Kung sumasapit ang pasko ang madalas na inihahanda na hindi nawawala sa kainan ay ang pagkaing hamon o kaya ay keso de bola, sa mga walang masyadong kaya o sabihin na natin na mahirap ang kanilang buhay andyan ang spaghetti, yan ang pagkaing masasabi na nating pamilyar sa ganyang mga okasyon
At sa ating buhay sa mundong ito lalo na sa ating spiritual life tayo ay lumalakad ayon sa ating pananampalataya o Faith, at yan ay pinatunayan ng Bible sa 2 Cor. 5:7 “We live by faith, not by sight.” at ang "faith" ay pamilyar at nakadikit na sa ating buhay bilang isang kristiyano.
At sa aking opinion at aking na- observed ang salitang “Faith” ay isa sa mga salitang nagagamit sa ating spiritual life. At nakakalungkot dahil nagagamit sa maling pananaw ng kamihan ang salitang “Faith” na hindi naman naiintindihan theologically.
Kung meron tayong gusto at ipinapanalangin natin sa Diyos tayo ay umaasa na “By Faith” na makakamit natin yon, at minsan pa nga ating kini-claimed na ito’y nakamit na at ginagamit natin ang verse ng Mark 11:24 “…I tell you, whatever you ask for in prayer, BELIEVE THAT YOU HAVE RECEIVED IT”.
Talagang napakahalaga ang “FAITH” sa ating pakikipag-ugnayan sa Diyos, at lalong masasabi natin na ang “FAITH” ay mahalaga rin don sa mga bagay na hinihiling natin sa Diyos upang ito’y ating makamit.
Kaya ko nasasabi na nagagamit sa maling pananaw ang faith, kasi maraming mga tao ang kanilang “FAITH” ay “SUBJECTIVE” naka-base lang kung ano yong kanyang palagay o ano talaga ang kanyang paniniwala na wala namang talagang solid na foundation ng truth.
Isang example ay sinasabi ng Bible na bawal makipag-relasyon o magka-gusto sa hindi niya kaparehas sa pananampalataya sa Diyos, pero marami ang sumusuway at meron silang “faith” na baka siya na yong para sa kanila at baguhin ng Diyos ang condition ng heart niya,
Samantalang ang linaw sa Bible na ayaw ng Diyos yon sabi nga “Do not be equally yoke to unbelievers”. Pero pinipilit pa rin dahil sa kanilang subjective faith, kaya ang labas tuloy “evangeligaw”.
Yong iba naman sasabihin “basta me faith ka mangyayari yan” samantalang kung titignan mo naman kung ano yong gusto niyang mangyari di naman na-aayon kung ano ang sinasabi sa Bible.
Basically ang “FAITH” is “…being sure of what we hope for and certain of what we do not see” pero hindi siya license na mag-hope tayo sa isang bagay na walang basehan.
Maski ang Diyos na hindi nakikita ay nagbigay siya ng basehan upang malaman natin siya (1) sa nature Romans 1:19, 20 “since what may be known about God is plain to them, because God has made it plain to them. For since the creation of the world God's invisible qualities—his eternal power and divine nature — HAVE BEEN CLEARLY SEEN , being understood from what has been made, so that men are without excuse.” (2) kay Christ, Colossians 1:15 “He is the image of the invisible God…”
Yes! it is true na ang “FAITH” ay “…hope…what we do not see” but God made exemption at gusto ng Diyos na dapat ang “FAITH” na e-exercise natin ay “OBJECTIVE FAITH” na base sa kanyang written word ang Bible.
At ang “FAITH” na ini-excise natin ay dapat ayon sa kanyang salita at ayon sa kanyang kalooban, hindi natin pwedeng diktahan ang Diyos dahil sa sinasabi natin na may “faith” tayo.
Sa totoo lang meron tayong mga hinihingi na hindi nagkakaroon ng mga katuparan maski sinasabi natin na “Malakas ang faith ko” dahil nga di naman siya ayon sa Bible ito’y pangsarili lang natin at meron din naman tayong mga hinihingi na ayon sa Bible na di naman agad agad dumadating pero ito’y ayon naman sa sa kalooban ng Diyos at ang kailangan lang natin ay mag-antay.
Tayo rin ay nag- eencourage ng mga tao na “have faith” or “keep the faith” pero sana sa pag-eencourage natin ng ganun siguro naman dapat muna natin suriin at tignan at pag-isipan ng konti na yong pag-eencourage ba natin ng mga ganun ay talagang objective faith o baka siya ay subjective faith, kasi pag ang dating ay subjective nagbibigay tayo ng maling encouragement.
Ang isa pa natin tandaan ang “FAITH” ay ibinibigay ng Diyos sa tao, hindi ito nagmumula sa ating sarili sabi ng Ephesians 2:8 “For it is by grace you have been saved, THROUGH FAITH —and this NOT from yourselves, it is the GIFT of God…”
So kung ang Diyos ang nagbibigay ng “FAITH” DAPAT LANG NA GAMITIN NATIN SIYA SIYA SA TAMANG PAMAMARAAN at di naman tayo magkakamali if we know His Word, di naman kailangan maging theologian o kaya seminary student, ang kailangan lang naman naman ay magkaroon tayo ng tamang immersion sa kanyang salita.
At ang “FAITH” ay hindi rin siya ginagamit para makuha ang ipinangako ng Diyos, kundi ito rin ay ginagamit maski hindi nagkaroon ng katuparan ang mga bagay na ipinangako
HEBREWS 11:39
“These were all commended for their faith, YET NONE OF THEM RECEIVED WHAT HAD PROMISED.”
.
.
Kuya Lars, ganda mga blog posts mo ah!
ReplyDeleteSalamat ha. Pasensya na minsan hindi ko nababasa yung mga email mo sa akin sa FB. hehehe.