Friday, November 5, 2010

"3D"

“THE DOORS WE OPEN AND CLOSE EACH DAY  DECIDE THE LIVES WE LIVE”  - Flora Whittemore

Nang isilang tayo sa mundong ito wala sa atin ang decision kung sino ang magiging magulang natin, saang bansa tayo ipapanganak, anong antas ng lipunan tayo maipapanganak sa mayaman ba o mahirap na pamilya, anong kulay natin maitim o maputi at kung ano ano pa.

Sa ating paglaki at pag-kakaroon na ng tamang kaisipan tayo ay nag-kakaroon na ng mga pagkakataon sa ating sarili na mag-desisyon lalo na pag tayo ay nasa tamang edad na.

At sa ating araw araw na pamumuhay tayo ay napapaligiran ng napakaraming decision. Ito’y nagsisimula sa mga malilit na bagay, katulad ng kung ano ang isusuot, natin, ano ang kakainin hangang sa mga medyo kumplikado na na mga decision.

May tatlong decision na malaki ang nagiging epekto nito sa ating sariling buhay.

#1 – ANG MAG- DECISION KUNG ANONG KURSO ANG KUKUNIN SA COLLEGE


Maraming estudyante na nagpapalit ng kanilang kurso pagdating ng college, dahil di naman nila alam kung ano talaga ang dapat na kursong nababagay sa kanila, nag-papalit dahil laging bagsak ang mga grades, yong iba tinatamad at ang iba ay nag-enroll lang sa kurso na yon dahil in demand daw sa abroad o kaya nahihikayat lang ng mga barkada. Sayang ang panahon lalo na ang pag-hihirap ng magulang para lang matustusan ang kanilang pag-aaral.

#2 – ANG MAG –DECISION KUNG SINO ANG MAPAPANGASAWA


Sabi nila “Magkolekta ka muna saka ka na mag- select” yon ang ginagawa ng iba pag sa lalaki kabi-kabila ang kanilang mga GF naka-schedule pa kung anong mga araw niya e-date, at pag nagkabukuhan malaking away, pag sa mga babae naman meron na ngang BF nakiki-flirt pa sa iba at minsan “two timer” kung tawagin, syempre yong iba naman seryoso sa pakikipagrelasyon kaya bago muna nila ibigay nag kanilang pag-mamahal sa ibang tao ay talaga naman kinikilatis ng husto mag-mula sa physical appearance, family background, educational background at maging sa religious matter. At kung talagang nahuhuli na sa panahon yong “lagpas na sa calendar” kung tawagin, at feeling niya na siya na lang ang napag-iwanan ng barkada at kaibigan maski sino na lang ay kanyang papatulan na para lang makaiwas sa pressure at kantiyaw, ang iba naman talagang nag-decision na di na mag-asawa.

#3 – ANG MAG- DECISION NA ISUKO ANG BUHAY KAY JESUS CHRIST


Ito ang pinakamahalaga na decision na dapat nating gawin sa ating buhay, aware tayong mga tao na tayo ay makasalanan gasgas na nga ang salitang “NOBODY IS PERFECT” pero hindi naman nabibigyan ng kahalagahan ang “NOBODY IS PERFECT” sapagka’t ang consequences ng hindi natin pagiging perfect in biblical context ay pupunta tayo ng hell at napakasaklap dahil ito’y isang dagat-dagatang apoy na hindi ka na makaka-alis don forever.

Pag sinabi natin ang PAGSUKO NG ATING BUHAY KAY JESUS CHRIST ay para lang doon sa mga taong sumusuway ng batas, mga taong nakakulong at itinakwil na ng lipunan, LAHAT TAYO AY DAMAY!

Romans 3:10

“As it is written: "There is no one righteous, not even one;” hindi ibig sabihin ng Romans 3:10 ay hindi tayo nakakagawa ng mabuti, kundi ang kanyang kontexsto lalo na sa buong sinasabi ng Bible between God & man na tayong mga tao ay fall short sa glory ni God.

Romans 3:23 
“for all have sinned and fall short of the glory of God”

At kung sasabihin natin na “GUMAGAWA NAMAN AKO NG MABUTI”. Pero GAANO MAN ANG GAWING NATING MABUTI AY BASAHAN LAMANG YAN SA PANINGIN NG DIYOS.

Isaiah 64:6

“All of us have become like one who is unclean, and all our righteous acts are like filthy rags; we all shrivel up like a leaf, and like the wind our sins sweep us away”

Mahirap ang mag-decision na isuko natin ang ating buhay kay Jesus Christ pagka’t maraming balakid at humahadlang, nandiyan yong mga priorities sa ating buhay at minsan maging sa ating mismong family ay sila rin ang nagiging hadlang, magkakaroon ka ng limitations sa mga gawaing nakasanayan mo na

PERO pag nag-DECISION tayo na ISIUKO natin ang atinG BUHAY sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus Christ ay mag-kakaroon ng KALAYAAN ang ating kaluluwa.

Ang RIGHTEOUSNESS ni Jesus Christ ay mapupunta sa atin.


2 Cor.5:21
“God made him who had no sin to be sin for us, so that in him we might become the righteousness of God.” At yon ang tinitignan ni God the Father, HINDI YONG ATING RIGHTEOUSNESS na apart sa righteousness ni Jesus Christ.

MAYBE YOU HAVE ALREADY MADE THE DECISION sa pagpili mo kung anong kurso ang kinuha mo nong college ka at sa ngayon yong kursong pinag-aralan mo ay nakapag-bigay sayo ng magandang trabaho at mataas na sweldo o kaya dahil sa kusong kinuha mo ay tinitingala ka sa ating lipunan, at sa pag-decision na ikaw ay mag-aasawa na at ang iyong mapapangasawa ay masasabi mo na “ito talaga ang taong para sa akin” or you have made the good decision regarding sa iyong romantic relationship.

HOW ABOUT YONG DECISION NA ISUKO ANG IYONG BUHAY KAY JESUS CHRIST?


2 Peter 3:9
“The Lord is not slow in keeping his promise, as some understand slowness. He is patient with you, NOT WANTING ANYONE TO PERISH, but everyone to COME TO REPENTANCE”
.
.

1 comment: