawag na Satanas o Diablo, he always resist God, at meron siyang kanang kamay upang ipatupad ang kanyang mga balak na masama sa last days ng daigdig o nang human history at ito ay ang ANTICHRIST.

Nang sumiklab ang Gulf War sa Middle East nong August 2, 1990, me mga nagsasabi na lilitaw na raw ang Antichrist, may mga iba na nagsasabing ito ay magmumula sa Middle East at ang mga ibang Bible scholars ay nagsasabing siya daw ay isang political leader o kaya isang religious leader ang iba naman ay nagsasabing magmumula sa lahi ng mga Jewish people, maaaring tama at speculation lang ang mga yan ONLY THE BIBLE ang makapagbibigay ng information regarding sa Antichrist.

1 John 2:18
“…ANTICHRIST IS COMING…” (NASB) so sinasabi mismo ni Apostle na merong Antichrist na darating.

Maraming mga verses o text sa Bible na makapagsasabi about sa Antichrist, pumili lang ako ng ilan na I think best description sa kanya.

ANG ANTICHRIST AY

1. MAN OF PEACE

Revelation 6:2
“I looked, and behold, a white horse, and he (Antichrist) who sat on it had a bow; and a crown was given to him, and he went out conquering and to conquer”

Bible scholars believed na ang nakasakay sa white horse ay ang Antichrist, at siya ay “conquering and to conquer” hindi ito conquering sa pamamagitan na pag-gamit ng dahas o karahasan ito’y pag-conquer sa pamamagitan ng peacetalks o pagkakasunduin niya ang buong bansa.

Ang buong daigdig ay naghahanap ng kapayapaan, upang matigil na ang mga digmaan at hidwaan ng mga bansang magkalaban, at ang pinakaprominent na mortal na magka-away ay ang Jewish nation at ang Arab nation, Judio at Muslim.

Ang mga Judio ay favored people ng Diyos dahil sila ang pinili sa lahat ng bansa, at kung ating obserbahan pag ang bansang Israel o ang mga Jewish people ang sangkot sa kaguluhan o digmaan ang buong mundo ay nagugulo, ang mga world leaders ay nakikialam lalo na ang bansang America.

At sinasabi ng Bible na “Pray for the peace of Jerusalem” bakit sinabi ng Bible na ipag-pray ang “peace” ng Jerusalem o ang Israel? Pagka’t ang sabi rin ng Bible na kung sinoman ang mang-gugulo sa Jerusalem o sa bansang Israel ay magiging pabigat sa buong mundo.

Ayon sa mga Bible scholars, ang Antichrist ay makikipag-kasundo sa Israel pamamagitan ng kasunduan o covenant na muling itayo ang kanilang temple sa Jerusalem, Ang temple ng mga Jewish people ay nasira nong A.D. 70 ayon sa Prophecy ni Jesus Christ, at wala silang temple na pag-aalayan ng kanilang offering, at isang kasalanan na ikaw ay mag-alay sa isang lugar na hindi iyon ang iniuutos ng Diyos na si Yahweh, kailangan merong specific na lugar o temple na pag-aalayan.

Ang problema ang specific na lugar na pwede nilang pagtayuan ay yong mismong kinalalagyan ng DOME OF THE ROCK ito yong temple na pangalawa sa pinakabanal na temple ng mga arab o ng mga muslim. Sa DECEPTION ng Antichrist thru the power of satan he will convince the arab nations na doon ipatayong muli ang temple ng mga Jewish people, at diyan ma-aachieve ng Antichrist ang PEACE which is FALSE PEACE pagkat kanya rin niyang sisirain ang kanyang covenant sa bansang Israel, at siya mismo ay pupunta sa temple at ituturing niya ang kanyang sarili bilang Diyos.

2 Thessalonians 2:4
‘…he takes his seat in the temple of God, displaying himself as being God.”

2. MAN OF LAWLESSNESS

2 Thessalonians 2:8,9
“Then that LAWLESS ONE will be revealed … that is, the one whose coming is in ACCORD with the ACTIVITY OF SATAN, with all power and signs and false wonders,”

The Antichrist is LAWLESS, ACCORD WITH ACTIVITY OF SATAN, unimaginable ang kanyang kasamaan walang katumbas at walang makakapantay sa kanyang mga gagawin, at lahat ng pangdaraya, deception at mga himala o milagro at maging ang kanyang spirit to deceive ay kumilos na rin yon sa ating panahon. Kaya’t mag-ingat sa mga hima himala baka nadadaya ka na.

 
3. HE WILL CONTROL THE WORLD

Revelation 13: 14-18
“And he deceives those who dwell on the earth because of the signs which it was given him to perform in the presence of the beast, telling those who dwell on the earth to make an image to the beast who had the wound of the sword and has come to life.”

“ And it was given to him to give breath to the image of the beast, so that the image of the beast would even speak and cause as many as do not WORSHIP THE IMAGE OF THE BEAST to be killed.”

“And he causes all, the small and the great, and the rich and the poor, and the free men and the slaves, to be given a mark on their right hand or on their forehead,”

“and he provides that NO ONE WILL BE ABLE TO BUY OR SELL except the one who has the mark, either the name of the beast or the number of his name.”

“Here is wisdom Let him who has understanding calculate the number of the beast, for the number is that of a man; and his number is six hundred and sixty-six”

Antichrist will control the world, politically, religiously and economically, siya ay sasambahin at kikilalanin siya ng mga leaders ng buong mundo at siya ang pag-mumulan ng authority upang makakuha, makabili ka ng iyong pangangailangang material.

At kung ang isang tayo ay pamilyado at meron siyang anak na maliit na nangangailangan ng gatas at ang ONLY WAY para makakuha ng gatas na ipapainom sa kanyang anak ay yong matatakan siya ng 666 WHICH IS THE THE MARK OF ANTICHRIST kung saan ang kapalit ay ang kanyang kaluluwa papuntang impyerno at judgment ni God, diba napakahirap na situation yon?

Pag nag-karoon na ng Rapture o ang pag-dagit ni Lord Jesus Christ sa church/belivers at nag-meet na sila sa air, THE ANTI CHRIST WILL RISE WITHOUT DELAY, ang kasamaan na ang maghahari, NO JUSTICE, NO MERCY, EVERYTHING IS EVIL

MY FRIEND, gusto mo bang ma-meet ang Antichrist? O ma-meet si Lord Jesus Christ in the air?


NEXT TOPIC: # 3 – THE TRIBULATIONS/GREAT TRIBULATION
.

C – The rapture

Nong elementary ako merong kaming laro na kaming mga grade 5 at grade 6 ay nag-uunahan kung sino ang unang maka-snatch ng panyo at kanya itong itatakbo sa finish line.

Sa muling pagbabalik ni Lord Jesus Christ merong pag-snatch na mangyayari ito ay ang tinatawag na “RAPTURE”, meron pa nga akong nabasa dati sa Philippine Daily Inquirer na me mga taong nag-aantay ng RAPTURE at kanilang ipinagbili ang kanilang mga kagamitan at nagtago na lang sa isang lugar at hinihintay ang pagdating ng event na yon.

Me mga iba’t ibang point ang mga Theologian at mga Bible Scholars, sa group ng mga tinatawag na Covenant Theology ay hindi sila naniniwala na merong rapture at sa panig naman ng mga Dispensationalist sila naman ay naniniwala na meron RAPTURE na magaganap at yan ang aking belief regarding sa subject na ito.

ANG MULING PAGBABALIK NI JESUS AY MAY DALAWANG (2) PANGYAYARI

1. Coming in the cloud/air to meet the Believers/Church - RAPTURE.
2. Coming back to earth (I will discuss this in ARMAGEDDON)

QUESTION:
 
Meron nga bang RAPTURE? Ito ba ay nasa Bible?

ANSWER:

Ang salitang TRINITY sa Bible ay hindi mo makikita PERO hindi mo maikakaila ang kanyang katotohan na merong ganun teaching, parehas din ng salitang Rapture.

Yong term na RAPTURE ay galing sa 1 Thessalonians 4:17 na ang BUHAY na believers will be “CAUGHT UP” with the dead believers in Christ to meet the Lord Jesus Christ,


Ang greek word na ginamit ni Paul sa “caught up” ay “HARPAZO” = “TO SNATCH AWAY” nang sinulat ang Bible sa Latin ang mga scholars rendered ‘HARPAZO” as “RAPTURO” at sa english word ay “RAPTURE”

Therefore maski ang salitang RAPTURE does not appear sa english translation ng Bible yong sense ng word ay nandoon.

BIBLE TEXTS NA NAGSASABI AT ME CONNECTION ABOUT THE RAPTURE NG BELIEVERS


1 THESSALONIANS 4:16-17
“For the Lord himself will come down from heaven, with a loud command, with the voice of the archangel and with the trumpet call of God, and the dead in Christ will rise first. After that, we who are still alive and are left will be CAUGHT UP together with them in the clouds to meet the Lord in the air. And so we will be with the Lord forever.”

Sinasabi ng 1 Thes. 4:16-17 na ang Lord ay bababa mula sa heaven at ang mga namatay kay Lord ay muling babangon at ang mga buhay na believers ay ma “caught up” kasama ang mga namatay kay Christ


Ang text na ito ay yong tinatawag na “TRANSPORTATION” ang paglipat ng believers sa physical world sa heavenly world na kung saang makakasama na si Lord forever.

1 CORINTHIANS 15:51-52
“Listen, I tell you a mystery: We will not all sleep, but we will all be changed— in a flash, in the twinkling of an eye, at the last trumpet. For the trumpet will sound, the dead will be raised imperishable, and we will be changed.”

1 Corinthians 15:51-52 ay tumutukoy sa “TRANSFORMATION” ng ating physical body papunta sa glorified body na karapatdapat sa presence ng Diyos.

“Transportation” & “Transformation “ yan ang dalawang bagay na mangyayari sa RAPTURE ng believers in Christ.

QUESTION:

Bakit meron pag “snatch”, pag “caught up o “RAPTURE” sa mga believers in Christ?

ANSWER:

Revelation 3:10
“Since you have kept my command to endure patiently, I will also keep you from the hour of trial that is going to come upon the whole world to test those who live on the earth”

Merong “trial” at “testing” na mangyayari sa buong mundo at ang sense ng trial & testing na yan ay ang WRATH OF GOD, parurusahan ang mga maiiwan, magkakaroon ng pighati at paghihirap na hindi pa nararanasan at hindi na muling mararanasan pa ng mundo.

Napanood ko noon sa Araneta Coliseum ang movie na “Left Behind” at isa sa mga celebrity na kumanta ay si Gary Valenciano at kanyang kinanta ang “The warrior is a child” at siya ay nagbigay ng konting encouragement pagkatapos niyang kumanta, at ito ang kanyang sinabi “Nakikita nyo ako sa TV, concert at sa movie at ang tingin sa akin ay superstar kasi Gary Valenciano PERO katulad ko rin kayo kailangan ko si Jesus Christ sa buhay ko bilang Savior & Lord’’

Ang point ni Gary Valenciano ay even you have everything in this life if you don’t have Jesus Christ & His salvation you are nothing.

Ang nakakatawa ngunit nakakatakot sa part ng movie na “Left Behind” ay yong part na merong isang taong religious, “Blameless” sinusunod niya ang bible siya ay naiwan at siya ay nagtataka. frightening di ba?

MY FRIEND , mararapture ang tao hindi sa siya ay religious, palasimba at gumagagawa ng mabuti, kundi nagpaligtas siya kay Lord Jesus Christ!

MY FRIEND, kung dumating ang RAPTURE, kasama ka ba o maiiwan? Katulad ng mga believers sa 1 Thessalonians 4:16-17 na kasama sa rapture or katulad ka ng taong religious sa pelikulang Left Behind?
 
NEXT TOPIC : # 3 - RISE OF THE ANTICHRIST

.

B – The signs

Ang mga treasure hunter pag naghahanap sila ng treasure ay mayroong palatandaan o signs na malapit na sila sa kanilang hinahanap, maaring ito’y nasa kanilang mapa o kaya andoon mismo sa lugar ng kanilang pinaghahanapan, Maging sa isang babaeng nag-dadalangtao meron ding tanda na malapit na siyang manganak dahil sinasabi nila kabuwanan na niya, at sa isang taong nagmamahal siya ay nagbibigay ng isang mahalagang bagay sa kanyang iniibig patunay na ito ay tanda ng kanyang pagmamahal.

Sa muling pagbabalik ni Lord Jesus Christ nagpahayag siya ng mga tanda o signs sa kanyang muling pagbabalik ng kanyang sinagot ang tanong ng kanyang mga disciples.

Matthew 24:3
“…As He was sitting on the Mount of Olives, the disciples came to Him privately, saying, "Tell us, …what will be the sign of Your coming...” (NASB)

At nagpahayag si Lord Jesus Christ ng mga signs sa Matthew 24

1. False Christ
2. Wars
3. Rumors of wars
4. Nation against nation
5. Earthquake
6. Killing
7. Flight
8. Pestilences

At merong remarkable na signs na masasabi ko na napakalinaw (although lahat ng mga signs ay lilitaw) na binangit mismo ng Triune God (Father, Son at Holy Spirit)

1. GOD THE FATHER: Yahweh


Ang Prophecy sa Old testament na ang mga Jewish people o ang bansang Israel ay muling mabubuo bilang isang bansa, makikita sa pages of scriptures na ang mga Jewish people ay nag- wander at nagkahiwahiwalay dahil sa hindi nila pag-sunod sa kautusan ni YAHWEH na kanilang Diyos at sila ay sinakop ng iba’t ibang bansa nguni’t sila ay pinapalaya ng Diyos pagka’t sila ang bansang kanyang pinili.

Ezekiel 37:21
“Say to them, 'Thus says the Lord GOD, "Behold, I will take the sons of Israel from among the nations where they have gone, and I will gather them from every side and bring them into their own land” (NASB)

At nangyari ang pagbabalik ng Jewish people at ang pagbuo muli ng kanilang bansa bilang isang independent nation nong May 14, 1948.

2. GOD THE SON: Jesus Christ

Ang Prophecy ni Lord Jesus Christ tungkol sa temple ng Jerusalem na kanyang sinabi na wala ni isang bato ang tatayo lahat ay guguho at walang matititra

Matthew 24:2
“And He said to them, "Do you not see all these things? Truly I say to you, not one stone here will be left upon another, which will not be torn down." (NASB)

At nangyari nong A.D. 70 ng nilusob ng mga Roman soldiers ang Jerusalem at kanilang sinira ito.

3. GOD THE HOLY SPIRIT: The Spirit of truth

Ang prophecy ng Holy Spirit regarding sa faith at sa deception of demons.

1 Timothy 4:1
“But the SPIRIT EXPLICITLY SAYS that in later times some will fall away from the faith, paying attention to deceitful spirits and doctrines of demons” (NASB)

At nangyayari na rin ito dahil marami ng naglitawan at maglilitawan pa na mga teachings upang iligaw ang mga tao sa tunay na faith.

YES! Nakita, Nakikita at mangyayari pa, yong nga lang earthquake sa atin nong 1990 isa iyong patunay, ang mga digmaan sa bansang Israel at sa Lebanon, ang pagsabog ng world trade center sa america, ang mga nangyayaring pagbaha sa atin, ang hurricane katrina, LAHAT AY NANGYAYARI NA AT MALIWANAG PA SA SIKAT NG ARAW!

At maging sa makabago at “hi tech” na panahon natin nakikita rin natin ang epekto sa mga laro sa computer games katulad ng DOTA, COUNTER STRIKE, ang ipinapakita o ang kanilang theme ay puro karahasan.

Matthew 24:33
“so, you too, when you see all these things, recognize that He is near, right at the door.” (NASB)

So malapit na pala at maaaring NGAYON, BUKAS O SA MAKALAWA.

QUESTION:

Bakit nagbigay ng mga signs si Lord Jesus Christ sa kanyang muling pagbabalik?

ANSWER:

Matthew 24:42
“Therefore be ON THE ALERT, for you do not know which day your Lord is coming.”

“Alert”, “keep watch” yang ang gustong iparating sa atin ni Lord Jesus Christ, at siya ay nagbigay ng halimbawa sa mga taong hindi alerto at hindi nagbabantay, itinulad niya ito sa panahon ni Noah na ang mga tao ay walang pakiaalam at hindi nakinig sa mga babala hangang sa dumating ang baha.

At me mga taong ganyan, minsan ako ay nakapanood ng isang programa yong Fashion TV, kung saan ipinapakita nila ang mga usong mga damit at mga lugar na magaganda at ang naka-attract sa akin ay yong pag-papakita nila ng mga bar at parties na kung saan nakikita ang mga tao na nag-sasaya walang pakialam sa mundo na parang wala ng katapusan ang lahat ng bagay at naka-focus sa mga nandirito sa mundo.

MY FRIEND, sana hindi tayo ganun, maging “alert” at “keep watch” tayo imulat natin ang ating mga mata, sapagka’t ang mga “SIGNS” ay nagaganap na, huwag nating iwalang bahala.


NEXT TOPIC : # 2 – THE RAPTURE

.

A - The blessed hope

Hindi maikakaila na ang mundong ginagalawan natin ay makabago na “hi tech” “computer age” kung tawagin ng iba, mag-mula sa kagamitan sa mga musika, sa mga pananamit o fashion maging sa mga pananalita ay nagbabago na rin may mga salitang pinapa-uso at halos lahat na yata ay makabago na maging sa pananaw sa moralidad ay nagbabago na rin.

Sa kabila ng pagiging makabago ng ating panahon saan naman kaya ito papunta o patungo? papunta ba ito sa panahon ng star wars o sa startrek?

Well me plano ang Diyos at hindi niya plano na gawing star wars o startrek ang mundong ginagalawan natin, ito’y kanyang papalitan at paghaharian ni Jesus Christ the Son of God.


At walang anoman effort, makapangyarihang bansa o isang influential person ang pwedeng pumigil sa kanyang plano.

I suggest na merong pitong (7) mga bagay na magaganap bago makumpleto ang planong iyon ng Diyos ayon sa Bible share ko ang bawat isa niyan kung ano ang sinasabi ng Bible.

1. The Signs
2. The Rapture / Coming of Christ in the air (1st Phase of His 2nd Coming)
3. Rise of the Antichrist
4. The Tribulations/Great Tribulation
5. Christ Second Coming (2nd Phase of His 2nd Coming) & The Armageddon
6. Millennial Kingdom
7. Final Judgment & New world

Bago natin tignan kung ano ang sinasabi ng Bible sa 7 events na yan, talaga nga bang totoo na darating si Jesus Christ?

2 Peter 3:4

"Where is the promise of His coming? For ever since the fathers fell asleep, all continues just as it was from the beginning of creation." (NASB)

Yan ang tanong ng mga skeptic nong araw regarding sa pangako na muling babalik si Jesus Christ, parang nanunuya o nang-aasar pa sila at maging sa panahon natin ay merong pa ring mga tao na hindi naniniwala, nagdududa at ang iba naman ay winawalang bahala nila ang muling pagbabalik ni Jesus Christ.

Pero sabi ni Apostle Peter sa verse 9 ““The Lord IS NOT SLOW ABOUT HIS PROMISE, as some count slowness, but is patient toward you, not wishing for any to perish but for all to come to repentance.” (NASB)


WHAT PROMISE?

John 14:3
“If I go and prepare a place for you, I will come again and receive you to myself, that where I am, there you may be also” (NASB)

Revelation 11:15

“Then the seventh angel sounded; and there were loud voices in heaven, saying, "The kingdom of the world has become the kingdom of our Lord and of His Christ; and He will reign forever and ever." (NASB)

So John 14:3 “…I WILL COME AGAIN…” & Revelation 11:15 “…THE KINGDOM OF THE WORLD HAS BECOME THE KINGDOM OF OUR LORD AND OF HIS CHRIST…”

It is crystal clear na sigurado na darating si Jesus Christ to set up the Kingdom of God. Maging ang mga Prophets ng Old Testament (OT) AY KANILA RING INIHULA ITO.

Example:


Zechariah 14:4

“In that day His feet (JESUS CHRIST) will stand on the Mount of Olives, which is in front of Jerusalem on the east; and the Mount of Olives will be split in its middle from east to west by a very large valley, so that half of the mountain will move toward the north and the other half toward the south.” (NASB)

Kung tayo ay napapahanga sa mga predictions ni Notradamus, mas lalong karapat-dapat na humanga tayo at paniwalaan ang sinasabi ng Bible regarding sa muling pagbabalik ni Jesus Christ, sapagka’t ang character mismo ng Panginoong Diyos ang nakataya.

1 Samuel 15:29"Also the Glory of Israel will not lie or change His mind; for He is not a man that He should change His mind." (NASB)

Numbers 23:19

“God is not a man, that He should lie…Has He said, and will He not do it? Or has He spoken, and will He not make it good?” (NASB)

At higit sa lahat ang MULING pagbabalik ni Jesus Christ ay “BLESSED HOPE”

Titus 2:13 “looking for the blessed hope and the appearing of the glory of our great God and Savior, Christ Jesus” (NASB)

MY FRIEND, excited ka ba sa pagdating nang araw na yan, katulad ng pagiging excited ng isang batang nag-aantay ng pag-uwi ng kanyang magulang at higit sa lahat, Do you have this blessed hope in your heart?


NEXT TOPIC : # 1 - THE SIGNS

Friday, November 5, 2010

"3D"

“THE DOORS WE OPEN AND CLOSE EACH DAY  DECIDE THE LIVES WE LIVE”  - Flora Whittemore

Nang isilang tayo sa mundong ito wala sa atin ang decision kung sino ang magiging magulang natin, saang bansa tayo ipapanganak, anong antas ng lipunan tayo maipapanganak sa mayaman ba o mahirap na pamilya, anong kulay natin maitim o maputi at kung ano ano pa.

Sa ating paglaki at pag-kakaroon na ng tamang kaisipan tayo ay nag-kakaroon na ng mga pagkakataon sa ating sarili na mag-desisyon lalo na pag tayo ay nasa tamang edad na.

At sa ating araw araw na pamumuhay tayo ay napapaligiran ng napakaraming decision. Ito’y nagsisimula sa mga malilit na bagay, katulad ng kung ano ang isusuot, natin, ano ang kakainin hangang sa mga medyo kumplikado na na mga decision.

May tatlong decision na malaki ang nagiging epekto nito sa ating sariling buhay.

#1 – ANG MAG- DECISION KUNG ANONG KURSO ANG KUKUNIN SA COLLEGE


Maraming estudyante na nagpapalit ng kanilang kurso pagdating ng college, dahil di naman nila alam kung ano talaga ang dapat na kursong nababagay sa kanila, nag-papalit dahil laging bagsak ang mga grades, yong iba tinatamad at ang iba ay nag-enroll lang sa kurso na yon dahil in demand daw sa abroad o kaya nahihikayat lang ng mga barkada. Sayang ang panahon lalo na ang pag-hihirap ng magulang para lang matustusan ang kanilang pag-aaral.

#2 – ANG MAG –DECISION KUNG SINO ANG MAPAPANGASAWA


Sabi nila “Magkolekta ka muna saka ka na mag- select” yon ang ginagawa ng iba pag sa lalaki kabi-kabila ang kanilang mga GF naka-schedule pa kung anong mga araw niya e-date, at pag nagkabukuhan malaking away, pag sa mga babae naman meron na ngang BF nakiki-flirt pa sa iba at minsan “two timer” kung tawagin, syempre yong iba naman seryoso sa pakikipagrelasyon kaya bago muna nila ibigay nag kanilang pag-mamahal sa ibang tao ay talaga naman kinikilatis ng husto mag-mula sa physical appearance, family background, educational background at maging sa religious matter. At kung talagang nahuhuli na sa panahon yong “lagpas na sa calendar” kung tawagin, at feeling niya na siya na lang ang napag-iwanan ng barkada at kaibigan maski sino na lang ay kanyang papatulan na para lang makaiwas sa pressure at kantiyaw, ang iba naman talagang nag-decision na di na mag-asawa.

#3 – ANG MAG- DECISION NA ISUKO ANG BUHAY KAY JESUS CHRIST


Ito ang pinakamahalaga na decision na dapat nating gawin sa ating buhay, aware tayong mga tao na tayo ay makasalanan gasgas na nga ang salitang “NOBODY IS PERFECT” pero hindi naman nabibigyan ng kahalagahan ang “NOBODY IS PERFECT” sapagka’t ang consequences ng hindi natin pagiging perfect in biblical context ay pupunta tayo ng hell at napakasaklap dahil ito’y isang dagat-dagatang apoy na hindi ka na makaka-alis don forever.

Pag sinabi natin ang PAGSUKO NG ATING BUHAY KAY JESUS CHRIST ay para lang doon sa mga taong sumusuway ng batas, mga taong nakakulong at itinakwil na ng lipunan, LAHAT TAYO AY DAMAY!

Romans 3:10

“As it is written: "There is no one righteous, not even one;” hindi ibig sabihin ng Romans 3:10 ay hindi tayo nakakagawa ng mabuti, kundi ang kanyang kontexsto lalo na sa buong sinasabi ng Bible between God & man na tayong mga tao ay fall short sa glory ni God.

Romans 3:23 
“for all have sinned and fall short of the glory of God”

At kung sasabihin natin na “GUMAGAWA NAMAN AKO NG MABUTI”. Pero GAANO MAN ANG GAWING NATING MABUTI AY BASAHAN LAMANG YAN SA PANINGIN NG DIYOS.

Isaiah 64:6

“All of us have become like one who is unclean, and all our righteous acts are like filthy rags; we all shrivel up like a leaf, and like the wind our sins sweep us away”

Mahirap ang mag-decision na isuko natin ang ating buhay kay Jesus Christ pagka’t maraming balakid at humahadlang, nandiyan yong mga priorities sa ating buhay at minsan maging sa ating mismong family ay sila rin ang nagiging hadlang, magkakaroon ka ng limitations sa mga gawaing nakasanayan mo na

PERO pag nag-DECISION tayo na ISIUKO natin ang atinG BUHAY sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus Christ ay mag-kakaroon ng KALAYAAN ang ating kaluluwa.

Ang RIGHTEOUSNESS ni Jesus Christ ay mapupunta sa atin.


2 Cor.5:21
“God made him who had no sin to be sin for us, so that in him we might become the righteousness of God.” At yon ang tinitignan ni God the Father, HINDI YONG ATING RIGHTEOUSNESS na apart sa righteousness ni Jesus Christ.

MAYBE YOU HAVE ALREADY MADE THE DECISION sa pagpili mo kung anong kurso ang kinuha mo nong college ka at sa ngayon yong kursong pinag-aralan mo ay nakapag-bigay sayo ng magandang trabaho at mataas na sweldo o kaya dahil sa kusong kinuha mo ay tinitingala ka sa ating lipunan, at sa pag-decision na ikaw ay mag-aasawa na at ang iyong mapapangasawa ay masasabi mo na “ito talaga ang taong para sa akin” or you have made the good decision regarding sa iyong romantic relationship.

HOW ABOUT YONG DECISION NA ISUKO ANG IYONG BUHAY KAY JESUS CHRIST?


2 Peter 3:9
“The Lord is not slow in keeping his promise, as some understand slowness. He is patient with you, NOT WANTING ANYONE TO PERISH, but everyone to COME TO REPENTANCE”
.
.

Monday, November 1, 2010

The focus

Halos lahat naman siguro ng tao ay mayroong major na pinagtutuunan ng pansin o kaya merong siyang bagay na pinagfo- focusan.

Sa isang taong pamilyado siya ay naka-focus na mabigyan ng araw araw na pangangailangan ang kanyang pamilya kaya todo kayod siya sa kanyang pag-tratrabaho, sa isang estudyante na merong pangarap na maging professional at makahanap ng magandang work siya rin ay naka-focus sa kanyang mga studies, ilan lamang yan sa mga pinagfofocusan ng mga tao.

I ask you nabasa mo na ba ang buong Bible? maaring paputol-putol o nagbabasa ka lang dahil wala ka ng matakbuhan sa iyong mga problema, at kung sakaling nabasa mo na siya cover to cover, alam mo ba kung ano ang kanyang main focus o ano yong kanyang mga pinagfo-focusan?

Kung wala ang pag-fall sa sin nina Adam at Eve maaring wala tayong binabasa na Bible, tayo ay direct na kinakausap ni God at ka-fellowship natin siya doon sa garden of eden, no sorrow, pain at death, lahat ay puro kasayahan.

Nakakalungkot dahil hindi ganyan ang nangyayari we experience sorrow, pain at death sa buhay natin at yan ay epekto ng pagkakasala nina adam at eve, we are separated to God at yan ang tinatawag na spitiual death the moment na nagkasala sina adam at eve ang epekto ng sin ay agad na nagkaroon ng sumpa at hindi lang damay ang tao kundi lahat ng creation ni God ay nadamay.

At sa unang book ng Bible sa Genesis 3:15 ay nagbigay na si God ng remedy o solusyon sa pagkakasala nina adam at eve at ito ay tinatawag ng mga Theologian at ng mga Bible Scholars na “Proto-Evangelium” ito ang tinatawag na “first gospel” na pagpapahayag ng salvation ni God at kay Jesus Christ.

Genesis 3:15
“And I will put enmity Between you and the woman, And between your seed and her seed; He shall bruise you on the head, And you shall bruise him on the heel."

Salvation sa power ng sin, salvation sa power ng devil, salvation sa power ng death, salvation sa eternal punishment, the work, death and resurrection of Jesus Christ, those are the focus of the salvation of God at kay Jesus Christ.

At ang mga ganyang focus (salvation sa sin, devil, death, eternal punishment, work, death & resurrection of Jesus Christ) sa pag-prepreach ng gospel ay parang nawawala na siya, dahil parang baduy, di na “in” sa panahon ngayon o kaya parang kino- condemn mo yong tao pag ganun ka naka-focus sa pag-preach o pag-share ng Gopsel.

Ang isa pang nakakalungkot kung minsan maging sa pag-papahayag mismo ng gospel sa loob ng Church o tawagin na natin na Mass ay hindi na yon nafo-focus, puro encouraging words na lang “be good about yourself”, “do good’’ pero yong focus na sinasabi ng Bible ay naiilang na itong sabihin, kaya’y maging ang hearer ay pumipili na rin kung sino ang gustong nilang pakingan at yan ay hindi nakapagtataka dahil sinabi na rin yan ng Bible sa Book of Timothy.

2 Timothy 4:3
“For the time will come when they will not endure sound doctrine; but wanting to have their ears tickled, they will accumulate for themselves teachers in accordance to their own desires”

Maging sa group ng mga “evangelical churches” o tawagin nating “born again” ay nalilihis din ang ganung focus sa preaching, ang na-uuso o nagiging trend (although di naman lahat) ay tungkol sa “prosperity” tungkol sa “financial” kaya’t naririnig nating ang pananalitang “gusto ni God na mag-prosper ka sa iyong mga finances” at me mga seminars regarding sa mga “how to be prosperous” gagamitin pa yong nakalagay sa Bible sa John 10:10.

John 10:10
"The thief comes only to steal and kill and destroy; I came that they may have life, and have it abundantly.”

kung gagamitan talaga natin ng proper exegesis at hermeneutic ang verse ng John 10:10 ay hindi siya nag-cocontext sa financial matters, pero marami ang gumagamit nyan para e-justify regarding sa “prosperity”.

Nang andito si Lord Jesus Christ, hindi siya nag-paseminar o nag-conduct ng session regarding “Be good to yourself”, ”How to become a successful businessman” “How to increase your wealth” at kung ano ano pa, maging si Apostle Paul sa kanyang mga epistles hindi gumawa ng mga ganun, bagama’t siya ay humihingi ng tulong sa ibang churches para matugunan ang pangangailangan ng ibang churches, pero minor lang sa kanya yon, ang mahalaga sa kanya ay ang kanilang spiritual condition at paglakad nila kay Lord kaya nga sa laman ng kanyang mga epistles ay may mga pag-tutuwid sa mga churches para lalo silang ma-refine sa kanilang spiritual walk.

Ang sinasabi ni Jesus Christ at ng mga Apostles ay “Repent”, “Believe in the Lord Jesus Christ and you will be save” at yon ay komo-contexsto sa focus ng Bible regarding sa salvation ng tao at kay Jesus Christ (salvation sa sin, devil, death at eternal punishment, work, death & resurrection of Jesus Christ) at ng buong sangkatauhan.

Kaya me mga tao na hindi nga nila alam o kabisado kung ano ang “gospel” akala nila basta’t nagbasa ng isang portion o text sa Bible ay gospel na yon, hindi pa yon ang gospel, kaya’t pag tayo ay na-kakarinig ng mga sharing at preaching na hindi nag-fofocus sa salvation sa sin, devil, death, eternal punishment, work, death & resurrection of Jesus Christ, hindi pa yon yong talagang gospel, nabibigyan lang ng mga Bible texts at passages para mag-mukhang talagang true gospel siya.

Hindi ko sinasabi na hindi maganda yong mga ibang topic na aside don sa focus ng Bible na naka-contexto sa Genesis 3:15 na “Proto-Evangelium” o yong “First Gospel” na ginagamitan ng mga Bible texts o passages, ang aking sinasabi ay SANA Huwag tayong malihis sa focus kung ano original na focus ni God don sa kanyang INSPIRED WRITTEN WORD.

Kaibigan sabi sa Luke 8:18a “Therefore consider carefully how you listen…”
At higit sa lahat kailangan natin ang salvation.
.
.

Huwag mong isugal

The race is not always to the swift nor the battle to the strong, but that's the way to bet. ~ Damon Runyon
_______________________________________________________________

Ano bang mahalagang gamit meron sayo?, at masasabi mo na parang sinasabi ng iba na “pag wala ito parang di ko kayang mabuhay”

Yong ibang tao mahalaga sa kanila ang kanilang cellphone o kaya laptop, dahil andon ang mga numbers ng mga kaibigan nila o kaya numbers ng kanilang mga business partners at kung ito ay mawala o masira ay naghihinayang sila kaya yong iba ingat na ingat sila sa gamit nilang iyon.

Sa mga iba naman ay kotse ang mahalaga sa kanila, hindi dahil sa kailangan nila ng pang-transpo, kundi sa iba ay pang-porma nila kaya sineset-up nila ito pinapalitan at nilalagyan ng mga mamahaling accessories at kung maari ay hindi ito magasgas, at kung naigasgas ng driver ay katakot takot na mura o galit ang aakuin ng driver.

Those are some of the material things in life na nakakatulong sa atin dito sa mundong kinalalagyan natin kaya ito’y mahalaga sa atin.

But those things sooner or later ay mawawala din siya dahil luma na o kaya tapos na rin talaga ang serbisyo niya sa atin at mapapalitan na kung meron ka pang pambili para mapalitan yon.

The Bible said sa Job 1:21a at 1 Timothy 6:7

Job 1:21a

“…Naked I came from my mother's womb, and naked I will depart…”

1 Timothy 6:7

“For we brought nothing into the world, and we can take nothing out of it.”

Job 1:21a at 1 Timothy 6:7 ay maliwanag na walang tayong madadala na mga material things yong gutong gusto nating gamit ay maiiwan pakikinabangan na ng iba , maski ang mga relationships ay maiiwan din, yong GF o BF mo ay maghahanap na rin siya ng ibang mamahalin.

Wala tayong madadala yan ang isang truth na dapat nating ilagay sa ating kaisipan, at yong ating pagiging naked o pagiging bare ang siyang haharap kay God.

At sa nilalagi natin dito we are in conflict between God and Satan, at oras na tayo ay nawala na dito at sa isang kisap mata either in heaven o hell mapupunta ang ating soul.

At ang ating soul o kaluluwa ang importanteng possession natin sa mundong ito, it is not the material things that we have now.

So far maraming tao na hindi iyon kinoconsider at baka rin sa ating sarili ay hindi pa natin ito na-consider dahil tayo ay napapaligiran ng mga bagay na andirito sa mundo like worries, struggles, fear o yong ating mga success na nangyari sa ating buhay tayo ay na-o overwhelm na kaya wala ng consideration sa ating soul o kaluluwa.

At sa hindi natin pag-consider sa ating kaluluwa at ito’y ating winawalang bahala, ay para nating isinusugal ito na tipong “Bahala na kung ano ang mangyari”

Parang yong sa mga extreme sports mga motor na tumatalon sa napa-kahabang line ng mga sasakyan o kaya tatalon sa isang napakataas na building, hindi alintana ang aksidente na pwedeng mangyari sa kanila, ang importante ay ma-conquer nila yon at pag na-conquer nila ay papalakpakan sila ng mga tao o kaya nakagawa sila ng bagong record at magiging sikat sila pero sila'y nakikipag-sugal kay kamatayan.


Sa totoo lang si Satan ay naka-first base na siya sa ating soul, nailipat na niya ang kapangyarihan ng sin sa ating buhay.

Romans 5:12-14

“Therefore, just as sin entered the world through one man, and death through sin, and in this way death came to all people, because all sinned”

Kaya’t tayo ay hostile, unfriendly kay God, mas nakakalamang ang mag-disobey rather that obey Him, because the power of sin ay nasa ating soul o kaluluwa.

Hanggat di pa dumarating ang panahon na itinakda sa atin ni God upang lumisan na sa mundong ito huwag na tayong makipag-sapalaran, huwag nating isugal ang ating soul, dahil wala tayong kalaban laban, aanihin natin kung ano yong kabayaran ng kasalanan natin, hindi lang yong kasalanan na nalipat sa atin kung yong mga kasalanan na mga ginawa at ginagawa pa natin.

Hebrews 10:31
“It is a terrifying thing to fall into the hands of the living God.

The judgment of God is “terrifying”, hell, lake of fire at eternal separation from God, at kung sa Bible mismo ang description niya ay nakakatakot na, pano pa kaya ang actual pag ikaw o tayo ay nandoon na.

Matthew 10:28
“Do not fear those who kill the body but are unable to kill the soul; but rather fear Him (God) who is able to destroy both soul and body in hell.”

Lahat ng mga bagay na nandito sa mundo na nasa iyo o nasa atin ay pamamaraan din yan ni Satan upang tayo ay kanyang dayain at mahalin ang mga bagay na yon hangang sa tuluyan nating makalimutan ang importanteng possession natin, na ang kanyang value ay hindi lang dito sa mundong ito kundi doon din sa eternity.

1 John 2:15

“Do not love this world nor the things it offers you, for when you love the world, you do not have the love of the Father in you.” (NLT)

KAIBIGAN, Kumusta ang soul mo? Baka ito’y naka-sangla o kaya patalo na siya at hinihintay na lang niyang ito’y humiwalay sa katawang lupa.

Me pag-asa at panahon pa, huwag natin itong sayangin.

John 14:6

“Jesus said to him, "I am the way, and the truth, and the life; no one comes to the Father but through Me.”
.
.